35

18.8K 961 94
                                    


35

AUGUST

"Huwag kang mag alala, hon. Sigurado akong may rason ang iyong ama." puno ng optimismo niyang usal. Wala siyang ibang maisip na dahilan kung bakit sila nito pinasundan sa punto na halos mapeligro na sila sa daan kagabi. Hindi pa rin lumilingkis sa kanyang isipan ang narinig. Hindi siya makapaniwala na ito ang nasa likod niyon at mula sa maiksing sandali na pagkakakilala niya sa ama nito, may maliit na porsyento pa rin sa kanyang isip ang hindi makapaniwala kaya sinusubukan niyang mag rason para lamang makomporte ang sarili.

"Yeah, well, he better have a good reason." anito at lumapit sa kanya at yumakap. "Don't put high hopes on my dad, babe. Okay? I don't want you to be disappointed."

Napalunok siya at tumango. "Susubukan ko, hon." maiksi niyang tugon kahit na alam naman niya sa kanyang sarili na umaasa pa rin siyang mali sila ng inaakala.

Napabuntong hininga siya at yumakap pabalik sa kanyang damuho. Isinubsob niya ang kanyang mukha sa dibdib nito at dinama niya ang init mula sa hubad nitong katawan. Samyo niya rin ang mabango nitong amoy. The right hint of masculinity. Dama niya ang banayad na pagtaas at baba ng dibdib nito dahil sa malalalim na paghinga. Napag isip niya na kaya siguro umaasa siya na mabait ito dahil naghahangad siya ng isang ama. Oo, pinalaki siya sa isang mapagmahal na pamilya ng kanyang kinilalang inay at itay pero may parte sa kanya na hinahanap ang kanyang bayolohikal na magulang at marahil lingid sa kanyang malay, sa katauhan ni Christopher niya iyon natagpuan.

"Let me make love to you, babe." banayad na bulong ng kanyang damuho.

"Tumigil ka, damuho." umiiling niyang usal at itinulak ito palayo bago pa siya nito mabuhat pabalik sa kanilang higaanat bago pa sya muling magpadala sa mga banayad nitong haplos at salita na madalas na nauuwi sa pagtatalik. "At magdamit ka na nga doon. Napaka hubadero mo talaga." namumula ang mukha niyang pahabol.

"This isn't something new, babe. You always see me naked almost everyday." mayabang nitong usal at kaswal pang ibinalandra ang kahubdan sa kanyang harap.

"Kahit na. Magbibihis ka doon o mag aalmusal ka ng pagkain mula sa room service?" pagbabanta niya na mabilis naman na umepekto sa damuho dahil nagmamadali itong pumasok sa kanilang kwarto. Hindi niya napigilan na matawa. Basta seks at pagkain ang usapan, nagiging masunurin sa kanya ang damuho at hinding-hindi siya magsasawang gamitin iyon laban dito.

Nakangiti at umiiling siyang nagtungo sa kanilang kusina at sinimulan ang kanyang trabaho bilang magiging maybahay ng damuho. Kabisado na niya ang gagawin dahil halos maging routine na niya iyon tuwing umaga. Inuuna niya ang pagtitimpla ng kape nito bago ang pagsasaing at pagluluto ng ulam.

Nang masiguro niyang maayos na ang black coffee nito, walang asukal. Tumingin na siya sa kanilang ref at naglabas ng mga rekado para sa lulutuin niyang ulam.

Hindi na siya nabigla nang may pumalibot na makisig na bisig sa kanyang bewang at niyakap siya mula sa likod. Bahagya siyang napapikit at saglit na dinama ang pagyakap sa kanya ng damuho. Hinalikan siya nito sa itaas ng kanyang ulo. "I love you, babe."

"I love you too, hon." ganti niya. "Kuhain mo na ang kape mo."

"Now, I love you even more." pambobola nito na ikinainit ng kanyang pisngi. Naiinis siya sa kanyang sarili dahil kinikilig pa rin siya sa mga hirit nito. "Can you become Mr. Aurelius Gustavo M. Carter already?"

"Ughhh... August M. Carter." pagtatama niya na ikinatawa ng damuho. Hindi niya talaga gusto kanyang buong pangalan. "Magkape kana doon at para hindi mo ako kinukulit dito." pagtataboy niya dito.

ONE NIGHT STAND [MPREG] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon