CHAPTER 16

192 10 2
                                    

CHAPTER 16 |Kiss|

At syempre, wala ng ibang mananalo  sa music fest kun'di ang nag-iisang Jayda Escleto! Sino pa ba? Siya lang naman ang always may pinaka-outstanding na performance. He deserved what he have though.

Busy ako kaka-scroll sa cellphone ko, tinitignan ko ang mga pictures namin sa event kahapon. Sabado ngayon kaya nakahilata lang ako sa kama ko, ayaw ko namang bumaba at magdilig ng halaman dahil tinatamad ako.

Ang ganda talaga ng rehistro ng mukha ni, Rose sa camera! Super charming at photo genic, sana all sa'yo girl!

Kahapon hindi ko alam bakit bigla na lang nawala si, Lian. Hindi ko alam kung anong nangyari dahil hindi na niya tinapos ang event. Sabi niya ay ayos lang naman siya, may masakit lang daw sa kanya kahapon. Tinawagan ko siya kaninang umaga kaya nagka-usap kami.

Kahapon, kalat na kalat sa campus ang nangyaring accident kiss nila Jayda at Nerrisa. Ang iba ay nanlumo dahil may crush sila kay Jayda, kitang-kita ko rin ang paglukot ng mukha ni, Jassie. Ang mga gonggong niyang kaibigan ay tuwang-tuwa, naging tampolan ng tukso ang dalawa kahapon.

Agad akong napairap nang marinig ang katok sa kwarto ko, istorbo naman nito argh!

"Pasok!" agad namang pumasok ang Kuya ko na akala mo ay nanalo sa Lotto sa ngiti niya. Alam ko na ang ganitong itsura nito. Binaba ko muna ang cellphone at hinarap siya.

"Anong kailanga mo Kuya?" Humalukipkip ako at tinaasan siya ng kilay.

"Bunso pwede bang ipagluto mo kami? Nand'yan mga barkada ko eh." Nakangising aniya, nagpapa-cute. Akala mo naman cute!

Ngumisi rin ako. "Sige ba! Basta dagdagan mo allowance ko!" Hindi ako tatanggi sa utos niya basta gawin niya ang gusto ko. Win win situation 'to!

"Ang  bilis makipag-deal ah?" nginiwian niya 'ko.

"Ayaw mo? Edi huwag! One hundred lang naman ang itataas mo." Pagpe-presyo ko.

"One hundred lang!" Nanlalaking matang singhal niya sa'kin. Argh! Lahi yata talaga kami ng kuripot, kung kuripot ako mas lalo na si, Kuya Mike!

"Sige na nga! Wais ka rin eh no?" Aniya at ginulo ang buhok ko. Agad kong tinaboy ang kamay niya at nagreklamo. Nagbihis muna ako bago bumaba at ginawa ang utos ng Kuya. Sinigang na baboy lang ang niluto ko para madali.

"Uy," bati sa'kin ni, Jayda nang pumasok siya sa kusina. Hindi ko alam pero unang kita ko sa mukha niya ngayon ay nag-flashback sa'kin ang posisyon nila ni, Nerrisa kahapon. Si Jayda ang nasa ilalim si, Nerrisa naman ang sa taas nang pareho silang madapa.

Tipid na ngiti lang ang sinukli ko sa kanya, naghuhugas ako ngayon ng plato kaya hindi ako maka-alis nang lumapit siya sa likuran ko.

"Congrats nga pala," pagbati ko sa kanya. "Tsaka salamat," sa salabat. Hindi ko siya binalingan nang sabihin 'yon kaya hindi ko alam anong reaction niya.

"Wala 'yon," aniya.

"May kailangan ka?" Napatingin ako sa seryuso niyang matang nakatitig sa'kin, binalingan ko siya dahil nagtatagal na siya sa bandang likuran ko. Ang awkward kaya maghugas ng plato nang may nanonood!

"Ahh, o-oo 'yung bowl!" aniya medyo natataranta. Tumango naman ako at tumingala sa taas kung nasaan ang aparador ng mga bowls.

Naghugas muna ako ng kamay para makuha ang kailangan niya. I tiptoed dahil masyadong mataas at hindi ko abot. Mukhang kailangan ko nang mapapatungan.

"Ako na," ani Jayda, naramdaman ko pa ang mas lalong paglapit niya sa'kin, alam ko dahil mas nanuot sa ilong ko ang pabango niyang hindi matapang at masakit sa ilong.

