39 (part 1)

15.2K 873 259
                                    

39

August

Ni minsan ay hindi inaasahan ni August na mararamdaman niya ang ganito katinding takot. Nanginginig ang bawat kalamnan niya sa pangamba. May mga sandali na hindi na niya marinig ang sinasabi ni Violeta dahil sa lakas ng kalabog ng kanyang dibdib. Napakaraming kahintatakutan na mga senaryo ang lumilitaw sa kanyang isip at lahat ng iyon ay may kinalaman sa kanyang ipinagbubuntis na anak.

Dama niyang mugtong-mugto na ang kanyang mga mata sa kakaiyak. Hindi siya nauubusan ng luha. Naninikip ang kanyang dibdib sa isiping baka hindi sila magkaroon ng tyansa ni Chris na mahagkan at mayakap sa kanilang mga bisig ang kanilang anak. Ikamamatay niya iyon. Hindi niya kakayanin ang lungkot at pagluluksa. Walang ina ang nararapat na mawalan ng anak.

"Nagising ka na pala." si Violeta ang bumungad sa kanya. Iba na ang damit nito. Hindi niya alam kung ano ang mga nangyari. Napatanong siya sa sarili kung nawalan ba siya nang malay? Wala siyang ideya. Halos hindi na nga niya alam kung ilang minuto, oras o araw na ang lumipas. "Hinimatay ka sa takot eh hindi pa nga ako nagsisimula sa paniningil sa'yo ng utang."

Marahas nitong tinanggal ang busal sa kanyang bibig.

"Parang awa mo na. Ako na lang ang saktan mo huwag lang ang magiging anak namin ni Chris!" pagsusumamo niya sa may edad na babae. Iyon kaagad ang lumabas sa kanyang bibig nang mabigyan siya nang pagkakataon. Sobrang baba na niya at handa pa siyang magpakababa sa harap ni Violeta mailigtas niya lamang ang kanyang anak.

"At ano August? Hahayaan kong mabuhay ang anak nyo ni Chris? Na lalaki ito na masaya sa marangyang buhay?" nagulat siya sa biglang pagtaas ng boses nito. Mula sa malamig nitong mukha at postura ay lumitaw ang kinikimkim nitong galit. "Hindi ko mapapatawad ang kagaya mo, August. Ikaw, kayo ni Ulysses and ang sumira sa buhay ko! Kayo ang sumira sa mga binuo at binubuo kong mga plano!"

"Wala akong kasalanan sa'yo at mas lalong walang kasalanan ang bata sa aking sinapupunan!" hindi niya naiwasang tugon. Alam niyang nakikipaglaro siya sa apoy sa kanyang ginawa pero hindi niya napigilan ang sarili. Hindi niya matiis at maatim na idadamay nito si pancake na walang ka muang-muang. "Kaya huwag mong idadamay rito si pancake. Hindi ba't ikaw ang lola niya?"

Natigilan ito. Bago lumingon sa kanya. Nabigla siya sa talim nang mata nito. Galit na galit ito sa hindi niya malamang dahilan.

PAK! Isang nakabibinging sampal ang iginawad nito sa kanya. Nagpanting ang kanyang tenga sa sobrang lakas niyon. "Lola? Hindi ko apo ang demonyong nasa sinapupunan mo!"

"Hindi demonyo ang anak na nasa sinapupunan ko. Alam mo kung sino ang demonyo dito? Ikaw iyon, Violeta! Kasuklam-suklam ang ugali mo. Mas masahol ka pa sa demonyo! At mas mabuti nga iyon eh. Mabuti pa ngang lumaki ang anak ko na walang kikilalaning lola na katulad mo!" sigaw niya pabalik. Hindi niya alam kung saan niya nakukuha ang lakas ng kanyang loob na sumagot kay Violeta.

Ngumiti ito at humagalpak nang tawa. "Iyon ay kung mabubuhay iyang anak mo."

"Demonyo ka Violeta!" sigaw niya. Muling bumuhos ang kanyang luha.

"Mas demonyo ka August! Pareho kayo ni Ulysses! Kayo ang rin naman ang rason kung bakit ako nagkakaganito eh. Kung una pa lamang ay lumugar na kayo sa nararapat ninyong pwesto ay hindi na aabot ang lahat dito." ganti nitong sigaw.

Nababaliw na ito. Sigurado siyang walang tao na nasa matinong pag iisip ang magrarason nang ganoon.

"Masaya na sana kami ni Christopher kung hindi lamang nagpakita si Ulysses. Umaayon na ang lahat sa aking plano. Nagkakamabutihan na kami ni Christopher. Nakikita ko na nga kami na magiging mag asawa, magkakaroon ng masayang pamilya habang tinatamasa ang yaman ng pamilya nito. Pero nagbago ang lahat nang dahil kay Ulysses!"

ONE NIGHT STAND [MPREG] [COMPLETED]Where stories live. Discover now