29

18.9K 1.2K 271
                                    

29

AUGUST

"Babe, babe..." ang boses na iyon ng kanyang damuho ang gumising sa kanya sa umaga. Naramdaman pa niya ang paghalik nito sa kanyang batok at ang mainit nitong hininga. Dama niya rin ang beard stubble nito na tumutusok sa kanyang balat na kumikiliti sa kanya. "Babe." muli nitong pagtawag sa kanya.

Napa ungot siya at umikot nang pagkakahiga at humarap dito. Isinubsob niya ang mukha sa malapad nitong dibdib at muling ipinikit ang mata. Napangiti siya habang sinasamyo ang bango ng katawan ng damuho niya.

"Good morning, babe." bati nito sa kanya.

Umungot lang siyang muli. Pagod at inaantok pa siya sa magdamag nilang pagniniig ng damuho. Dalawang araw nga siyang nakapag pahinga sa seks dahil sa lagnat pero bawing-bawi naman iyon kagabi. Isipin niya pa lamang ang namagitan sa kanila kagabi ay nag iinit na ang kanyang pisngi. Sobrang daming alam ng damuho sa kama. Mahihiya talaga ang mga porn star sa kanilang dalawa.

"Inaantok pa ako, damuho ka." aniya. Hindi niya napigilan na hawakan ang dibdib nito at damhin ang masel doon. Ang hot ng damuho at ang hindi niya maipaliwanag eh parang mas gumagwapo at mas kumikisig ito sa kanyang paningin habang tumatagal.

Napatawa naman ito. "Atleast greet me back, babe."

"Walang good sa morning kung pakiramdam ko ay parang mabibinat ako sa pinaggagawa mo kagabi." sermon niya pero natatawa na rin.

"What!? Not again, babe." parang natataranta nitong usal.

Kinurot niya ito sa dibdib. "Kaya maghinay-hinay ka na sa sunod. Nabuntis mo na nga akong damuho ka eh." Yumakap siya sa katawan nito at dinama ang init niyon na dala. Mahina lamang ang kanilang aircon pero nanunuot pa rin ang lamig lalo na at umaga. "Bakit ba ang aga mong mang gising?"

"It's already 7:45, babe." anito at niyakap siya ng mahigpit dahilan para mas mapadikit siya sa katawan nito. Doon niya lamang napansin na kapwa pa pala silang hubo't hubad sa ilalim ng kanilang kumot. Dama niyang may matigas at mahabang bagay na tumusok sa kanyang tiyan at hindi na niya kailangang tingnan pa para malaman kung ano iyon. Napa iling na lamang siya habang namumula ang pisngi. "Let's have breakfast now."

"Mamaya na, tinatamad pa ako." aniya. Wala kasi talaga siyang gana na bumangon pa. Nasasarapan pa siya sa tabi nito atasaka wala naman silang gagawin o pupuntahan. Wala pa itong trabaho pero nag i-invest daw ito sa stock market kaya naman kung minsan ay nakaharap ito sa laptop nito.

Pinakawalan siya nito kaya nakuntento na lamang siya sa pag unan sa braso nito. Umayos naman ito ng higa at tumagilid. "What if we really name our little pancake as Pancake? Pancake Carter." tanong nito.

Napataas ang kilay niya sa tanong nito. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o ano. Balak pa ata nitong paglaruan ang pangalan ng kanilang panganay. "Hindi ako papayag. Palayaw niya lang ang Pancake."

Natawa rin ito sa suhestiyon nito. "Yeah, its horrendous. How about September? Since your August, our baby should be named 'September."

Kinurot niya ito sa dibdib. "Ayusin mo nga, damuho ka talaga." saway niya rito. Kahit siya ay wala pa ring napipisil na pangalan para sa kanilang baby boy at hindi pa nakakatulong ang damuho sa mga suhestiyon nito. "Wala pa rin akong naiisip."

"Ummm... Chris Carter, Jr.?"

"Pwede rin kaso baka mamana ni pancake ang pagka damuho mo." natatawa niyang komento. "Sa iyo pa nga lang ay sumasakit na ang ulo ko eh."

"Am I a pain in your ass, babe?" tanong nito at nginitian pa siya ng nakakaloko. Kumindat pa ito.

Napakunot ang kanyang noo. Ilang sandali pa ang lumipas bago niya naintindihan ang ibig nitong sabihin. "Damuho ka talaga ughhh!" gigil niya itong kinurot habang namumula ang mukha niya sa hiya.

ONE NIGHT STAND [MPREG] [COMPLETED]Where stories live. Discover now