30

21.6K 1.2K 260
                                    

30

AUGUST

"The old man was so weird." ani Chris sa kanya habang nagmamaneho. Nakatuon ang mga mata nito sa daan.

Kakatapos lamang nilang mamili sa palengke para sa kanyang lulutuing sinigang na hipon. Hindi niya inaasahan na makikita niyang muli doon ang matandang lalaki at ang mas bumigla sa kanya ay ang mga rebelasyon nito. Sobrang nahabag ang kanyang damdamin habang pinapanood itong yumakap kay Chris. Para siyang nakasaksi ng isang muling pagkikita ng mga taong matagal na pinaghiwalay ng panahon.

"But I felt warm when he was hugging me, babe." dagdag pa ng damuho.

Nagpahid siya ng luha na namuo sa kanyang mga mata. Sobrang emosyonal niya kanina. Damang-dama niya ang sakit na nararamdaman ng matandang lalaki. Ngayon ay alam na niya kung papaano nito nahulaan na nagdadalang tao siya dahil katulad niya, nagbuntis rin ito. Nalulungkot nga lamang siya nang malaman na nawala nito ang ipinagbubuntis. Nasasaktan siya. Sigurado siyang hindi niya kakayanin oras na mangyari iyon sa kanyang pancake.

"Hey, why are you crying babe?" nag aalalang tanong nito sa kanya at saglit siyang nilingon.

Umiling siya at mabilis na nagpunas ng luha. "Nalulungkot lang talaga ako para sa matandang lalaki. Bukod sa hindi na nito nagawang makita ang namatay nitong anak, wala pa ang ama mo sa tabi nito nang mangyari ang lahat ng iyon." hindi na niya napigilang mapahikbi. Parang pinipilipit ang kanyang puso sa lungkot.

Itinigil ng damuho ang sasakyan sa tabi ng daan at tinanggal nito ang seatbelt. Hinimas nito ang kanyang likod para aluin. "I'm sad too, babe." anito. "but remember that I am not my dad. I will always be by your side and I wont let anything bad to happen to you and our pancake."

Napangiti siya. Alam naman niyang sobrang mahal silang dalawa ni pancake ng damuho para hayaang mangyari rin iyon sa kanila pero hindi niya pa rin talaga maiwasang malungkot at makaramdam ng kakaibang galit para sa ama nito. Walang may deserve na mamatayan ng anak at ang mas ikinagagalit niya ay ang kaalaman na wala man lamang ang ama ng damuho doon para suportahan at mapagkunan sana ng lakas ng matandang lalaki.

Hindi niya alam ang buong kwento dahil hindi naman naikwento ng matanda ang buong detalye ng mga nangyari. Pinagtagpi-tagpi niya lamang ang mga inilalahad nito habang nakayakap kay Chris at ibinubuhos ang lahat ng emosyon.

Hinimas niya ang pisngi nito. "Alam ko, hon at sobrang nagpapasalamat ako na ikaw ang ama ng ipinagdadala ko. Pinanindigan mo ako at minahal nang sobra-sobra. Pinili mo ako at tinalikuran ang lahat para sa akin."

"I love you, babe and I didn't my back to everything because you are my everything." anito at bahagyang lumapit upang halikan siya sa labi. Nag init ang kanyang pisngi sa ginawa nito. "I don't know if it will make you happy, but I will confront my dad about the old man."

Nagliwanag ang kanyang mukha sa narinig. "Talaga, hon. Gagawin mo iyon?"

"Yeah," tugon nito at tumango. "My dad needs to know about the old man and the child they lost. He should know how dick of a man he is for leaving someone. I'm lucky that he is man enough to marry my mom and support us. Though I never felt both of their love growing up, I'm still grateful that they raised me. That's enough for me."

"Naniniwala akong magiging isang mabuting ama at asawa ka, damuho." hinawakan niya ang kamay nito.

"I'm trying, babe."

"Hindi mo na kailangang subukan, hon." masaya niyang ani. Sapat na para sa kanya na nasa tabi niya ito at sinusuportahan siya sa kanyang pagbubuntis. Hindi siya nito iniwan kahit na sinisikil na ito ng ina nito. Doon pa lamang, alam niyang natapuan na niya ang lalaking matagal na niyang pinapangarap.

ONE NIGHT STAND [MPREG] [COMPLETED]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu