Epilog

23.6K 1K 335
                                    

EPILOG

The Night Before the Wedding...

August

"Anong pakiramdam na ikakasal kana bukas, baks?" tanong sa kanya ng kanyang kaibigang si Sheena habang kumakain sila ng hapunan sa isa sa mga kainan sa isang magandang beach resort na inarkila ng kanyang damuho para sa kanilang kasal. Hindi naman beach wedding ang kanilang kasal dahil sa function hall iyon ng resort gaganapin. Simple lang rin ang kanilang magiging kasal dahil na rin sa kanyang kahilingan. Tanging mga malalapit lang rin sa kanila ang kanilang inimbitahan at hindi niya pinalagpas ang pagkakataon na imbitahin si Sheena.

"Kinakabahan pero sobrang saya." tugon niya bago uminom at pinagmasdan ang malawak na resort mula sa salaming pader ng kanilang kinakainan. "Sinong mag aakala na mabubuntis at ikakasal ako ngayong taon?" natatawa niyang tanong sa kaibigan.

"True yan. Hindi ko nga alam na may matres ka eh." anito bago sumubo ng pagkain sa bibig. "Pero ang bongga mo talaga baks. Nag inarte ka lang sa coffee shop isang gabi tapos ngayon may gwapo at mayaman kanang afam."

"Baliw!" tumatawa niyang usal.

"Kaya sobrang proud talaga ako sa'yo baks eh. Sa tagal nating magkatrabaho noon ay hindi kita nakitang lumandi o nagka-jowa man lang pero nang makita mo si Chris, inilabas mo ang tinatago mong pagka-Mia Khalifa at Maria Ozawa kaya tingnan mo ngayon ang tiyan mo. May laman na. Baka sis ko yarn."

Napa-hagalpak na lamang siya nang tawa. "Hindi madali magbuntis, noh." depensa niya.

"Pero masarap magpabuntis kaya deserve mo 'yan, baks." anito bago hininaan ang boses. "Teka nga, baks. Ilang inches ba ha? Knows ko na daks pero ang tanong ng taong bayan eh, gaano kahaba at kataba?"

Nanlalaki ang mata at namumula ang pisngi siyang napatakip nang bibig.

"Tumigil ka nga, baks." nahihiya niyang pagpapatigil dito.

"Arte mo naman, baks. Ganda ka? Sexy ka? Pukehan ka?" hirit nito. Halos sumakit na ang tiyan niya kakatawa at sa katulad niyang buntis na may malaking tiyan ay hindi iyon madali. Pitong buwan na ang kanyang pancake at sigurado siyang malaking bulas rin ang anak mana sa tatay nitong damuho base na rin sa kanyang malaking tiyan.

"Ewan ko sa'yo, baks." aniya at iniba ang usapan. Nahihiya siyang pag usapan ang pagkalalaki ng kanyang damuho kahit na kay Sheena. "Teka nga, bakas. Bakit hindi mo dinala ang mga anak mo?"

"Dalaga muna ako ngayon, baks. Magre-relax muna ako ngayon dito kaya iniwan ko muna sila sa mister ko. Sinasabi ko sa'yo, baks. Love ko ang mga anak ko pero nakaka-stress ang kakulitan nila at soon mararanasan mo ito."

Napangiti siya. Expected na niya iyon lalo na at mayroon pa siyang damuhong mister na sigurado siyang magiging promotor pa ng kakulitan at kapilyuhan.

"May spa ata dito, baks. Sasamahan kita mamaya." aniya at plano niya na ring magpa-facial. Hindi niya tipo ang mga ganoong gawain pero para sa espesyal na araw nila bukas ni Chris ay susubukan niya.

Ngayong araw ay hindi pa niya nakikita ang damuho. Kinuha kasi ito ng mga kaibigan nito sa pangunguna ng best man nitong si Marion. Ibabalik daw ng mga ito si Chris bukas sa kanilang kasal. Ganoon pa man, tumatawag naman oras-oras sa kanya ang damuho para kumustahin siya at magbigay ng update sa mga ginagawa nito.

"Ay, go tayo diyan sa spa. Need natin magpa-ganda at massage, lalo ka na baks dahil kasal mo na bukas. Fresh ka dapat bukas para kahit naglalakad ka pa lang sa isle ay honeymoon na kaagad iniisip ng afam mo."

Dahil kilala niya ang kanyang damuho, sigurado siyang iyon ang tatakbo sa isip nito. Sa simpleng pagluluto niya nga sa umaga ay tinatamaan na ito ano pa kaya ang mag ayos siya para sa kanilang kasal?

ONE NIGHT STAND [MPREG] [COMPLETED]Where stories live. Discover now