CHAPTER 18

186 12 1
                                    

CHAPTER 18 |Visit|

"Laisle," tawag sa'kin ni, Jayda nang makita akong nakatanaw sa kanila. Buti na lang at hindi niya nakita ang lihim kong pag-irap kanina.

Bago pa man makalapit si, Jayda ay agad na akong tumalikod at nagpanggap na hindi siya narinig.

"Hoy, tawag ka," kinalabit ako ni, Lian pero hindi ko siya pinansin gaya ng ginawa ko kay sa isa.

"Ay oo nga pala, may inutos sa'kin si, Ms. Dimañaga. Tara na buti na lang naalala ko!" Nagmamadali akong nagpamauna sa lakad para maiwasan si, Jayda. Totoong may inutos sa'kin ang guro pero sabi niya ay bukas ko na lang gawin. Why not ngayon diba? Or bukas na lang, tinatamad ako. Ang totoo ay gusto ko lang iwasan si, Jayda. Hindi ko pa kasi alam paano siya haharapin.

"Wow ah, may paiwas-iwas ka pa ngayong nalalaman?" natatawang ani, Lian. Halata ako masyado, alam ko.

Iritado ko lang na tinignan ang kaibigan na walang ibang ginawa kung hindi ang tumawa. Baliw.

Pabagsak kong hiniga ang sarili sa kama dahil sa pagod, wala naman kaming masyadong ginawa sa araw na 'to pero pagod ang katawan ko at parang dismayado ang loob ko.

I did my night routines before laying on my bed. Hindi ako makatulog kakaisip sa ginawa kong pag-iwas kay Jayda kanina kaya binuksan ko na ang cellphone para sana makapag-Facebook. Bumungad agad sa'kin ang FB post ni, Nerrisa na picture nilang dalawa ni, Jayda. Kumunot ang noo ko, hindi ko alam na FB friend ko pala ang babaeng 'to.

Dahil walang magawa ay in-i-stalk ko na lang ang FB profile ng babae. Nakalagay sa details niya ang dating school na pinasokan, hindi ko alam kung totoo ba 'yon o gawa-gawa lang para may mailagay. Kung totoo man 'yon, ibig sabihin transferry siya dati?

Nakita ko sa mutual friends namin ang pangalang Jaydañiel Escleto. Ayaw ko man, hindi pa rin napigilan ng kuryosidad ko na tignan ang laman ng FB profile niya. I tapped his photo, sa picture ay nakangiti siya habang naka-side view. Kitang-kita ang ganda ng side physique niya, lalo pa itong pina-depena ng araw na sumisinag sa katawan niya.

Shezz! Bigla kong natapon ang cellphone sa kama nang may ma-realize. Bakit ko in-i-stalk si, Jayda?! Bakit curious ako sa kanya? Cringe! I shook my head, hindi ko alam pero pakiramdam ko ay naninindig ang balahibo ko. Kadiri Mae!

Paulit-ulit ko na pinilig ang ulo. Ang weird ko yata ngayong araw? I sighed, tinulog ko na lang ang lahat, nagbabakasakaling hindi na ako weird bukas

My days went on, and nothing changed! Kung may pinagbago man, mas lalo lang lumala ang nararamdaman ko. 'Pag nakikita ko si, Jayda naiirita ako, lalo na pagkasama niya si, Nerrisa. Ilang araw na ang lumipas pero hindi pa rin ako nakaka-move on sa kiss na 'yon!

Of course it's a big deal for me 'cause it's my first kiss! Hindi man ako 'yong romantic type na tao pero hindi naman ako basta-basta nagpapahalik no!

Jayda tried to talk to me, everytime he'll made an attempt nagpapanggap ako na busy, hindi siya narinig, may biglang lakad ako o ano pang rason para hindi ko siya maka-usap. Naiinis kasi talaga ako, eh!

"Ows, palinga-linga sa paligid?" I sighed. Inirapan ko si, Lian na tinataasan ako ng kilay ngayon. Like our usual pagod school day sa Cafeteria kami kumain. Madalas kong makita sila Kuya at ang mga barkada niya rito pero dalawang araw ko nang hindi nakikita si, Jayda.

Siguro may sarili silang lunch date ni, Nerrisa? Pero hindi eh, meski sa campus ay dalawang araw ko na siyang hindi nakikita. Ano na nangyari doon?

"May hinahanap," ngumisi sa'kin si, Rose. Lagi na lang silang ganito sa'kin. Lagi na lang nila akong inaasar.

"Wala ah," depensa ko sa sarili. Umiwas ako nang tingin sa kanila at nginuya na lang ang pagkain na kanina ko pa pinaglalaruan.

"Siguro friend, mas mabuting kausapin mo si, Jayda for that matter. Para naman matahimik ka na d'yan." Binalingan ko si, Rose.

"At kung hindi ka pa rin matahimik after niyong mag-usap naku! Alam ko na 'yan!" Pinitik pa ni, Lian ang daliri sa harap ko.

"Anong pinagsasabi niyo? There's nothing to talk about me and Jayda, at hindi lang ako matahimik kasi..." kinagat ko ang baba ng labi ko dahil wala akong maidugtong.

"Kasi?" si, Lian.

"Argh! Kumain na nga lang tayo!" frustrated kong ani.

My friends both laugh at me, alam kong iniisip nilang may crush ako kay, Jayda o ano. 'Yon ang laging pang-aasar nila sa'kin. But duh! Wala sa vocabulary ni, Mara Elaisle ang salitang crush o inlove! Mamamatay muna si, Superman bago mangyari 'yon!

"Bahala ka, better early than late," makahulogang ani, Lian.

"Kaya pala maaga mo jinowa 'yung childhood friend mo kaya better early? Too late nasaktan ka na niya." Muntik nang mabilaokan si, Lian sa walang pakundangan kong sinabi. She glared at me.

"Iba naman 'yong sa 'kin," nakangusong aniya.

"Anong pinag-kaiba nu'n? Pareho lang silang mga lalaki no! Wala silang pinagkaiba!"

"Even Kuya Mike?" natahimik ako sa sinabi ni, Rose. My Kuya, he will never cheat, he respects me and he hate my father for cheating that's why I know he will never do that.

I shrugged my shoulders, "there's always an excemption." Hindi pa rin ako sumuko.

"Exactly, there's always an excemption. Ang maybe, Jayda is?" Rose said. Natahimik ako sa sinabi niya, she has a point tho.

"Love, huwag mong ilahat ang katangian ng mga lalaki. Yes, lahi sila ni, Adan pero may pagkakaiba ang lahat." Lian added.

"Why are we talking about these anyways? I'm not inlove or up to Jayda." My friends both shrugged their shoulders off.

Ng mag-hapon ay hindi ko pa rin nahagilap si, Jayda. Busangot ako at nakanguso nang pumasok sa sasakyan namin. Si Kuya Mike ay nasa driver's seat na, handa na rin ang makina ng sasakyan.

"Anong nangyari sa mukha mo? Zero sa test?" Nginiwian ko siya.

"Kailan pa ako na-zero?" mayabang kong ani.

"Wala nga, oh ba't gan'yan ang mukha mo?"

"Wala," tamad akong humilig sa backrest at tinignan ang bintana. Bakit ko ba kasi hinahanap 'yon? Kung nand'yan naman sa harap ko iniiwasan ko?

"May dadaanan nga pala akong kaibigan," hindi ko binalingan si Kuya.

"E-uwi mo muna ako bago ka pumunta sa barkada mo," tamad kong ani.

"Sayang gas, sige na saglit lang ako. May kukunin lang ako sa kanya."

I groaned inwardly, "'yang saglit mo dalawang oras 'yan. Hanggang sa gustohin ko na lang na mag-commute pauwi!" reklamo ko. "Sige na, e-uwi mo muna ako."

"Saglit lang 'to promise, may kukunin lang ako kay, Jayda." Pakiramdam ko ay nagpantig ang tenga ko sa pangalan na narinig. Agad ang pagbangon ko at pagbaling ko kay Kuya Mike na mukhang nagulat din sa'kin.

"Kina Jayda?" may excitement sa boses ko kaya kinagat ko ang labi. Ang OA ko. Bumalik ako sa pagkakahilig dahil baka mahalata ako ni Kuya sa kinikilos ko. I faked a cough.

"You'll visit Jayda?" walang pakealam kong tanong.

"Oo, saglit lang 'to promise."

"Sige na nga!" nagsusungit kong ani. "Make sure mabilis lang ah!" Inirapan ko siya. Pakiramdam ko ay may bumangon na kulisap sa tiyan ko at bigla itong nagdiwang.





Yanna Hearts
Comment/Vote/Follow :L♥️

For more updates!

Follow me on Facebook:
Yanna Yan Yan Hearts

Like My Page:
Yanna Hearts WP -Ayanna_lhi

Follow Me on Twitter:
@Ayanna_lhi

It Started With An Accident Kiss (Love Academy Series 03)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon