6

36.5K 1.7K 835
                                    

6

CHRIS


"Hey babe." nakangiti niyang bati kay August nang magpakita ito sa kanya sa kanyang condominium unit. Hindi niya alam kung ano ang sadya nito pero palaging bukas ang kanyang pinto para rito. "Miss me?"

"Panagutan mo ako!" galit nitong usal sa kanya.

Panagutan ito? Para sa isang gabi nilang pinagsaluhan!? Oh, possessive. Napangiti siya "Oh. We shared a night and you're all possessive with me already, babe?"

Lihim na siyang nagpapasalamat. Mukhang makaka-score siya dito ngayong gabi. Dala ng kasiyahan, hindi na niya napigilang tigasan. He was about to reach for his manhood when August grabbed something from his bag and shove it on his bare chest.

"Nabuntis mo ako!"

Halos manlaki ang kanyang mata sa narinig. Hindi niya alam kung narinig niya ba ito nang tama o panandalian siyang nabingi? Nabuntis niya ito!?

"I got you what?" kinuha niya ang bagay na inihampas nito sa kanyang dibdib at ganoon na lamang ang kanyang gulat nang makita ang mga positibong pregnancy test kit.

"Nabuntis mo akong damuho ka!" anito at muli siyang hinampas sa dibdib.

"How, babe?" hindi niya pa ring makapaniwalang tanong dito. Hinayaan niya lamang itong hampasin siya.

Pagak itong tumawa. "Papaano? Sino ba itong tinira ako ng walang proteksyon ha?"

"It was my first time doing it raw plus I didn't know you could get pregnant, babe!" depensa niya. Hindi niya alam kung maswerte ba siya o hindi na sa unang pagkakataon na nakipagtalik siya ng walang proteksyon ay may nabuo kaagad siya. "Plus I am asking how can you get pregnant!? You're a man, right? I mean I saw your–"

"Hindi ko rin alam!" angil muli nito sa kanya.

Napataas siya ng kamay. "Calm down, babe. I am only asking."

"Kumalma? Hindi ko alam kung buntis ba talaga ako o hindi dahil sa iyong damuho ka tapos gusto mo akong kumalma!?"

"Why don't you go inside, babe and we'll talk about it." anyaya niya na lamang sa nanggagalaiting si August. Ang liit nito pero ang tapang. Napabuntong hininga siya nang pumasok ito sa kanyang nakaawang na pinto. "Follow me, babe."

"Huwag mo akong bine-babe, damuho ka."

"Okay, love." aniya na lamang at dinala ito sa kanyang mini kitchen. Pinaupo niya ito sa hinilang upuan. "What do you want to drink?"

"Tubig na lang."

Mabilis niya itong kinunan ng tall glass at pinunan ng malamig na tubig mula sa kanyang refrigerator. Inabot niya ito doon at napansin niyang nanginginig ang kamay nito nang kuhain ang baso.

"Salamat," anito at uminom. Ubos na ang laman ng baso nang ibaba nito iyon sa counter ng kanyang mini kitchen.

"Want more?" alok niya dito.

Umiling ito. "Pag usapan natin ang tungkol sa pagbubuntis ko." pag uumpisa nito.

"Are these really yours?" tanong niya dito at itinaas ang tatlong pregnancy test kit. "I mean, if you just want to be with me. Just say, babe. I love your company anyway."

Sinamaan siya nito ng tingin. "Wala akong gusto sa iyo, damuho ka. Hindi ako katulad ng ibang mga naging babae mo na naghahabol para sa iyong atensyon at mas wala akong planong huthutan ka ng pera kung iyon ang iniisip mo. Kung gusto ko ng pera edi sana noon pa kita kinulit."

ONE NIGHT STAND [MPREG] [COMPLETED]Where stories live. Discover now