Prologue

919 23 0
                                    

Welcome to the third and last installment of Love Academy Series.
This is Mae's story, It Started With An Accident Kiss. And the same from the last installments light take of romance pa rin tayo. Haha! I really want to give justice sa story ni, Mae lalo na't marami ang makaka-relate sa kanya.

Pls. Expect spoiler alerts from series one and two, sana po ay basahin niyo rin 'yon. Also typo and grammar errors ahead.

-----

PROLOGUE

~Mara Elaisle Avilla~

Hinila ko ang isang armchair palapit kina Lian at Rose na parehong tulala rin. Wala na akong paki kung nakakarindi ang tunog na nalikha ko.

Naiinis ako, sobra! Padabog akong umupo at tumunganga. Walang nagsasalita sa'ming tatlo kaya hula ko ay may kanya-kanya rin silang iniisip, hinayaan namin ang katahimikan hanggang sa.

"Anyari sa inyo guyz?" Halos sabay pa naming tatlong tanong. Walang sumagot, mukhang wala silang balak magsalita.

Namutawi ulit ang katahimikan kaya hindi ko na napigilan ang pagra-rant.

"Alam niyo? Nakakainis na!" Panimula ko, agad namang dumapo ang tingin ng dalawa kong kaibigan sa'kin.

"Bakit?" Si Lian.

"Ano na namang nangyari?" Si Rose.

Kahit naiinis ay kwenento ko pa rin sa kanila ang nangyari at nakita ko kanina.

Sinong 'di maiinis! Kanina habang naglalakad ako sa field ng school. Nakita ko lang naman si, Jayda kasama 'yung kababata niyang si, Nerisa. Sweet na sweet lang naman silang naka-upo sa bench habang tinuturuan ni, Jayda si, Narisa mag-gitara.

Naiinis ako sa 'di malamang dahilan, naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko maintindihan kung ba't ako naiinis. G niyo ba ang logic kong nakakainis?

iniwas ko ang mga mata sa kanilang dalawa, there's something in me na hindi ko kayang makita silang dalawa na masayang nagtatawanan. Ipinagpatuloy ko na lang ang paglalakad sa mainit na field, pero napatigil ako nang tinawag ni, Jayda ang pangalan ko.

"Laisle!" Nagpilit ako ng ngiti bago siya hinarap. Naabotan ko pa siyang tumatakbo papunta sa'kin sout ang itim niyang backpack.

"Bakit?" Tanong ko na tila wala akong nararamdamang kakaiba sa loob ko. May something sa tiyan ko na nagdiwang nang tawagin niya ako sa pangalan ko, at hindi ko mawari kung ano 'yon.

"Mainit, saan ka?" Tanong niya.

Ilang bese akong lumunok bago nagsalita. "B-babalik na 'ko sa room namin."

Dang! Ba't ako nauutal? Agad kong iniwas ang paningin ko sa kanya dahil hindi ako komportableng tignan siya.

Kailan ba nagsimula ang lahat ng ito?

"Mainit, may payong ako," aniya sabay bukas sa backpack niyang tila hindi niya mabitawan. Agad kong tinaas ang dalawa kong kamay para tumanggi.

"Naku! H'wag na, hehe." Pagtanggi ko sabay tingin sa bench kung saan mag-isa na lang ngayong naka-upo si, Nerisa bitbit ang gitara ni, Jayda. Nakatingin din siya sa'min.

"Ayos lang, tsaka mauuna na 'ko, bumalik ka na rin doon sa bench. Hinihintay ka na ng kasama mo oh." Pagtulak ko sa kanya, hindi ko maintindihan ang sarili ko. Kanina lang ay hindi matanggap ng loob ko na magkasama sila ni Nerisa, tapos ngayon naman ay pinagtutulakan ko siya sa babae.

Ang gulo mo Mara Elaisle!

"Sigurado ka? Malayo-layo pa ang room niyo, tirik ang araw oh. Tsaka 'di ko naman ginagamit ang payong ko." Pamimilit niya.

It Started With An Accident Kiss (Love Academy Series 03)Where stories live. Discover now