CHAPTER 38

185 13 2
                                    

CHAPTER 38 |Waiting|

Hindi ako pinatulog ng gabing ’yon. Bawat pikit ko ng mata, naaalala ko kung paano nangyari na lumapat ang labi niya sa akin. It was an accident but it feels so good. Pakiramdam ko noong araw na 'yon, mahal na mahal ako ng Diyos.

Putcha! Kung may nakakakita lang sa akin ngayon, malamang ay naakusahan na ’kong addict. I sighed. Ilang taon na lang ang hihintayin ko pero pakiramdam ko gusto ko ng simulan ngayon.

Pakiramdam ko ay mamamatay na ako, hindi na ako makokontinto sa pagtitig lang sa kanya. Habang mag-isang nakahiga ngayon sa tahimik kong kwarto, naiisip kong makipag lapit na sa kanya. O ligawan na siya. . . pero si Mike. Baka hambalusin ako ng kapatid nun. Haha!

Hindi naman sa takot ako, mataas lang talaga ang respeto ko sa barkadang nagbigay sa akin ng bagong pamilya.

HINDI ko makakalimutan ang awa sa mga mata niya habang nakatitig sa ’kin. Nalaman niyang wala na akong pamilya at mag-isa lang sa bahay.

That day, I pitied myself. Hindi dahil sa wala na ang mga magulang ko. Naaawa ako sa sarili dahil naawa siya para sa 'kin.

Matagal ko ng tanggap ang pagkawala nila. Masakit syempre. Pero kailangan kong magpatuloy sa buhay. Alam ko ring iyon ang gusto nila para sa 'kin.

I witnessed some of her downfalls, some of her misery. Lagi kong naabutan na nag-aaway sila ni Mike. I also saw how she cried a lot of times.

She's in pain, and I want to be her shoulder to cry on. She's bleeding, and she needs someone to heal it. I want to be that person.

Kapag may pagkakataon, lagi kong sinasabi sa kanya ang halaga niya at kung gaano siya kamahal ng mga taong nakapalibot sa kanya. I would always say that she's worth it. And I tell you, it feels so good. To give comfort to someone, especially the one you like. . . or probably love.

“GUSTO kita, Elaisle. Mula Seven hanggang ngayon na Señior High na tayo.”

Putcha! Ilang taon nga ba akong naghintay para maamin ko sa kanya ang nararamdaman? Limang taon? Tapos isang drunk confession lang ang mangyayari!

Ang tanga mo Jayda!

Ilang beses kong naipokpok ang ulo sa aparador nang magising ako mula sa katangahan. Sising-siisi ako sa nangyari. Gusto kong sisihin ang barkada dahil nilasing nila ako pero kasalanan ko rin dahil ako naman ‘yung uminom. First time ko pa nga lang malasing kapalpakan na agad.

Ang tanga ko lang dahil tameme pa ako nang nakaharap siya kinaumagahan. Pakiramdam ko lahat ng dugo ko sa katawan ay nilayasan ako. Dahil sa kaba hindi ko na alam ano'ng mga pinagsasabi ko.

“Mike, I confessed to, Elaisle,” sabi ko nang makapag-usap kami.

“Tapos?” kalmadong aniya.

“Wala, eh.”

“Ano'ng wala?” kunot-noo siyang napatingin sa akin.

“Hindi ko alam ano'ng reaksyon niya.” 

“Buti hindi ka nabasted?” Umiling ako. Hindi ko alam ang sagot. Sa ginawa ko kagabi dapat 'yon na nga ang asahan ko.  “Sigurado ka talaga sa kapatid ko ano?” seryosong tanong niya.

“Ilang taon na rin, ngayon pa ba ako hindi magiging sigurado?”

“Ewan ko sa 'yo, Jayda. Hindi kita ma-gets, ang dami namang babae bakit kapatid ko ba?” problemadong aniya sa akin. Kahit ganyan siya magsalita, at kahit madalas silang mag-away ng kapatid niya. Alam kong mahal niya ito.

“Hindi ko rin gets, ang daming babae pero bakit siya?” balik tanong ko. Sinapak niya ako sa braso kaya napangiwi ako.

“Pasalamat ka may nililigawan ako ngayon. Oh, sige ligawan mo si, Elaisle. Tingnan natin kung may chance ka.”

It Started With An Accident Kiss (Love Academy Series 03)Where stories live. Discover now