CHAPTER 07

255 18 1
                                    

CHAPTER 07 |Help|


"Hoy, inaano niyo kapatid ko?" Mabuti na lang at dumating si, kuya. Sobrang awkward na kasi ng katahimikan sa pagitan namin ni, Jayda. Hindi pa nakakatulong ang mga animal na sina, Tim at Glen dahil bigla na lang nagsiubuhan na akala mo ay biglang nagka-virus.

"Uy wala Mike ah, si Jayda oh inaano niya si, Elaisle." Biglang bintang ni, Tim kay Jayda.

"Tado," dinig kong bulong ni, Jayda sa kaibigan.

Napairap ako at napailing, ang isip bata naman ng mga kasama ko. Tinalikuran ko sila at nagbalak na pumunta na lang ng kusina. Papunta na 'kong kusina nang hinarang ako ni, kuya Mike.

"Tabi, magsasaing ako," pinilig ko ang ulo.

"Tapos na," ngumisi siya sa'kin. Alam ko 'tong ngisi na 'to eh. Walang emosyon akong tumango at akmang babalik na lang sana sa kwarto ko nang pigilan niya 'ko ulit. "Pero, bunso ikaw na magluto ng ulam. Nag-ambagan kami ng gang, dito sila kakain." Sabay baling niya sa mga kaibigan.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko, hindi ako nagkamali sa ngisi niya. Lutuan ko na lang kaya sila ng lason para hindi na sila bumalik dito?

Kaasar eh! Mas madaling magsaing kesa magluto ng ulam.

"Sige na Laisle ngayon lang 'to." Sabay pa cute niyang ngisi. I scoffed, talaga? Ngayon lang? Eh halos weekly nga rito kung magpaluto 'yang mga barkada niya sa'kin! Ginawa akong cook ampupu.

"May magagawa ba 'ko?" Walang emosyon kong sabi, sa itsura ko halatang tinatamad ako.

"Yes yown oh!" saan ba nilihi 'tong kuya ko at parang bata?

"Yes, may magluluto na!" Nilingon ko si, Glen na nagdiwang din kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Hehe,"

Pagharap ko kay kuya Mike ay seryusong-seryuso na ang itsura niya. Naabotan ko siyang pinapasadahan ng tingin ang suot kong dolphin shorts at spaghetti top.

His jaw clenched, umiling siya at masama akong tinignan. "Magpalit ka nga ng damit," mariing bulong niya sa'kin. Sa titig niya ay para siyang dragon na bubuga ng apoy anytime.

"Mamaya," sagot ko. Kinunotan niya lang ako ng noo. Tumagos ang titig niya sa likod ko pero hindi pa rin nagbabago ang masama niyang titig.
Sa huli ay binitawan niya rin ako at malalim na bumuntong hininga.

Bumuntong hininga rin ako at umirap, nakalimotan kong magpalit ng damit bago bumaba rito.

"Ano ba lulutuin?" tanong ko.

"Inihaw na bangus tayo!" Tim suggested.

"Gusto ko baboy,"

"Seafood naman,"

"Steak, 'yon na lang." Steak ampupu! Ang hirap kaya nu'n.

"Taba ko kainin mo!"

"Kain ka tae, shuta."

"Kadiri ka, ikaw mukhang tae."

Argh! Ang dugyot! Kadiri talaga mag-asaran ang mga 'to! Buti na lang hindi sila nagmumurahan kun'di papalayasin ko na talaga sila sa pamamahay ko!

"Ikaw baby Jaydañiel anong sayo?" Malambing na ani, Glen.

"Kadiri ka," ani Jayda sa kanya.

"Ano sayo anak?" sumeryuso si, Glen.

"Kung anong mura na sakto sa'tin 'yon na lang. Akala niyo naman ang laki ng pera niyo" Not specific pero siya lang pinaka may matinong sagot sa lahat.

It Started With An Accident Kiss (Love Academy Series 03)Where stories live. Discover now