27

19.2K 1.1K 240
                                    

27

AUGUST

"IT'S A BOY!"

Hindi na niya napigilan na mapaiyak sa halo-halong emosyon na nadarama pero namumutawi doon ang saya. Mahigpit siyang napakapit sa braso ni Chris at doon ay lumuha sa sobrang saya. Ilang buwan na lamang ang kanilang hihintayin at mahahawakan na nila sa kanilang mga bisig ang kanilang munting pancake, maririnig ang pag iyak nito, at mahahalikan.

"We have a boy, babe." masayang ani sa kanya ni Chris. Hinalikan siya nito sa noo at hinimas ang kanyang braso. Dama niyang emosyonal rin ito ngunit itinatago nito. Nakikita niya sa mata nito ang kakaibang saya at pagkagalak. Hindi nga nito maialis ang paningin sa monitor ng ultrasound kung saan nakikita nila ang kanilang little pancake.

"Sobrang saya ko, Chris." aniya. Naiimahe na niya ngayon pa lamang na magiging kamukha ito ng damuho. Magkakaroon sila ng isang mini-Chris na magiging kasing kulit at pilyo ng ama nito. Ngayon pa lamang ay inihahanda na niya ang sarili na mangunsume hindi lamang kay pancake maging sa tatay na rin nito.

Yumuko naman ito para tingnan siya. "You're gonna be a mom, babe."

Napakagat siya ng labi at napatango. Pumatak ang kanyang mga luha. "At magiging tatay ka na, damuho." Tama ito. Magiging ina na siya ng kanilang little pancake. Nahihirapan siyang unawain ang katotohanan. Alam niyang hindi magiging madali ang lahat pero handa siya lalo na at magiging kaagapay niya naman ang damuho. "Magiging magulang na tayong dalawa." dagdag niya.

Hindi man nila mapapalaki sa karangyaan ang kanilang pancake kung sakaling hindi man makabalik si Chris sa nararapat nitong posisyon sa kompanya ng pamilya nito. Sigurado naman siyang lalaki ito na punong-puno ng pagmamahal mula sa kanila. Sisiguraduhin niyang mamumulat ito sa isang masaya at buong pamilya.

"Congratulations, August and Chris." pagbati ni Dr. Vazquez sa kanila na kanilang pinasalamatan pabalik. "Do you want me to print pictures of baby Carter?"

"Sige po, Doc. Please." aniya.

Matapos ng kanyang ultrasound, sinuri muna siya ni Dr. Vazquez. Binigyan siya nito ng panibagong mga vitamins at mga gamot para sa mga simpleng lagnat, sipon at ubo na pwede para sa katulad niyang nagdadalang tao. Matapos niyon ay saglit pa silang naghintay para sa pictures ni baby pancake.

Nakalabas na sila nang hospital at kasalukuyang nakasakay sa sasakyan ng damuho pero hawak niya pa rin ang mga pictures ni pancake. Hindi niya magawang maialis ang paningin sa mga larawang iyon. Patingin-tingin lang rin sa kanya ang damuho habang nagmamaneho ito. Kagaya niya, may hindi mawalang ngiti sa labi nito.

"We should celebrate, babe. Where do you want to eat?" tanong nito.

Ibinaba niya ang larawan ng ultrasound at maingat iyong inilagay sa kanyang bag. "Sa steakhouse!" masaya niyang tugon. Bukod sa napakasarap na pagkain doon, napalapit na rin siya sa lugar. Noong unang buwan ng kanyang pagbubuntis ay madalas silang doon kumakain.

"Is it really final that we will only follow Pancake after four years? Our boy might get sad not to have a sibling playmate to grow up with, babe."

Napataas ang kanyang kilay. "Si Pancake ba talaga ang malulungkot o ang ama nitong damuho?" natatawa niyang tanong pabalik.

"Well," napatawa na lang ito. "His daddy too but it is up for his mommy though."

"Kita mo. Hindi pa nga lumalabas si Pancake nagpaplano kana kaagad na sundan ito. Atsaka mo na ako kulitin niyan kapag nailuwal ko na ang baby boy natin." aniya. Napatango naman ang damuho. "Dumaan nga pala tayo sa mall mamaya, Chris. Gusto kong bumili ng maliit na picture frame para sa ultrasound pictures ni Pancake."

ONE NIGHT STAND [MPREG] [COMPLETED]Where stories live. Discover now