CHAPTER 03

272 19 0
                                    

CHAPTER 03 |Dare|

"Kain lang kayo girls ah, h'wag kayong mahihiya." Medyo madilim na ang langit nang makarating kami sa bahay, bago kasi kami tuloyang naka-uwi ay hinarang pa ako ng iba para mag-congratulate at magpa-picture, oh diba instant celebrity ako?

"Naku! You don't have to say it, Mae at kakain talaga ako ng marami!" Lian said while laughing, nilagyan pa niya si Rose ng pagkain sa pinggan dahil konti lang kumain ang isang 'to.

"Rose, kain ka ng marami hangga't walang naka-tingin," bulong pa sa kanya ni, Lian.

Tumango-tango naman ang isa. Solo naming tatlo ang lamesa sa kitchen dahil dito namin napiling kumain, ang mga kaibigan naman ni kuya kasama ang iilang babae ay nasa garden kumakain.

"Grabe hindi ako maka move-on sa sagot mo kanina Mae, nakakadugo ang malalim na tagalog." Iling-iling na sabi ni Lian.

"I agree, you really are amazing girl! Ang talino mo talaga." Rose seconded.

Ngumuso naman ako sa kanilang dalawa. "Kayo ang galing niyo ring mambola!" I told them habang naniningkit ang mga mata.

"No, we're not!" angil ni, Rose puno pa ang bibig ng pagkain. Pareho naman kaming natawa ni, Lian sa kanya dahil mukha siyang humster.

"But anyways guyz," seryusong sabi ko. "I really really want to thank you two for your support, grabe 'yung sigaw niyo kanina baka bukas paos na boses niyo niyan."

"Wala, 'yon what are friends for right?" Rose said smiling.

Kung meron man akong habambuhay na papasalamatan? 'Yon ay ang mga taong hindi ako iniwan despite of my imperfections and flaws. Nand'yan sila lagi, never leaving my side. Sina Rose, Lian at kuya Mike they're my treasure that I'll be thanking forever.

We resumed eating after that, we also talk about random stuffs specifically sa school.

"Are you having fun here girls?" kuya Mike asked us. Pumasok siyang kusina dala-dala ang mga pinagkainan nilang pinggan. I guess tapos na silang kumain? May sumunod sa kanya kaya napatingin ako sa likod niya, it's Jayda, gaya ni, kuya Mike ay may dala-dala rin siyang mga pinggan.

Agad akong tumayo at nataranta, they're my visitors, kahit pa sabihing si kuya Mike ang nag-imbita sa kanila, bisita ko pa rin sila dahil may kinalaman naman sa'kin ang celebration. My point here is, visitors don't bring plates.

"Kuya naman eh, pinag-abala mo pa ang kaibigan mo." Bulong ko kay kuya, ang tinutukoy ay si, Jayda na ngayon ay nilalapag ang mga plato sa lababo.

"Nag-volunteer 'yan sabi ko nga na h'wag na." Sagot niya, ngumiwi naman ako. May mga kasambahay naman kami, nakakahiya naman sa tao.

"Meski na," bulong ko pa rin.

"Ok lang kami dito kuya," Lian answered.

"Masarap po ang pagkain," Rose seconded, tumango-tango naman ang kuya ko.

"Mabuti naman, pero pagkatapos niyo kumain punta kayo sa garden ah? May mga babae naman doon kaya 'di kayo out of place, lalo ka na Elaisle sayo pa naman ang celebration tapos wala ka." Tumango-tango lang ako kay, kuya isa 'to sa napag-usapan namin nina, Rose at Lian kanina.

Pumayag silang makipag interact sa mga kaibigan nina kuya Mike wala naman daw'ng masama. Ayon pa kay, Rose, "it's rude not to socialize with them, hindi lang naman kami ni, Lian ang bisita mo."

"Susunod po kami," si Lian ang sumagot.

Kuya Mike is two years older than us, but because of a long story pareho kaming grade-twelve students ngayon ni Kuya. He's really good at making friends kaya dumadami nang dumadami ang circle of friends niya, ako naman ay kontento na kina, Lian at Rose.

It Started With An Accident Kiss (Love Academy Series 03)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon