CHAPTER 17

196 11 1
                                    

CHAPTER 17 |Something|

Maaga akong nagising ngayong umaga, at ang una ko agad na naisip ay ang nangyaring aksisente kahapon! 

Nakaka-asar! Umagang-umaga sira na ang araw ko! Bumangon ako sa pagkakahiga at sinuklay ang buhok gamit ang mga kamay. Natulala na lang ako nang maalala na naman ulit ng pasaway kong utak ang nangyaring kiss kahapon.

"O goodness!" napapikit ako nang mariin. Umagang-umaga ramdam ko ang init ng pisngi sa hindi mapaliwanag na dahilan. Sinapo ko ng dalawang palad ang pisngi at pilit na iniling ang ulo nagbabakasakaling matatanggal sa sestima ko ang nangyari! 

Sa totoo lang para akong baliw sa ginagawa ko! Parang sirang plaka rin ang utak ko at paulit-ulit ang flashback sa nangyari!

Napahawak ako sa labi kong humahapdi dahil sa marahas kong toothbrush kagabi. Ang lambot ng labi ko, ganoon din kay Jayda.

Ow shezz! What are you thinking Mae?! 

Bago pa man ako masiraan ng bait sa kama ko ay bumangon na 'ko at naligo ng maaga, nagbabakasakaling mawawala ang lahat ng iniisip ko. 

Pero hindi 'yon nangyari! Buong araw akong sa kwarto ko lang nagpatay ng oras. Hindi ko alam paano haharapin si, Jayda sa nangyari kahapon kaya hindi talaga ako bumaba ng kwarto dahil baka tambay na naman sila sa bahay namin.

Nag-aral na lang ako at nagbasa buong  araw para ma-distract ang utak. Ginugulo ako ng aksidenting 'yon! 

Gabi na at nag-to-toothbrush na 'ko nang maalala kong may klase na naman bukas at back to normal school days na. Tapos na ang event at malapit na ang periodical exam.

Bukas... possibleng magkita kami ni, Jayda sa campus! O gosh hindi ko alam ang gagawin sa oras na magkaharap kami.

Teka nga! Hindi ba dapat siya ang mahiya at hindi ako? At bakit ko ba kasi b-ini-big deal ang kiss na 'yon eh accident lang naman 'yon? Anong nangyayari sayo Mara Elaisle?!

Aksisente man o hindi, halik pa rin 'yon! At ang kiss hindi basta ginagawa! 

Accident nga kasi 'yon! 

Haystt!! Ewan ko ba, pati isip ko ay nagtatalo na! 

"Mae kalma, hindi ikaw 'yan? Kalma ka lang okay?" pakikipag-usap ko sa sarili. 

Argh! Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng inis para kay Jayda! Siya may kasalanan kaya parang paranoid ako ngayon! Ang tanga rin eh, hindi nag-iingat! Naka-score na nga siya kay Nerrisa hindi pa natotoo. 

Dapat iniwas niya 'yung labi niya sa'kin para walang nangyari diba? 

I started to imagine my fall happened yesterday, in-imagine ko sa utak ko na iniwas ni, Jayda ang labi sa'kin nang mahulog ako. Ganoon dapat ang nangyari, naka-iwas ang mukha niya para hindi lumapat ang labi ko sa labi niya. Hanggang sa nakatulog na lang ako ay nag-aaway pa rin ang utak ko.

Maaga ulit ako nagising nang mag Lunes, and the same! Ganu'n pa rin ang bumungad sa utak ko. Naligo ako at nagbihis ng uniform thinking all my thoughts will gone out.

Pababa na 'ko ng hagdanan nang bigla kong maisip na baka nasa baba si, Jayda. Bigla akong kinabahan at hindi ko alam kung bakit bigla akong napatakbo pabalik sa kwarto ko. Hindi ko alam pero hindi ko siya kayang harapin! 

Hinarap ko ang sarili sa salamin at kita ko ang pamumutla ng labi ko. Naghanap muna ako ng liptint at polbo para ayosin ang sarili. Atleast I gained some confidence.

Umubo muna ako bago bumaba sa hagdanan, nang makitang tahimik ang sala namin ay hindi ko alam ba't ako nakaramdam ng dismaya. Sumimangot ako at tumalikod na para maka-puntang kusina nang makarinig ako ng ingay mula sa mga kaibigan ni, Kuya. Kinakabahan akong napabaling sa mga ito nang pumasok sila sa pintuan namin.

It Started With An Accident Kiss (Love Academy Series 03)Where stories live. Discover now