CHAPTER 26

197 16 1
                                    

CHAPTER 26 |Recorded|

Bente quatro oras na akong gising, pilitin ko man ang sarili na matulog. Mukha ni Jayda ang nakikita ko sa tuwing pumipikit. Parang sirang plaka ang eksena na 'yon sa utak ko, hindi ko alam kung ano'ng tamang mararamdaman. May parte sa 'kin na pakiramdam ko ay may humuhukay sa tiyan ko, para akong nabunutan ng tinik at nabigyan ng assurance, at the same time lamang sa 'kin ang pagkalito sa sariling nararamdaman.

Dahil hindi talaga makatulog ay nagpasya akong kunin ang cellphone, hindi ko pa ito nabubuksan simula kanina, I'm sure gising pa si, Lian. Kailangan ko ng kausap.

Nakita kong may 100 unread messages na naroon kaya alam kong nagchikahan ang dalawa kanina.

Nagbackread ako pero hindi ko maintindihan pinag-uusapan nila.

Lish Anya Guia: @Mara Elaisle Avilla!! Lumabas la d'yan.

Lish Anya Guia: Ang haba ng buhok, sabunutan kita!

Rona Serene Norriente: Omayyyyyy kinikilig ako!!!!!!

Lish Anya Guia: Hoyyyyy Mae! labas ka!!

Hindi ko alam ano'ng nangyayari sa mga kaibigan ko at panay ang tawag nila sa 'kin, nang mag-backread pa ako ay may nakita akong ni-reply-an na voice message ni Lian. Nang tingnan ki ito ay gano'n na lang ang gulat ko dahil ako ang nag-send ng voice message two hours ago!

Napabangon ako sa pagkakahiga, nasapo ko ang bibig at pinindot ang voice message na ni-send ko. May haba itong four minutes!

["Lasing ka ba?"] Nanlaki ang mata ko nang una kong marinig ang boses. Pakiramdam ko ay bolta-boltahe ng kuryente ang dumaloy sa katawan ko.

["Hindi ako lashing, nilasing ako ng k-kuya mo!"] Boses ni Jayda! Naala

Naalala kong dapat ay mag-sesend nga pala ako ng voice message kay Lian noong dumating si, Jayda! Shook! Hindi ko nabitawan 'yung button! At na-send pa!

Nabitawan ko ang cellphone sa gulat nang bigla na lang itong mag-ring. Napapikit ako nang mariin nang makitang tumatawag si, Lian.

Huminga ako nang malalim bago sinagot ang tawag, alam ko na ang sasabihin niya.

"[Hoy Mara Elaisle! Susubukan kong kumalma! Saglit lang dyan ka lang! Dial ko muna number ni Rose.] Ni hindi man lang niya ako pinagsalita, nawala siya sa linya para e-dial ang number ni Rose. Nang bumalik siya ay naka-conference call na kaming tatlo.

["O my gash! Mae! It's Jaydañiel Escleto!"] Patilhing ani Rose. Nailayo ko pa ang cellphone sa tainga dahil sa tinis ng boses niya.

["Ang haba talaga ng buhok mong babae ka! Halika rito at ako ang sasabunot sa 'yon! Ano 'yon hah? Drunk confession?!"] Si, Lian. Napairap ako kahit hindi naman nila nakikita. At least hindi ko na kailangan mag kwento.

"Lasing lang 'yon, hindi 'yon totoo," sabi ko.

["Shut up!"] May balak yata silang sirain ang tainga ko. Alas quatro na ng umaga ganito pa rin sila kaingay. Sabay ang pagsasalita nilang dalawa kaya hindi ko maintindihan!

"Huwag na huwag mong babastedin 'yan! Hindi talaga kita papansinin!" Si Lian na alam kong nagbibiro lang.

["I agree with Lian, I mean it's Jaydañiel Escleto! Super talented and ang galing galing kumanta! Gwapo at mukhang tahimik. O come on, Mae!"] Si Rose.

Hindi ko alam ang isasagot sa dalawa, nandito na naman ako sa pakiramdam na parang nahuhulog ako sa kumunoy, parang gusto kong subukan.

["Mae, feel ko destiny talaga kayo ni Jayda. Look, kaibigan siya ng kuya mo tapos siya pa 'yung first kiss mo!] Napapikit ako nang mariin nang ipaalala 'yon ni Lian sa 'kin.

"Lian!"

["Mae, maybe it's about time to believe in love? I'm sure naman na mabait si, Jayda kaya sagutin mo please. I want to see you in love, or having boyfriend."] Malambing na ani Rose.

"Rose, he only confessed! Hindi siya nanligaw." I said.

["So gusto mong manligaw siya?"] Singit ni Lian. Natahimik ako roon, for the first time, hindi ko alam ang isasagot sa simpleng tanong. Nakakalito!

["Oh, 'di ka nakasagot? Simpleng payo lang, ah. Don't be so hard on yourself and to Jayda. He likes you, he confessed. And I know you like him too, don't deny 'cause it's pretty obvious Mae. Just, just give yourself a chance."]

Sa isang gabi ay tuluyang nagbago ang pananaw ko sa buhay, gusto kong subukan pero natatakot ako. Parang isang siglo ang lumipas at bigla ko na lang nakalimutan ang bagay na matagal kong dinala at pinaniwalaan.

Gusto ko ba si, Jayda? Alam ko na ang sagot sa sarili pero nahihirapan akong sabihin, hindi ko matanggap.

I was like lying above the bed of roses, nagdadalawang isip pa ako kung tuluyan ba akong hihiga sa nakakagayuma ngunit masakit na pag-ibig. Wala na akong mahahawakan, ilang oras na lang at babagsak na ako sa higaan na 'yon. Hindi ko alam kung bakit gano'n na lang kadali sa 'kin na tanggapin ang kapalarang iyon. Siguro ay ginusto ko?

Alas sais nang muli akong gumising, umaga pa masyado pero hindi na gustong matulog ng diwa ko. Dalawang oras pa lang ang tulog ko kaya sumasakit ang ulo ko. Nagpasya akong bumaba para magtimpla ng gatas. Nang nasa hagdanan na ako ay gusto ko na lang ulit bumalik sa kwarto nang makita ang mga nakahelirang kaibigan ni kuya sa sahig at natutulog. Sa center table ay may tira-tira pang bote ng alak at pulutan na hindi naubos. Umiling ako at pilit na kinalma ang sarili.

Diretso ang lakad ko at hindi na tiningnan ang mga kaibigan niya na nakalatag sa sahig. Hindi ko na rin tiningnan kung nandoon ba si, Jayda at dumeritso na ako ng kusina.

Pagpasok ko sa pintuan ng kusina ay agad akong nataranta nang makita siyang nakatalikod at naghuhugas sa sink ng ganito kaaga. Pakiramdam ko ay sasabog ang puso ko sa kaba at literal na gusto kong tumakbo pabalik sa taas. Kaya lang lumingon si Jayda at agad niya akong nakita.

Kita ko ang gulat sa mga mata niya at taranta, ganun din ako, umiwas ako ng tingin at nagpunta sa cabinet kung nasaan ang mga gatas. Inabala ko ang sarili roon para iwasan si, Jayda.

Tumikhim siya kaya napatingin ako sa kanya. "G-good morning, Elaisle." Saglit na nagtama ang mata naming dalawa pero agad din siyang umiiwas. Something on my stomach is moving and I don't know what it is!

"Good morning din." Sa sobrang hina ng boses ko ay hindi ko na alam kung narinig niya ba.

Sobrang awkward ng paligid, sa mga oras na ito ay gusto ko na lang maglaho!

Kumuha ako ng mug at sinimulang magtimpla roon, pareho kaming nakatalikod ni Jayda sa isa't isa kaya hindi ko alam ano'ng reaksyon niya.

"Elaisle, tungkol kagabi." Natigilan ako sa ginagawa, mas lalong kumabog ang dibdib ko. Dahan-dahan akong humarap sa kanya na. Nakayuko siya at tuliro. Nang mag-angat siya ng tingin ay agad na nagtama ang mata naming dalawa. "May. . . mali ba akong nasabi kagabi?"

Sa isang iglap ay tila nawala ang mahika sa paligid, kumunot ang noo ko at hindi na kayang itago ng mukha ko ang irita.

"Ano? Y-you don't remember anything?" Napakurap-kurap ako. Hindi siya sumagot kaya napailing ako.

"A-ano-" I cut him off.

"Wala, wala Jayda!" Hindi ko na napigilan ang umalis sa harap niya, sa inis ko ay nag-walk out ako. Pagbalik sa kwarto ay halos ibato ko ang mga gamit sa irita!

Wala siyang naaalala pagkatapos non?! Really?




Yanna Hearts
Comment/Vote/Follow :L♥️

For more updates!

Follow me on Facebook:
Yanna Yan Yan Hearts

Like My Page:
Yanna Hearts WP -Ayanna_lhi

Follow Me on Twitter:
@Ayanna_lhi

It Started With An Accident Kiss (Love Academy Series 03)On viuen les histories. Descobreix ara