CHAPTER 34

202 12 1
                                    

CHAPTER 34 |Lost| 

Hindi ko alam kung paano ako pumayag. I just found myself sitting and seemed lifeless inside a silent caffe. Sa harap ko ay ang taong hindi ko alam kung gusto ko bang makita o hindi. 

"Kamusta ka na?" he asked me. Ibinaba ko ang tingin sa frappe na nasa mesa namin. Hindi pa iyon nagagalaw dahil rin akong balak na sumimsim doon. 

I almost laugh of what he asked. Seryoso ba siya sa tanong niya na 'yan? Hindi pa ba obvious ang sagot? I felt like a mess and I'm living miserable because of you! 

"Hindi ako okay," tiningnan ko siya upang makita ang mukha niya. He looked older than the last time I saw him. Kailangan nga ba iyon? Sa sobrang tagal hindi ko na matandaan. 

"Mara, you can always come to me." Sa sobrang rahan ng boses niya, hindi mo aakalaing may kabit siyang tao at may anak sa labas. 

"How can I come to you when you leave on the first place?" I whispered to myself. Hindi niya iyon narinig kaya pagak akong natawa. Sa totoo lang gusto kong sumabog, gusto ko siyang sigawan at sisihin sa lahat pero kailangan kong pigilan ang sarili.

Ayokong matabunan ako ng galit ko, masakit akong magsalita pag galit pero mas masakit akong magsalita kapag kalmado. Gusto kong ipadama sa kanya ang galit ko sa kalmadong paraan. I guess, 'yon ang dahilan kung bakit nasa harap niya ako ngayon. 

"Sa tingin mo? Ano'ng ang sagot?" I asked him back. Kita ko ang gulat sa mata niya pero nanatili siyang kalmado. Staring at his old and grey hair right now makes me think of the old days. I was like his female version, I looked like him and even copy few of his mannerisms and attitude. We have the same cold and intimidating eyes that many has noticed. 

"Look, I'm happy that you grow up strong and beautiful. I just want to say. . . sorry for what happened, sorry for what I did." Nagtiim bagang ako, humigpit ang kapit ko sa mesa dahil sa panggigigil. How could he! 

Paano niya nasasabi ang salitang sorry nang gan'yan kadali? Akala niya ba ganun din kadali magpatawad?

"I'm really sorry, Anak. . . " malungkot na aniya. "I'm not a good father to you." 

"Buti alam mo?" matapang kong sagot. Umawang ang labi niya. Nag-iinit ang sulok ng mata ko pero hindi ako iiyak. "Pagkatapos mong ma-disappoint ng maraming beses sa akin, pagkatapos mo akong ikumpara sa ibang tao, pagkatapos mong magkaroon ng kabit, pagkatapos mong sirain ang pamilya natin, pagkatapos mong iwan kami! Ta's ngayon malalaman kong may anak ka sa ibang babae at may half sister ako? Buti alam mo na hindi ka naging mabuting ama?" matigas kong ani, bawat bitiw ko ng salita ay para akong sinasaksak ng patalim. 

"You know about, Nerrisa?" napapikit ako nang mariin sa binanggit niyang pangalan. 

"Magdidiwang na ba ako sa nalaman ko?" Sarkastiko ko siyang tinawanan at pinasadahan ng tingin. I can't imagine it, nasusuka ako. Nasa sinapupunan pa lang ako, sinungaling at cheater na ang ama ko. 

"I'm sorry, Mara. Nandito ako para manghingi ng tawad." Sinubukan niyang hawakan ang ang kamay ko pero agad kong inilayo iyon.

"You think ganun na lang kadali 'yon? Pagkatapos niyo kaming iwan ni kuya Mike sa bahay? Pagkatapos niyo kaming. . ." Muli ay napapikit ako nang mariin. Hindi ko na kayang ituloy. "You're horrible," puno ng poot kong sambit sa kanya.

He looked at me tiredly, "Alam kong malaki ang kasalanan ko sa inyo anak. Pero sana naman, hayaan mo akong maging ama niyo ulit nina Nerrisa at Mike."

Hindi ko na kaya 'to, hindi ko na kayang harapin siya. Pati pagbanggit niya sa pangalan ng babaeng 'yon ay hindi ko matanggap. 

"Bakit ngayon pa?" sarkastiko akong natawa. "After how many years ngayon mo lang naisipan magpaka tatay? Saan ba nabagok ulo mo?" Sinabi kong hindi ako iiyak pero heto ako ngayon. Galit na galit at nanlalabo ang mga mata dahil sa pagbabadya ng luha. 

It Started With An Accident Kiss (Love Academy Series 03)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon