CHAPTER 08

245 15 1
                                    

CHAPTER 08 |Childhood|

Nagulat talaga ako nang sinabi niyang gagawa siya ng inspirational song dahil 'yon ang gusto ko. It's weird but I guess he just wanted a suggestion for the song he's going to compose. Yes, that's it.

Usual routines lang naman ang nangyari sa lumipas na two weeks, hindi na rin kami naging masyadong busy dahil wala naman nang events ang school. Sa susunod na buwan pa, na sana ay hindi na lang dumating. Argh! I hate music fest!

"We can search it through internet naman diba?" Rose asked, may activity kasi kami sa isang subject. At saktong three members each group kaya syempre magkasama kaming tatlo.

I can't say Rose is slow when it comes to academics. Hindi siya gaanong masipag mag-aral pero hindi rin naman siya tamad. Si, Lian naman ay matalino rin, consistent honor student pero palagi lang chill sa buhay. Ako itong todo kung mag-aral, 'yung tipong ilalaan lahat ng oras para maka-perfect ng quiz. Hobby ko talaga ang pag-aaral, others may find it boring but that's what I like. Siguro nagustohan ko ang pag-aaral dahil doon ako sinanay, ang mag-aral nang mag-aral nang mag-aral. Hindi naman ako sobrang talino, sadyang masipag lang mag-aral kaya mataas ang grades ko.

"Pwede naman, pero mas maganda kung sa library tayo. There we could find better and sure acces of information. Mahihirapan din tayo sa internet kasi hindi tugma ang resources nila sometimes." I said to them.

Hindi pumasok ang last period teacher namin kaya nag-plano na lang kami sa activity namin.

"Kailan tayo mag-re-research?" Lian asked. Busy silang pareho ni, Rose sa pag-scribble, si Rose sa diary niya, si Lian sa likod naman ng notebook niya, nagpa-practice ng pirma.

"We can start it today."

"Game ako d'yan, tawagan ko lang si kuya Ryan magpapaalam ako." Masiglang ani, Rose. Ngumisi naman ako sa kanya. Binalingan ko si, Lian para malaman ang sagot niya.

"Okay lang, wala naman na 'kong gagawin."

Gaya nang napag-usapan ay pumunta nga kami sa library para gumawa ng activity. Pagpasok ay nag-attendance muna kami sa log book. Dumeritso ako sa mga shelves, sina Lian at Rose naman ay sa mga lamesa para ilapag ang gamit namin. Kumuha ako ng apat na libro bago bumalik sa table na inukupa nila.

"Ang kapal naman niyan," bulong ni Lian. Nginiwian ko siya sa reklamo niya.

"Hindi naman lahat 'yan babasahin mo, topics lang natin." Inirapan ko siya kaya natatawa siyang umiling.

"'Yan reklamo pa, nasinghalan ka tuloy ni mada'am Mae." Rose said mocking me. Napailing lang ako sa kanilang dalawa.

"Haha, sibat na lang tayo Rose. Kaya na ni, Mae 'yan." Inambahan ko ng kamao si, Lian.

"Ayy oo nga, ang talino mo Mae kaya mo na 'yan." Segunda naman ni, Rose.

"Tumigil nga kayo d'yan!"

Pagkatapos magbiruan ay nagseryuso na kami sa ginagawa. Ni-divide namin ang mga kailangang e-research para mapag-isa namin ang mga information na nakuha after.

"Jayda, tumigil ka nga kakatitig sa'kin. Mag-aral ka!" Busy ako sa pagbabasa nang marinig ko ang pamilyar na boses. Dahil sa lakas ng boses ng babae ay hindi ko napigilang mapalingon.

Pagbaling ko ay agad na nagtama ang mga mata namin ni, Jayda. Tipid siyang ngumiti at tumango sa'kin, tumango rin ako bago bumaling sa kasama niyang babae. Si, Nerisa. 

Magkatabi sila sa table na kasunod sa'min, may hawak na libro si Nerisa si Jayda naman ay prente lang ang pagkaka-upo. Ang mga braso niya ay naka-akbay sa upuan ni, Nerisa. Nagmukhang inaakbayan niya ang babae.

It Started With An Accident Kiss (Love Academy Series 03)Where stories live. Discover now