4
CHRIS
Sa halos hindi na niya mabilang na pagkakataon, inisang tungga na naman niya ang laman na alak ng kanyang baso bago iyon idinulas sa counter. Alam na ng bartender ang gagawin at muli iyong nilagyan ng alak. Gusto niyang magpakalasing ngayong gabi.
Halos magdadalawang linggo na niyang ipinapahanap si August. Dalawang linggo na niya rin itong hinahanap pero sa kasamaang palad palagi siyang bigo. Tatlong beses na nga siyang nagpalit ng private investigator dahil sa prustrasyon niya sa paghahanap dito.
He can't even explain why it was hard for them to find a small beautiful man named August. He already gave them the description of August and everytime he does it, he ends up with a raging hard on. He also gave them the names of bars he thinks he picked August up.
Sa pagiging desperado niya nga kahapon ay tumungo siya sa isang gay bar sa pag iisip na baka sa sobrang kalasingan niya ay napadpad siya doon at doon niya na pick up si August. Pero nabigo siyang muli. Nang palabas na siya sa gay bar na iyon ay may humipo pa sa kanyang ari dahilan para masuntok niya ang lalaki. Bagsak sa sahig niya iyong iniwan at nagmaneho patungo sa iba pang mga bar.
Halos masuyod na niya ang buong syudad kakahanap rito pero wala parin. Para na siyang masisiraan ng bait, hindi siya sanay sa ganoong pakiramdam. What Chris Carter wants, he gets it. Pero si August, mukhang nakikipag laro ito ng taguan sa hindi niya gustong paraan.
Sa dalawang linggo, gabi gabi siyang naglalasing. Wala na nga siyang gana na makipagtalik. Sinubukan niya minsan pero si August talaga ang tumatakbo sa kanyang isip at hinahanap ng kanyang sistema. Parang hindi nakikisama sa kanya ang kanyang alaga. Tumitigas parin naman iyon pero parang hindi na siya nasasarapan at nahihirapan siyang magpalabas kahit na gaano pa kagaganda at kaseseksi ang tatlong babae na katalik niya.
Galit na galit pa nga ang tatlong babae sa kanya nang patigilin niya ang mga ito at palabasin ng kanyang condo unit. Hindi na niya hinintay ang mga iyon na matapos magbihis at nagtungo na lamang siya sa kanyang shower room at pinaandar ang shower sa maligamgam na tubig. Sinabon niya paalis ang mga lipstick ng mga babae na kumapit sa kanyang katawan at ari. Maging ang matatapang na amoy ng mga pabango ng mga ito ay hinugasan niya paalis. Iisang amoy lamang ang gusto niya at iyon ay ang amoy ni August na kape at bagong lutong tinapay.
Mabilis siyang tinigasan habang inaalala ang nakaaadik nitong amoy. Mas nasarapan pa siya nang simulan niyang laruin ang kanyang sarili habang iniisip ang imahe ni August. Hindi ito mawala sa kanyang isip lalo na ang isang gabi nilang pinagsaluhan. Hindi siya nagtagal at nilabasan kaagad. Paglabas niya sa kanyang shower room ay wala na doon ang tatlong babae.
Simula noon ay tanging pagpapakalasing na lamang ang kanyang ginagawa para kahit papaano ay makatulog siya ng maayos. Sa umaga naman ay isinusubsob niya ang sarili sa trabaho at pakikipag usap sa mga private investigator niyang inatasan.
"One more," aniya sa bartender. Mabilis naman itong tumalima at sinalinan siyang muli ng alak sa baso. Inisang lagok niya iyon at iniabot dito ang kanyang credit card para bayaran ang kanyang mga nainom. Nang makuha pabalik ang card ay lumabas na siya ng bar at nagtungo sa kanyang sasakyan.
Medyo nahihilo na siya sa kalasingan pero sigurado siyang kaya pa niyang magmaneho. Habang naka upo sa kanyang sasakyan ay sinuri niya muna ang kanyang cellphone kung may mensahe ba doon mula sa P.I.
Napabuntong hininga na lamang siya nang wala siyang matanggap na update. Isang araw na naman ang lumipas na hindi niya nahahanap si August. Ibinalik niya sa kanyang bulsa ang cellphone bago pinaandar ang sasakyan patungo sa kanyang condo na tinutuluyan.
BINABASA MO ANG
ONE NIGHT STAND [MPREG] [COMPLETED]
RomanceONE NIGHT STAND [MPREG] Nagising na lamang isang araw si Chris na may kumakatok sa kanyang private office. Masakit pa ang kanyang ulo mula sa magdamag na party at maging ang ulo ng alaga nya ay masakit rin sa walang tigil na pakikipagtalik. Pag buka...