25

18.4K 1.1K 266
                                    

25

AUGUST

"Babe, I am going to visit Marion later. Do you want to join?" tanong ni Chris mula sa kanilang higaan.

Tanghali na silang nagising dahil sa pagod sa pag aayos ng kanilang mga gamit sa apartment at namili rin sila ng grocery kahapon. Abala siya ngayon sa pagpiprito ng itlog, hotdog at tocino para sa kanilang agahan habang ang damuho naman ay nakahilata pa rin sa kanilang higaan at abala sa cellphone nito.

"Ano naman ang gagawin ko doon? Ikaw na lang. Gusto ko ring makipagkita kay Sheena ngayong araw." aniya bago binaliktad ang pinipritong itlog. Hinihintay niya rin na kumulo ang tubig ng kanilang coffee maker para mapainom na niya ang damuho ng paborito nito.

"Are you going to chismis, babe?" tanong nito na nagpatawa sa kanya.

"Anong chismis pinagsasabi mo?" tanong niya dito. Pinatay na niya ang stove at kumuha ng tasa para magsalin ng kape. Natatawa pa rin siya sa pagtatanong nito kung magchi-chismisan ba sila ni Sheena. Iyon naman talaga ang kanilang gagawin mamaya nakakatawa pa rin na may ideya ang damuho na iyon ang kanilang gagawin. "At ano naman ang pagtsitsimisan namin, aber?"

"Maybe you are gossiping about me. Like, you are sharing to her our sex life and you also tell her that I have a big cock that always make you scream in pleasure at night. That's what you gays and girls do, right?" usal nito at mukhang seryoso pa talaga ang damuho.

Napakunot ang noo niya pero napatawa pa rin. Dinala niya ang tasa ng mainit nitong kape sa lamesa at ang mga piniritong ulam. "Damuho ka talaga. Saan mo naman nakuha na iyan ang aming ginagawa?" napapailing niyang tanong.

"Come on, babe. Just admit it."

Hindi niya na lamang ito pinansin at baka maaga pang sumakit ang kanyang ulo. "Bumangon kana riyan at para makapag almusal na tayo. Nandito na ang kape mo sa lamesa."

Inihanda na niya ang kanilang hapag para makapag almusal. Matapos maghanda ay dinaluhan na niya ang damuho sa kanilang hapag na nakangiti habang sumisimsim sa kape nito. Hinainan niya ito ng kanin at ulam sa plato nito bago ang kanya.

"Where are you going to meet Sheena anyways, babe?" tanong nito sa kanya. "Maybe I can give you a ride there."

"Sa coffee shop na lang siguro." tugon niya bago nagsimulang kumain. "Gusto ko ring bumisita doon at makipag chismisan." pagbibiro niya sa damuho na napangiti.

"I knew it! You chismis me to them."

"Damuho, nagbibiro lang ako atsaka hindi kita chini-chismis sa kanila no. Atsaka tigilan mo nga ang kakasabi ng chismis. Hindi bagay sa iyo."

"I'm learning to speak Filipino, babe." anito at kinindatan pa siya.

Napangiti siya. May ideya na pumasok sa kanyang isip. Naalala niya noon na may napanood siyang video sa YouTube kung saan may isang Pinay na nakapag asawa ng Amerikano ang hinamon na mag tagalog lamang ang mister nito sa isang araw.

"Oh sige. May challenge ako sa iyo, damuho. Sa araw na ito dapat hindi ka magsalita ng ingles lalo na kapag kakausapin ako. Oras na marinig ko na mag ingles ka may parusa." paghahamon niya. Isipin niya pa lamang ang magiging hitsura ni Chris ay natatawa na siya.

"What's the consequence?" tanong nito na game rin sa kanyang challenge.

"Walang sex mamayang gabi kapag nag ingles ka." nakangiti niyang usal.

Nanlaki naman ang mata nito. "What!? No, choose another consequence, babe. Like, I will do the chores instead." pagkontra nito. Basta talaga seks na ang usapan ay nagiging alisto ang damuho.

ONE NIGHT STAND [MPREG] [COMPLETED]Where stories live. Discover now