CHAPTER 11

212 13 1
                                    

CHAPTER 11 |Devastated|


After my encounter with Serena ay hindi ko na siya ulit naka-usap, lagi ko siyang nakikita sa campus na may kasamang mga barkadang lalaki. Minsan na rin siyang babati dapat sa'kin pero hindi ko pinansin.

I don't feel guilty inside me, gan'yang pattern ng mga babae kasi alam ko na ang mga kulo.

Dumating nga ang pinakaayaw kong Buwan ng pagiging grade 12 student. Do you know how it sucks to do the things you don't want but you have to? Argh! Frustrating!

"So, October na!" Pagpasok pa lang ng teacher namin ay agad na akong napa-irap, alam ko na ang sasabihin niya. Usap-usapan 'yon sa campus ngayon.

"May kalendaryo kami sa bahay ma'am." Mahinang bulong ko, nakakawalang gana ang unang araw ng Oktobre ko.

"Alam niyo naman ang nangyayari sa music fest diba? Walang excempted unless may sakit kayong malubha sa lalamunan. Wala akong pake kung umulan, bumagyo o boses kambing ang boses niyo basta kakanta kayong lahat." Isang malalim na buntong hininga ulit ang pinakawalan ko, ang ibang kaklase ko ay nagsigawan sa tuwa, bilang naman kaming napaungol dahil hindi gusto ang event.

Tradisyon na ng campus namin ang Music Fest, kapag tumuntong ka ng grade 12, requirement ang pagiging participant sa Music Fest para maka-graduate ka. Every third week of October nangyayari ang event. Walang excempted unless valid ang reason mo.

Sa Fest ay isa-isa kaming kakanta sa stage, graded 'yon kaya dapat na galingan. Pabor para sa may mga talento sa pagkanta, paano naman kaming mga walang hiyas sa talentong 'yon? Confident ako humarap sa mga tao dahil medyo sanay na 'ko sa crowd, pero ang kumanta sa harap nila ay ang hindi ko kaya. Baka pagkumanta ako ay bumagyo lang!

"I'll post the criteria on the announcement board later. Tandaan, malaki ang puntos nito sa grado niyo kaya dapat niyong seryusohin. Kayo ang pipili ng kantang gusto niyong kantahin, at dapat ang kantang iyon ay naglalahad o nag-e-express sa iyong sarili o sa gusto mong sabihin sa isang tao."

Kahit ayaw ko, I payed attention to the teacher. Wala akong gustong sabihin sa ibang tao, gusto ko na lang ay kantahan ang sarili. O kahit anong kanta basta hindi 'yung mapuputol 'yung ugat sa lalamunan ko.

"Bago ang araw ng Music Fest ay magbubunotan kayong lahat kung sino ang mauunang kumanta." Over 120 ang population ng grade 12 students sa Love Academy kaya hindi kaya kung isang araw lang ang event. It'll be divided into two like the usual.

Pagkatapos ng klase namin ay dumeritso na kaming cafeteria para makabili ng pagkain. Burger lang ang binili namin dahil wala kaming balak na mag-stay sa cafeteria. Pagkatapos naming mamili ay dumaan muna kami sa announcement board para tignan ang poster ng Music Fest ngayong taon.

Unang basa ko pa lang sa nakasulat sa poster ay hindi ko na nagustohan ang bumungad sa'kin.

You can invite your family to this awesome Music Fest.

Pagak akong natawa sa loob ko nang mabasa ang sentence na 'yon sa poster. Humalukipkip ako at malalim na bumuntong hininga.

"Hindi ko na e-invite sina Mommy at Daddy may work sila niyan." Dahan-dahan ang pagtingin ko kay, Lian nang sabihin niya 'yon.

Pakiramdam ko ay bumibigat ang dibdib ko, tila may asido na binuhos sa loob ko at gusto kong sumuka. Ayaw ko man, hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng inggit para kay Lian. Mahal na mahal siya ng parents niya at super cool ito. Hindi big deal sa kanya kung hindi pumunta ang parents niya kasi ramdam niyang mahal siya ng mga ito at sinusuportahan siya.

Ako kaya? Kailan ko mararanasan 'yon. I guess it will never happen. 'Cause it never happened.


"Congratulations Mara Elaisle, ikaw ang top 1 ng class!" Baon ko ang balitang 'yon pag-uwi ng bahay namin. Ang ngiti ko sa labi ay hindi mawala-wala dahil alam kong matutuwa sina Mommy at Daddy pagnalaman nila 'to. Pagnagtuloy
-tuloy hanggang third at fourth grading possible ako ang maging valedictorian ng batch namin. I'm sure may Dad will be proud of me!

It Started With An Accident Kiss (Love Academy Series 03)Where stories live. Discover now