10

30.5K 1.5K 398
                                    

10


AUGUST


"Are you one of his whores?" muli siya nitong tiningnan mula ulo hanggang paa. "Pathetic." 

Halos hindi siya makapagsalita dahil sa pagkabigla. Ang tanging nagawa niya na lamang ay panoorin ang pigura nito na maglakad palayo. Nang maisarado nito ang pinto ay napakapit siya sa isang upuan. Sobra siyang naintimida sa presensya ng ina ni Chris kung ito man talaga ang magulang nito. 

Napaupo siya at napayakap sa kahon ng tsokolate. Nanginginig siya sa kung papaano siya nito tiningnan. Pakiwari niya ay hinuhusgahan nito ang kanyang buong pagkatao. Napailing na lamang siya.

Tumayo na siya at kinuha ang kanyang mga damit na ipinatong sa sandalan ng mahabang sofa. Hinubad niya ang makapal at malambot na roba pagkatapos ay nagbihis. Napapangiti siya dahil kumapit sa kanyang balat ang amoy ng damuho. 

Pinili niya na lamang na huwag magpaapekto sa mga binitiwang salita ng ina ng damuho. One of his whores? Napailing na lamang siya. Kung alam lang siguro nito na nabuntis siya ng damuho nitong anak ay baka himatayin ito sa pagkabigla. 

Itinupi niya ang roba at inirolyo iyon bago inilagay sa kanyang bag. Sobrang nagustuhan niya kung gaano kalambot at kadulas sa balat ang tela niyon. Halatang mamahalin. Sigurado siyang hindi naman siguro iyon hahanapin ng damuho. Bukod sa kaledad niyon. Nagustuhan niya rin ang bango niyon. Sa susunod na hanapin niya ang damuho, isusuot niya na lamang iyon.

Dala ang kanyang bag na lumubo dahil sa lamang roba at ang kahon ng tsokolate. Lumabas siya ng opisina ni Chris at sumakay ng elevator pababa. Ramdam niya ang pananakit ng kanyang pang upo sa bawat hakbang. Aawayin niya na lamang ang damuho oras na magkita ulit sila. Sa ngayon ay kinikilig pa rin siya sa sulat at pa tsokolate nito.

Noong nakaraang magtalik kasi sila ay anak ang iniwan nito sa kanya. 

Wala naman siyang naging problema paglabas ng gusali. Medyo pinagtinginan siya ng ibang empleyado at ng ilan sa mga gwardya sa kanyang paglabas pero hindi na niya pinagtuonan ng pansin ang mga iyon. 

Alas tres pa lamang ng hapon. Kaya naman maliwanag pa mula sa tirik na tirik na araw. Tumatakbo siyang nagtungo sa waiting shed at ng hintay ng masasakyan. Nang may pumarada, sumakay siya ng taxi at umuwi sa kanyang inuupahang apartment.

Sabik niyang ibinaba ang kanyang bag at inilapag sa lamesa ang kahon ng tsokolate. Sigurado siyang mamahalin iyon. Sa packaging pa lamang ay halata na niya iyon. Hinila niya ang lasong nakatali sa kahon at binuksan iyon. Pagbukas niya binati siya ng kulay pusong mga tsokolate na may iba-ibang desenyo. Kinuha niya ang isa na may kulay pink na sprinkles sa taas at kumagat doon.

Napangiti siya sa sarap habang nginunguya iyon. Napaka sarap niyon. Gusto niya tuloy halikan ang damuho dahil sa ibinigay nito. 

Halos mangalahati na ang laman niyon nang kanyang tigilan sa pagkain. Itinabi niya ang kalahati. Sunod niyang pinagdeskitahan ang kinuha niyang roba mula kay Chris. Mabilis siyang naghubad at isinuot iyon. Matapos maibuhol ang tali sa kanyang bewang ay muli niyang dinama ang lambot niyon. 

Humarap siya sa salamin at pinag masdan ang sarili. Doon niya mas nakita ang mga marka niya sa leeg at dibdib. Namumula ang mga iyon mula sa paghalik at kagat ng damuho sa kanya. Maging ang kanyang dibdib ay hindi nakaligtas. Lalong lalo na ang kanyang mga utong na pinanggigilan nito.

Doon niya rin napansin ang naka imprentang Chris Carter sa dibdib na parte ng roba. Ang damuho nga talaga ang may ari niyon. Napangiti siya. Sa kanya na iyon ngayon. 

ONE NIGHT STAND [MPREG] [COMPLETED]Where stories live. Discover now