24

18.4K 1.1K 229
                                    

24

AUGUST

"Come here, babe. I want to show you something." pagtawag sa kanya ni Chris. Nakaupo ito sa sofa habang nakaharap sa laptop nito. Nagpunas muna siya ng kamay bago kinuha ang tinimplang kape para sa damuho. Dala-dala ang mainit na tasa ng kape at ang toasted bread na may peanut butter ay lumapit siya dito inilapag sa lemesa ang almusal.

Napangit ito sa kanya. "Thanks, babe." anito at hinila siya paupo sa kandungan nito. Mabilis siyang pinamulahan ng mukha at napakagat ng labi. Inayos niya na lamang ang pagkakaupo sa kandungan nito upang hindi madama ang nanunusok nitong pagkalalaki.

Tiningnan niya ang screen ng laptop nito at nakitang tumitingin ito ng mga ibinebentang bahay at lupa. Halos manlaki ang mga mata niya sa presyo. Hindi siya nagtataka kung bakit, malalaki ang mga bahay at maganda ang mga disensyo.

"Since we're gonna live on our own now, it is only fitting for us to have a house of our own right?" tanong nito at nag scroll pa pababa.

"Ang mamahal naman ng mga bahay na iyan. Pwede naman siguro na mangupahan na lamang tayo muna o 'di kaya ay humanap tayo ng mas maliit para makamura tayo." aniya. Naikwento na nito sa kanya na nanghiram ito ng pera kay Marion at iyon daw ang kanilang gagamitin hanggang sa manganak siya sa lahat ng kanilang gastusin.

"I want a big house, babe. Somewhere you can relax and our little pancake to play around." anito na nagpalambot ng kanyang puso sa tuwa. Kahit na limitado na ang pera nito ay sila pa rin talaga ang iniisip ng kanyang damuho. "Look, this one has a pool. Well, it is not that big but good enough."

"Ito na lang kaya?" aniya at turo sa isang two-storey na bahay. Modern ang design nito at sapat lamang ang laki para sa kanilang tatlo. Gusto niya rin talaga ang maliit lamang na bahay para siya na lamang ang maglilinis. "Maganda ang bahay."

"Too simple." komento nito. Kinuha nito ang tasa ng kape at sumimsim doon. "Ahhhh... this is the best."

"Pero maganda naman na siya ah. Atsaka mas gusto ko ito kasi sapat na ang laki para sa atin at para hindi ako mahirapang maglinis ng ating bahay. Medyo may pagka burara ka pa namang damuho ka." aniya dito. Hindi naman talaga ito burara o marumi, sadyang naiinis lang siya sa paghahagis nito kung saan-saan ng damit nito kapag nagtatalik sila. Tuwing umaga ay ang pagdampot kaagad sa kanilang mga damit ang kanyang ginagawa bago maghanda ng almusal. "Huwag mo sabihing gusto mong kumuha ng katulong."

Sinamaan niya ito ng tingin at nag iwas naman ang damuho. Halatado na iyon nga ang plano nito kaya malakas ang loob na kumuha ng malaking bahay.

"Ayos na iyan. Tingnan mo o, dalawang palapag na ang bahay at may tatlong kwarto. Malawak ang space para sa sala at kainan. Maganda rin ang kusina. May garahe para sa iyong sasakyan at meron na ring simpleng garden." pangungumbinsi niya rito.

"We will get this, but promise me that we will follow Pancake immediately."

Nanlaki ang mata niya sa request ng damuho sa pagkakabigla. Wala ata sa isip ng damuho ang salitang "Family Planning." Piningot niya ito sa tenga dahilan para mapadaing ito.

"Anong sundan kaagad si Pancake!? Damuho ka talaga. Buti sana kung ikaw ang nabubuntis pero hindi eh. Pagpapasarap lang ang alam mo." sermon niya rito at muli itong piningot sa tenga. Isipin niya pa lamang ang pinagdaan niya noong unang buwan ng kanyang pagbubuntis ay parang nato-trauma na siya. Gusto niya rin namang sundan pa si Pancake pero hindi agad-agad kagaya ng gusto ng damuho.

"Aww... I'm just kidding, babe." anito.

"Siguraduhin mo lang na damuho ka." banta niya dito.

Nginisihan lamang siya nito bago muling sumimsim sa kape. "Okay, let's get this house. I'm going to contact the listing agent to see if we could arrange a house tour to see if you will like this before we buy the property."

ONE NIGHT STAND [MPREG] [COMPLETED]Место, где живут истории. Откройте их для себя