CHAPTER 30

231 13 2
                                    

CHAPTER 30 |Triple Date|

“Kanino galing ’to?” nagtataka kong tanong kay Kuya habang hawak ang credit card.

“Kay, Daddy. . .” Pagkasabi niya nun ay agad siyang umiwas nang tingin sa ’kin. Pakiramdam ko bigla ay umakyat ang lahat ng dugo ko sa katawan dahil sa galit.

Anong ibig niyang sabihin dito? Talaga bang ipapamukha niya sa ’min na pera lang ang kaya niyang ibigay sa ’min?

“Nalaman niyang malapit na ang camping natin kaya nagpadala siya ng extra money.” I scoffed. Halos malukot ko na ang hawak na card sa galit na nararamdaman ko.

Bigla ay parang gusto kong mag-rebelde sa galit, gusto ko siyang puntahan para isampal sa mukha niya na hindi ko kailangan ang pera niya pero alam kong sasayangin ko lang ang oras ko. Sige! Pera pala, ah? Tingnan natin kung gugustuhin mo pang padalhan ulit ako ng ganito pagkatapos ng gagawin ko.

Galit akong tumayo at tiningnan si Kuya. Gusto ko ring magalit sa kanya dahil alam kong may koneksyon sila ni Daddy pero ayaw ko siyang bwesitin. Ayaw ko siyang galitin lalo na’t nalaman kong tuluyan na siyang binasted ni Serena.

“Sabihin mo sa kanya, hindi ako magpapasalamat,” sabi ko bago nagmartsa paakyat sa kwarto ko.

Pabagsak kong inihiga ang sarili sa kama at tiningala ang kisame. Gusto kong pahupain ang galit na nararamdaman kaya sinusubukan kong kumalma. Sinimulan ko na ring isipin kung ano ang gagawin sa pera na ’yan.

Kinuha ko ang cellphone at nag-search sa web ng mga foundation na pwedeng pag-donate ng pera. Itinigil ko lang ang ginagawa nang maisip na baka hindi naman gaano kalaki ang laman ng card. Magtatanong muna ako sa bangko bago waldasin ang pera na ’to.

Since malapit na ang camp, napagpasyahan naming tatlo na mamili sa grocery para sa tatlong araw na ’yon. Ayokong mabaliw kaiisip tungkol sa ama ko at sa ginawa niyang pagpaparamdam kaya pinagtuunan ko ng pansin ang cellphone ko. Nakipag-trash talk ako sa mga bashers ni Rose at nag-post ng kung ano-ano sa wall ko.

Hindi ko naman inaasahan ang text ni Jayda kaya hindi na ako naghintay. Hiningi niya kasi ’yung number ko last week kaya paminsan-minsan siyang nagte-text sa ’kin. Nang tuluyan nang maburyo ay napadpad ako sa phonebook ng cellphone ko at nakita ang pangalan ni Shun Clark Tuazon.

Si Clark ay kaklase namin na ex ni Lian. Napangisi na lang ako nang may maisip na kalokohan. Papupuntahin ko si Clark sa araw na maggo-grocery kami para magulat si Lian! Ang galing ko talaga.

I tapped Clark's number and called him, ilang ring lang ay agad na nitong sinagot.

“This is Clark, who's this?” Taray, English ang Kuya niyo!

“Si, Elaisle ’to,” tumikhim ako at pilit na kinapalan ang apog.

“Elaisle,” aniya na para bang iniisip kung sino ako. Hindi naman kasi kami close ni Clark, nakuha ko lang ang number niya dahil minsan kaming naging groupmates sa isang research.

“Anong kailangan mo?” Kahit nasa telepono, sumisigaw pa rin ang pagiging intimidating niya. Ibang-iba talaga siya kay Jayda. Hindi ko nga alam ba’t patay na patay si Lian dito, eh guwapo lang naman ’to. Masungit ’to at snob.

“Kailangan namin ng kargador sa a dyes,” deritsong sabi ko.

“Kargador?” napaawang labi ko nang marinig ang accent niya nang sabihin ’yon. Ang sosyal, ah!

“Taga-dala, maggo-grocery kami nina Lian sa Ten kaya sumama ka para tumulong sa ’min. Kung hindi ka pupunta, sasabihan ko si, Lian na layuan ka,” pagbabanta ko sa kanya.

It Started With An Accident Kiss (Love Academy Series 03)Where stories live. Discover now