40

18.5K 991 131
                                    

40

August

“One more, babe.” ani Chris bago siya sinubuan ng lugaw na binili nito. Simula nang magkamalay siya kaninang umaga ay hindi ito umaalis sa kanyang tabi. Alagang-alaga siya nito. Kung pwede nga na ito ang ngumuya ng kanyang pagkain ay gagawin siguro nito huwag lang siyang kumilos. “Done. Now drink your water.”

Inilapag nito ang mangkok ng lugaw at kinuha ang bote ng tubig na may straw at inilapit sa kanya. Sumipsip siya doon at umiling nang matapos. 

“Drink more, babe.”

“Okay na ako, hon.” tugon niya. Medyo maayos na siyang nakakapagsalita pero dama niya pa rin ang bahagyang pananakit ng lalamunan dahil siguro sa mga pagsigaw na ginawa. Tiningnan niya ang damuho. Napataas ang kanyang kilay nang mapansin ang madumi nitong damit. “Teka nga, hon. Huwag mong sabihing sa dalawang araw na wala akong malay ay hindi ka rin umaalis dito sa ospital.”

Ngumiti ito at nagkamot ng ulo. “I can’t leave you.”

Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Kinikilig siya at natutuwa sa isiping hindi ito umalis sa kanyang tabi lalong-lalo na nang nasa peligro sila ng kanyang pancake. Napataas ang kilay niya. “Hindi ka rin naligo o nagbihis man lamang sa dalawang araw na iyon?”

“I told you. I can’t leave you unattended, babe. I wanted to be there once you wake up.”

“Hoy damuho ka talaga. Hinalikan mo ako kanina tapos hindi ka pa pala nagto-tooth brush sa loob ng dalawang araw!” pagbibiro niya rito. Natawa na rin ito at muling naupo sa kanyang tabi. Ipinatong nito ang siko sa tabi ng kanyang unan at doon nangalumbaba.

“I will just call Marion to bring me clothes here.” anito.

“Bawal ka muna humalik at yumakap sa akin. Ikaw pala iyong mabaho kong naaamoy.” muli niyang hirit kahit hindi naman mabaho ang kanyang damuho. 

Tumawa ito. “Okay, babe. I will take a bath immediately.” hinaplos nito ang kanyang pisngi. Kanina pang umaga ito walang tigil sa pagtitig sa kanyang mukha. Pakiramdam niya ay kinakabisado nito ang kanyang mukha. “You scared me, babe. I thought you and pancake will leave me here alone.”

Mapait siyang napangiti. Malinaw niyang nakikita sa malungkot nitong mata ang takot at gusto niyang pawiin iyon. Hindi siya sanay at hindi niya gustong makita ang kanyang damuho na ganoon. “Hindi ko magagawa iyon, hon. Bubuo pa tayo ng malaki, maingay, at magulong pamilya, ‘di ba?”

Ngumiti ito. “Yeah. We will follow pancake immediately.”

“Hmm… sige pagbibigyan kita pero pagkatapos ng ikalawa nating baby, tigil muna ah. Baka malosyang ako nang maaga sa gusto mo.” aniya pero sigurado siyang mag iiba ang mga gusto nito kapag naipanganak na niya ang kanilang pancake at kailangan nilang alagaan ang kanilang unang baby. Isipin niya pa lamang ang damuho na gigising sa gitna ng gabi para ipagtimpla, ipaghele at alagaan ang kanilang pancake ay napapangiti na siya.

“No promises.” anito.

Napailing siya. “Lagot ka talaga sa akin kapag naging taon-taon ay buntis ako.” banta niya. Namiss niyang kurutin ito pero nanghihina pa siya para gawin iyon. Hindi rin siya makakilos nang maayos dahil sa tahi sa kanyang tiyan.

“Just kidding, babe.” pagbawi nito. “Right now, I want you to focus on your fast recovery. I also cannot wait to meet our baby boy here.” banayad nitong hinimas ang kanyang tiyan. Nakaramdam siya ng kiliti sa ginawa nito.

“Ako rin naman. Tatlong buwan na lang at naandito na ang ating pancake.” nakangiti niyang tugon. Sigurado siyang mabilis lamang na lilipas ang mga araw at sa isang iglap ay hindi nila namamalayan ay karga na nila ang kanilang unang baby sa kanilang bisig. “Tatlong buwan na lang at ganap nang daddy ang damuho ko.”

ONE NIGHT STAND [MPREG] [COMPLETED]Where stories live. Discover now