39 (part 2)

15.4K 920 156
                                    

39 (part 2)

Chris


Kinabukasan nang makakuha si Chris ng lead sa isa sa napakarami nilang hired investigators ay hindi na siya nagsayang ng oras at mabilis na nagbihis at kinuha ang kanyang baril. The investigator traced August's phone at natagpuan nila iyon sa isang abandonadong lote, they started their search there and they coordinated with different homeowners with CCTV just to trace the trail of the car that took August.

After an hour, they found it. They found the place. Isa iyong malaking bahay na pagmamay ari ng kanyang ina at doon na nila napagtagpi-tagpi ang lahat ng piraso. May kinalaman nga ang kanyang ina sa pagdukot kay August.

"Should we engage, boss?" tanong ng security team niya sa telepono. Humihingi na ng permiso ang mga ito na sumugod sa bahay at iligtas si August pero hindi siya pumayag. It is too risky. Ayaw niyang maalarma ang mga dumukot sa kanyang buntis na babe.

"Don't. But I want you all to round the place. Station your men at all exit points but don't come near the hostage place. I don't want them to be alarmed." aniya habang pinupuno ng bala ang magasin ng kanyang hawak na baril. Kinakabahan at natatakot siya. Sa mga puntong ito, hindi niya alam kung buhay pa ba ang kanyang mag ina. Pero hindi niya rin magawang iasa ang pagliligtas kay August sa ibang tao. Ang kanyang ina ang nagsimula nang lahat ng iyon at ipinapangako niyang siya ang tatapos.

Huminga siya nang malalim. The bulletproof vest inside his shirt feels heavy, but the gun in his hand is heavier. He knows how dangerous this mission is and what is at stake. If he fails, he will lose everything. EVERYTHING! And he can't afford that. He can never afford to lose his babe and their pancake. They are his world.

Huminga muna siya nang malalim bago bumaba sa kanyang sasakyan. Ilang naglalakihang kabahayan pa ang kanyang nilagpasan bago makarating sa harap ng target na bahay. Tirik ang araw kaya kailangan niyang mag ingat na huwag mahuli. Bago gumawa ng anumang galaw, sinuri niya muna ang buong lugar. Isa lang ang nakikita niyang paraan para makapasok doon at iyon ay ang umakyat sa mataas na firewall. May puno sa gilid na maari niyang gamitin para makapasok.

Mabilis ngunit maingat ang kanyang bawat galaw. Mabilis niyang inakyat ang puno dahil na rin sa kanyang tangkad ay walang kahirap-hirap niyang naaabot ang mga sanga na kinakapitan para makalipat sa mas mataas na posisyon. Maingat siyang tumalon patungo sa firewall at kumapit sa itaas niyon bago hinila ang sarili paakyat.

Halos malula siya nang makita ang taas ng kanyang posisyon. Dalawang palapag ang taas ng bahay at mas mataas pa ang kanyang kinatatayuan ngayon. Tumalon siya patungo sa bubong at ipinagdasal na hindi iyon narinig ng kung sino mang hayop ang nasa loob. Matapos tumalon sa bubong ay bumaba siya sa terasa at muling pinakiramdaman ang palibot.

Pinihit niya ang seradora ng salaming sliding door sa terrace. He guessed that luck was on his side during that time. The sliding door was unlocked. Pumasok siya sa loob at maingat na lumabas ng kwarto. His gut is telling him to go on the lower floors as the chances of August being locked in one of the rooms on the second floor is low.

Everything is a gamble. Bawat galaw niya ay maaaring magkaroon ng hindi magandang pangyayari. Mula sa taas ay tiningnan niya ang ibaba at pinalipas ang ilang minuto para masigurong walang tao sa malawak na sala. Lumunok siya bago maingat na bumaba ng hagdan. Nakadikit ang kanyang likod sa malamig na pader, ang mata ay alerto sa palibot, ang kanyang daliri ay nakahandang kalabitin ang gatilyo sa anumang sandali na kakailanganin niyang gamitin iyon.

Bawat hakbang ay kakaibang kaba ang dala sa kanya. Tinatambol ang kanyang dibdib sa lakas. Dama niya iyon sa kanyang buong katawan. Bawat himaymay ng kanyang katawan ay nagnanais na mangatog sa takot pero mas malakas ang kanyang kagustuhan at determinasyon na mailigtas si August. Nang makarating siya sa sala ay inilibot niya muna ang paningin sa kabuohan ng paligid bago yumuko at nagtago sa likod ng sofa.

ONE NIGHT STAND [MPREG] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon