CHAPTER 37

184 14 0
                                    

CHAPTER 37 |Captured|

“Oo,” sagot ko nang tanungin ako ni Mike kung may gusto ba ako sa kapatid niya.

“Ows!”

“Hala shutaks!”

“Sabi ko na nga ba, eh!” violent reactions from them. May iba pang tinulak ako at pabirong sinuntok sa  braso.

“Elaisle! May aminan dito!”

“Tahimik ka putakte!”

”Usap tayo, halika.” Hindi ko alam kung nagbibiro si Mike. Masyadong dramatic ang pagkakasabi niya na para bang naghahamon sa akin.

“Hala ka!”

“Suntukan muna with future brother in-law!” Kantyaw nila sa amin. Natawa na lang ako at napailing, si Mike ay pabiro ng hinahanda ang kamao niya para sa akin.

“Joke lang,” bawi ko. “Wala akong crush sa kanya.”

“Hala, Jayda niyo naduwag!”

“Putakte, deny ka pa d'yan!”

“Wala na! Sinabi mo na, eh!”

Natawa ako at muling umiling, “hindi ang sagot ko. ’To naman nagbibiro lang.”

“Seryoso ka?” ani Glen na ayaw maniwala sa ’kin.

“Hindi, nagbibiro nga ako ’di ba?” pambabara ko sa kanya. Nagreklamo pa sila dahil akala nila ay seryuso raw ako sa inamin.

It was true though, wala akong crush kay Elaisle. Crush and like are two different things. At ang nararamdaman ko para sa kanya. . .  alam kong hindi lang simpleng paghanga iyon. It was more than that, I'm sure I like her.

Pero syempre, hindi ko sasabihin sa kanila. Crush lang naman ang tanong, hindi kung gusto ko ba.

I don't know why I like her. Ni hindi niya ako pinapansin, minsan lang magtama ang tingin naming dalawa. Bilang lang din sa daliri kung ilang beses ko siyang nakausap. Basta ang alam ko, natutuwa ako kapag nakikita siya.

Wala na dapat tanong kung bakit ko siya gusto. Dahil hindi ko rin alam ang sagot. Hindi ko rin alam bakit ko siya gusto.

Nanatiling ganun ang sitwasyon. Sa tuwing tinatanaw ko siya sa malayo ay makakabuo ako ng lyrics ng kanta. And that lyrics becomes a song. Sa ngayon, meron na akong apat na kantang nasulat dahil sa kanya.

Taon na ang nakalilipas pero hindi pa rin ako nagsasawang pagmasdan siya. Hindi ko alam kung magagawa ko bang magsawa sa simpleng ganda niya.

“Pinagmamasdan kita, ng hindi mo alam. Pinapangarap kong ikaw ay maging akin.”

Kung hindi ako nakakabuo ng lyrics sa utak sa ginagawang pagtitig sa kanya. Napapakanta naman ako, lalo na kapag dala ko ang gitara. I look like a dang obsessed stalker! Staring addict. I can't help it. Hindi ko alam kung napapansin niya ba ang mga titig ko lalo na’t hindi ko ito mapigilan sa tuwing nakikita siya.

“Jayda,” naputol ang titig ko kay Elaisle nang umupo sa tabi ko si Nerrisa. Nasa garden kami, sa malayong bench ay nandoon sina Mae at ang mga kaibigan niya.

“Ano ’yon?” Nangunot ang noo ko nang makitang naka-jacket na naman siya. Ang init-init pero gan'yan ang suot niya. I can't help it, may pakiramdam ako sa nangyayari sa kanya. Wala ako sa posisyon na makialam pero kaibigan ko siya.

“Hubarin mo jacket mo,” seryusong sabi ko. Kita ko ang gulat sa mga mata niya.

“H-ha? B-bakit? Ang lamig, eh,” aniya sabay iwas ng tingin sa akin.

It Started With An Accident Kiss (Love Academy Series 03)Where stories live. Discover now