CHAPTER 25

200 14 2
                                    

CHAPTER 25 |Confession|

"Inlove ka na sa kanya girl!" Patango-tangong ani Lian. Napatingin ako kay Rose na agad din namang sumang-ayon. I sighed heavily. 

Is it really possible? Sobrang tagal kong hindi pinaniniwalaan ang pag-ibig, sobrang tagal kong pinigilan ang sarili na mahumaling sa estupidong concept na 'yan. Pero bakit ang dali kapag siya na ang kaharap ko? Bakit ang daling mabali ng mga salita ko. 

"I'm not Lian!" giit ko.

"You're not but you're acting like you like him!"

"And mukhang may gusto rin sa 'yo si, Jayda." Hindi ko na alam sino'ng pakikinggan sa kanilang dalawa. 

"Walang gusto si, Jayda sa 'kin. Baka nakakalimutan ninyo, Jayda confessed to me that he likes Nerrisa months ago." Parehong natahimik ang dalawa sa sinabi ko kaya tinaaasan ko sila ng kilay. 

"Hindi namin kilala si, Jayda pero ikaw kilala ka namin. You like him." Deklara ni Lian na ikinatindig ng balahibo ko. 

"How sure are you?" Matapang ko siyang tinapatan. No, I don't like Jayda. I mean, I want him as a friend but more than that? I can't imagine myself. 

"Action speaks louder than voice, lumang kasabihan, Mae! You're obviously jealous right now, nakita mo lang na tinuturuan ni Jayda si, Nerrisa magitara nagkakaganyan ka na. Ano'ng tawag mo d'yan." Sa itsura ni Lian ngayon ay parang inaapi niya 'ko. Parang pinipilit niya na may gusto nga ako kay Jayda. Kainis! 

Ilang Linggo na rin ang lumipas simula ng magtalo kami ni kuya Mike. Maayos na kami ngayon at nakikita kong bumabawi naman siya sa 'kin. Hindi niya rin ako pinilit na pumunta sa kasal nila tito Kristoff.

Si, Jayda naman. I felt comfortable beside him because I found comfort in him. Kapag nakikita ko siya kakaiba ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay may hinuhukay o nagdidiwang sa tiyan ko. Kaya lang hindi ko maintindihan ang sarili kung bakit laging umiinit ang pisngi ko sa mga simpleng bagay na ginagawa niya.

Because of what happened we got closer to each other, pero alam kong iba 'yung closeness namin compared sa ibang barkada ni kuya. There's something between me and him na ako lang ang nakakaalam, a little bit of awkwardness na hindi ko ma-explain kung bakit at ano. 

"Hindi kayo nakakatulong," seryusong sabi ko sa mga kaibigan. I felt hopeless inside. Tinawanan lang ako ng dalawa, lumapit sa 'ki  si, Lian at inakbayan ako.

"Mae, maybe it's about time for you to believe in love. Huwag mong gawing breakfast, lunch, dinner ang ampalaya habang buhay!"

"Shut up!" Inirapan ko siya. "Pakainin kita ng papel dyan, eh!" 

"Sungit nito, tss." Nginusuan niya 'ko.

"Saan ka nga pala galing? Parang nakita kita sa teachers faculty, ano'ng ginawa mo roon?" 

"H-huh? Wala, may complain lang kay Ma'am!" 

"Oh, eh, ba't nauutal ka? Anong ni-reklamo mo?" 

"Huh? Ah, s-sa groupings sa project! Diba sabi ko lilipat ako sa group niyo?" Napatango ako, isa pa 'yon sa iniisip ko ngayon may project na naman kami bago mag-christmas break. Sadly hindi ko kasama ang dalawa, watak-watak kami. 

"Kapag hindi ka pinalipat ni ma'am sa group namin sabihin mo sa 'kin, ako ang magrereklamo." 

"Ba't kayo lang? Ang daya," si Rose. 

"Ang madaya ay si, Tadhana!" sabi ni Lian sa kanya.

Binigyan kami ng mahigpit isang Linggo para sa project naming ito. Seryuso masyado dahil malaki ang points at sa theatre e-pe-perform. Smooth naman ang storyline namin at dialogues, medyo na-i-stress lang ako sa mga kaklase kong hindi marunong umarte. 

It Started With An Accident Kiss (Love Academy Series 03)Where stories live. Discover now