CHAPTER 14

207 14 1
                                    

CHAPTER 14 |Juice|


Ang swerte ko dahil hindi ako kakanta sa unang araw ng Music Fest. Number 90 ang nabunot ko kaya malamang ay Byernes ng hapon ako kakanta. Mas mabuti na 'yon dahil sigurado akong konti na lang ang papasok sa school dahil Friday na at may event pa! Kahit papaano ay nabawasan ang kaba ko at nagka-confidence ako.

Sa'ming tatlo si, Rose lang ang kakanta ng Huwebes, number 28 kasi siya. Si, Lian naman ay number 78. Ako ang huling kakanta sa'min.

Todo support kami sa pagkanta ni, Rose. Halatang-halata na nag-e-enjoy siya sa stage, kumindat pa siya na akala mo ay concert niya. Masayang araw sana para kay Rose kung hindi lang epal ang mga bullies niya na wala ng ibang ginawa kun'di ang mainggit sa kanya.

Simula nang makilala ang mga kaibigan ay pinangako ko talagang po-protektahan sila. Kaya naman hindi ko talaga nagustohan ang ginawa ng mga impakta na 'yon.

Sa'ming tatlo, aware ako na ako ang pinakamaldita sa'min. Si, Lian naman ang pumapangalawa. Hindi ko masali sa category ng maldita si, Rose dahil parang anghel sa kabaitan ang babaeng 'yon.

Si Lian ang pinakamaingay, Si Rose naman ang tahimik. Ako ay nasa gitna lang nilang dalawa.

Galit na galit si, Lian kanina sa nangyaring pambu-bully kay Rose. Kung wala lang pumipigil sa kanya ay malamang bumaba na 'yon rito at nakipagbuno. Gustohin ko mang makipag-sabunotan sa mga bullies ni, Rose ay pinili kong kumalma. Rose is crying, Lian is angry, I need to stay calm for the two of them. Besides ayoko ring ma-report sa guidance, 'pag ganoon ipapatawag ang parents, wala akong parents.

Iniwan ko muna ang mga kaibigan sa classroom para makabili ng tubig. Sakto namang naabotan ko ang mga impaktitang babae na nagu-usap sa baba.

"She deserves it, masyado siyang assuming. She thinks porquet rich siya she will get everything? Nah! That's her lesson."

"Bagay lang 'yon para maturuan siya ng lection." Apat sila ngayon pero hindi ako aatras.

Taas noo akong naglakad sa gitna nila, kita ko ang gulat sa mukha ng babaeng tinuring na kaibigan ni, Rose. Alam niya kasing kaibigan ako ng amo niya. Walanghiya kong binangga ang braso ni, Grecel na may kasalanan ng lahat ng ito.

"Aray ko ano ba!" maarting aniya. Ngayon hindi na 'ko magtataka kung malalaman kong siya 'yung laging kasagotan ko sa online.

"Ay sorry may nabangga akong cheap," pagpaparinig ko. Inirapan ko si, Grecel at sinigurado kong makikita niya 'yon.

"Anong sabi mo?" Napapakurap na aniya. Umirap ako at matapang siyang hinarap, humalukipkip ako at tinaasan siya ng kilay gaya ng madalas kong ginagawa t'wing nagmamaldita ako.

"Bungol ka ba? May katarata utak mo te? Kailangan ko pang ulitin?" Sarkastikong sabi ko sa kanya.

"What's your problem?" Ang arte talaga ng mga mukhang canvas.

"Problema ko?" eksahedera akong bumuntong hininga. "Problema ko ang mga toxic na kagaya mo sa mundo. Mga inggitera at kinulang sa pansin." Napa-awang ang labi ni, Grecel sa binitawan kong salita. Kita ang gulat sa mga mata niya.

"Excuse me? Sino ka para sabihin 'yan?" Naghahamon ang tingin ni, Grecel sa'kin kaya pinantayan ko 'yon.

"Sa susunod na galawin mo ang kaibigan ko, hindi lang maaanghang na salita ang matatanggap mo sa'kin. Tandaan mo ang mga sinabi ko Grecel Salvara, tandaan mo ang mukhang 'to.  Tandaan mo rin ang pangalan ko kapag ni-reseach mo na 'ko." Pagbabanta ko sa kanya.

Kung hindi lang ako marunong magtimpi ay baka nasupalpal ko na ang babaeng 'to. Kapal ng mukha, mas lalo pang pinakapal ng make-up niya.

Lalampasan ko na sana sila nang saglit na magtama ang tingin namin ni, Tine. Saglit lang dahil agad din siyang yumuko. Si, Tine ang sinasabi kong tinuring na kaibigan ni, Rose pero binaliktad siya.

Tumigil ako sa tapat niya, "at ikaw?" Mariin ko siyang tinignan sa mga niya ng tatlong segundo. Pagkatapos ay iniwas ko ang tingin sa kanya, "ang dami talagang mapagpanggap sa mundo." I said before walking my back to them.

Pagod ako pagkauwi kaya deritso tulog ako. Kinabukasan naman ay maaga ang gising ko dahil sa katok ni, Kuya Mike sa kwarto ko. Kagaya ko ay ngayong araw din siya kakanta, excited siya dahil haharanahin niya si, Serena sa stage.

Sana all confident. Ako kaya nito? Ano kaya mangyayari mamaya? Sana naman hindi umulan.

"Elaisle gising ka na d'yan!" Ikalawang katok na ni Kuya sa kwarto kaya napairap na 'ko.

"Kanina pa 'ko gising" Sigaw ko sa kanya pabalik. Naligo muna ako at nagbihis ng kulay pulang sleeveless dress na hanggang tuhod ko ang haba bago bumaba sa kitchen para makapag-breakfast.

Sinusuklay ko pa ang basang buhok habang pababa ng hagdanan nang mamataan ko si, Jayda sa baba. Nakasuot siya ng light blue polo at itim na slacks. Sa tindig niya ay hindi mo aakalaing señior high student siya. Moreno, makapal ang kilay, at may kakaibang kulay ang mata, matangos din ang ilong niya at maninipis ang pulang labi. Naka-clean cut ang buhok niya pero ang bangs niya sa harap ay sumasayad hanggang mata niya. Sa itsura niya ay para talaga siyang professional singer.

"Ngayon ka rin kakanta?" I asked the obvious pagkababa ng hagdanan.

"Ah oo," aniya sabay pasada ng tingin sa suot ko.

"Bagay sayo 'yung damit mo," hindi na 'ko nagulat sa sinabi niya.

"Thanks," I said to him. Wala naman akong kakaibang naramdaman sa sinabi niya dahil simpleng compliment lang naman 'yon. I signaled him na pupunta akong kusina, tumango naman siya sa'kin.

Nakakailang hakbang pa lang ako nang tawagin niya ulit ako. "Ah, Laisle." Hinarap ko siya at bahagyang tinaasan ng kilay.

"Ano 'yon?"

"May ibibigay sana ako," now he caught my attention. Buong attention ko na ang binaling sa kanya.

"Ano?"

Tumalikod siya at may kinuha sa bag niya na nakapatong sa sofa namin. Kita kong nilabas niya ang kulay green na babasaging tumbler mula sa bag niya. Inabot niya sa'kin kaya tinanggap ko.

"Juice 'yan. Salabat. Makakatulong sa boses mo. Medyo hindi nga lang maganda ang lasa, tapon mo lang kapag hindi mo nagustohan." Bahagyang nanlaki ang mata ko sa huli niyang sinabi.

"Grabe naman 'yung itapon," tinawanan ko siya. Ayon sa research maganda nga ang luya sa boses, makakatulong 'to sa'kin. "Salamat dito," tinaas ko ang hawak na tumbler.

Umiling siya at tipid na ngumiti sa'kin. "Walang problema, goodluck sayo mamaya." Ngumiti ako sa sinabi niya.

"Goodluck din sa inyo ng mga barkada niyo." He again smiled at me.

"Salamat ulit dito pero bakit?" Hindi ko na napigilang itanong, I don't see any reason for him to give me this juice. Mukhang nagulat siya sa tanong ko dahil natigilan siya at hindi nakapagsalita agad.

Magsasalita na sana siya nang sumingit naman si, Kuya Mike. "Elaisle kain na," ngumiti na lang ako kay Jayda at nagpamauna na sa kusina.





Yanna Hearts
Comment/Vote/Follow :L♥️

For more updates!

Follow me on Facebook:
Yanna Yan Yan Hearts

Like My Page:
Yanna Hearts WP -Ayanna_lhi

Follow Me on Twitter:
@Ayanna_lhi

It Started With An Accident Kiss (Love Academy Series 03)Where stories live. Discover now