"Hindi ako na," binalingan ko siya at inilingan. Matangkad ako at konti lang ang height differences naming dalawa kaya kahit siya, ka-kailanganin niya ng stool. Masyadong mataas ang aparador.

Kinuha ko ang nakitang stool at pwenesto sa kung nasaan ang mga bowls namin sa taas. Sinigurado ko munang hindi umuuga 'yon para hindi ako matumba.

"Hahawakan ko na ang stool," presenta niya na tinanguan ko. Mabuti 'yon para mas safe.

"Ilan ba?" tanong ko nang maabot ko na ang aparador.

"Isa lang," aniya. Kinuha ko ang puting babasagin na bowl at inabot sa kanya. Tinanggap niya ito at madaling pinatong sa sink para mahawakan niya ulit ang upuan.

Pababa na 'ko nang bigla na lang ma slide ang paa ko sa stool, nanlaki ang mga mata ko at agad akong napasigaw. Deritso ang bagsak ko kay Jayda na nasalo ako, pero dahil sa bilis ng pangyayari ay hindi niya kinaya ang bigat ko kaya pareho kaming natumba sa sahig.

Napapikit ako ng mariin, at dibdib ko ay kulang na lang ay kumawala sa tindi ng kaba nito. Hindi ko pa halos ma-proseso ang nangyari nang imulat ko ang mga mata. Ganu'n na lang ang gulat ko nang maramdaman ang malambot na bagay sa labi ko.

My eyes locked at Jayda before I looked down on our lips. My eyes widened immediately when I saw and feel how our lips touch each other.

I almost scream the hell out!

"Ow shizz!" I immediately stood up, napakurap-kurap ako ng ilang beses at hindi ma-proseso ang nangyari. I touch my lips 'cause I felt something on it.

Nalilito ako at hindi ko alam ang gagawin. "Elaisle," napatingin ako kay Jayda na hindi ko namalayang nakatayo na pala.

"Ayos ka lang?" tanong niya.

"Hindi, I m-mean oo," hindi ko alam ba't natataranta ako.  "A-ano, ayos lang ako. D'yan ka lang, maghugas ka ng plato. Bye!" Agad akong napatakbo sa taas ng kwarto ko.

Pagpasok ko sa kwarto ay napapikit ako ng mariin. What did I say to Jayda? O gosh para akong constipated!

Mae kalma, kalma ka lang... what happened was an accident.

How can I freaking calm when I know it's a kiss! A kiss! My first kiss!!

My heart started to pound fast and loud, ngayon lang nag-si-sink in sa'kin ang lahat ng nangyari kanina. Napahawak ako sa dibdib ko, pagkatapos ay sa labi ko.

Kinurot ko ang labi dahil pakiramdam ko ay nakalapat pa rin doon ang labi ni, Jayda. Napapikit ako ng mariin ng biglang nag-flashback sa'kin ang nangyari.

We kissed!

An accident kiss!

Iritado akong napa-padyak ng paa at nagtungo sa bathroom ko. Sa asar at inis ko ay halos ibalibag ko na ang mga gamit ko kakahanap ng toothpaste at toothbrush. Nang mahagilap ang mga ito ay agad akong nag-toothbrush.

My angry and red as tomato face reflected on the mirror. Mas lalo kong kinaasar 'yon!

That guy! Ano siya accident kiss prone?! Swenerte na nga siya at nakahalik siya kay Nerrisa kahapon tapos ngayon ako na naman?! That was my freaking first kiss!

Yuck!!

Nag-toothbrush ako nang nag-toothbrush dahil hindi ako ma-satisfied. Nararamdaman ko pa rin ang labi ni, Jayda sa labi ko!

Eww!!

O my gosh! Why does it have to happen? Sa daming pwedeng itama ng labi ko bakit sa labi pa niya?

At bakit ganito na lang ang kabang nararamdaman ko? Nanginginig ang mga kamay ko at ang puso ko ay parang lalabas na sa dibdib ko.

"Aray!" natigil ako sa marahas na pag-to-toothbrush nang masugatan ko ang labi. I brushed my lips so hard that it hurts!

Pero ang malambot niyang labi ay ayaw mawala sa pakiramdam ko.





Yanna Hearts
Comment/Vote/Follow :L♥️

For more updates!

Follow me on Facebook:
Yanna Yan Yan Hearts

Like My Page:
Yanna Hearts WP -Ayanna_lhi

Follow Me on Twitter:
@Ayanna_lhi

It Started With An Accident Kiss (Love Academy Series 03)Место, где живут истории. Откройте их для себя