19

23.4K 1.1K 338
                                    

19

CHRIS

Hawak niya ang kamay ni August habang mahimbing itong natutulog sa higaan ng hospital na pinagsuguran niya rito. Halos tatlong oras na itong natutulog matapos mawalan ng malay sa kanyang sasakyan. Mabilis siyang napatayo nang mapansing gumalaw ito.

"Babe," bati niya dito nang magmulat ito ng mga mata. 

Bumakas sa maamo nitong mukha ang pag aalala nang marahil ay maisip kung bakit ito naroroon sa hospital.

"Ang baby natin, Chris?" nag aalala nitong tanong.

"The baby is fine." tugon niya at naluluha naman itong napapikit. Hinawakan niya nang mas mahigpit ang kamay nito. "Dr. Vazquez said that bleeding during the first few months of your pregnancy is expected and common. But to make sure, she ran some tests to make sure that you and Pancake are okay. The tests came back with positive results."

"Thank God at okay lang ang baby natin." anito na parang nabunutan ng tinik. "Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari kay Pancake."

"Don't beat yourself up." aniya at hinalikan ito sa noo. "Are you hungry, babe? They gave ration, but I don't think you will like the food so I ordered instead." Ipinabalik niya ang mga pagkain at umorder na lamang siya sa paborito nilang steakhouse. 

Timid itong ngumiti. Nagpahid muna ito ng luha bago tumango. "Oo, nagugutom na ako."

"Good." aniya. "I think it is about time for you to resign from your work, babe."

"Hindi naman nakakasama sa pagbubuntis ko ang pagtatrabaho, hindi ba? Atsaka kaya ko pa naman, Chris. Kailangan ko pang suportahan sila inay at itay." 

"Is that what keeps you from holding on to your job?" tanong niya. "I can provide for you and your parents if that's what you want. Please, babe, even just for the duration of your pregnancy."

Napakagat labi ito at malumanay siyang tiningnan na para bang tinitimbang nito ang mga pagpipilian.

"I don't like that you are standing for the whole day and earning just a couple of hundred pesos, babe. You're overworked yet underpaid. That doesn't sit right with me. Can you just be my wife already so you don't need to work for your whole life again." 

Kinurot siya nito dahil sa huli niyang linya.

"Kidding aside. I am serious, babe. Quit from your work and focus on yourself and our baby. I will pay you a million a month just to do that." 

"Damuho ka talaga." anito at hinampas siya sa braso. "Hindi mo na ako kailangang bayaran ng milyon. Magre-resign na ako sa trabaho ko bukas na bukas rin. Hindi ito dahil sa offer mo kung hindi para sa baby natin. Ipangako mo lang na susuportahan mo sila inay at itay dahil wala na akong pagkukunan ng pera." 

Napangiti siya at niyakap ito. "I will, babe."

"Pero kapag naipanganak ko na ang anak natin hahayaan mo akong bumalik sa pagtatrabaho. Hindi kasi ako sanay na umaasa lamang. Simula noong makapagtapos ako ng hayskul at nagtungo dito sa syudad para magkolehiyo ay ako na ang tumutustos sa sarili kong mga pangangailangan. Maging kina inay at itay ay ako na rin ang bumalikat." 

Hinaplos niya ang mukha nito. He admires August for that. He is always been hardworking and independent. Naisip niyang nasanay siguro ito na wala itong ibang inaasahan kung hindi ang sarili lamang nito kaya nahihirapan itong tumanggap ng tulong mula sa kanya. 

Alam niyang mahihirapan siyang baguhin iyon pero ito ang magiging ina ng kanyang anak at hindi kaya ng ego niya na pabalikin ito sa pagtatrabaho para kumita ng kakaramput na halaga. 

ONE NIGHT STAND [MPREG] [COMPLETED]Where stories live. Discover now