CHAPTER 13

197 15 0
                                    

CHAPTER 13 |Like|

"Fishball?" Dalawa kami ni Lian na napatingin kay Rose nang mang-aya siya. Papunta na kaming parking lot pero mukhang masasabit kami sa fishball-an. Gusto ko ang idea ni Rose, bukod sa mura masarap pa ang fishball.

"Game ako, nakakagutom eh." Si, Lian na hinimas pa ang tiyan. Tinaasan ko naman siya ng kilay at nginusuan.

"Lagi ka namang gutom eh," sabi ko sa kanya.

"Hee!" singhal niya sa'kin. "Wait tapon ko lang 'to," aniya sa empty bottle water na hawak niya.

"Kuya!" Feeling close na bati ni, Lian sa fishball vendor na kilala na namin. "Damihan mo ang luto at mang-lilibre si, Rose!" Ngising asong aniya. Nagulat naman si, Rose na kasalukuyang kinukuha ang pitaka sa bag niya.

"Ako manglilibre?" Nanlalaking mata na aniya.

"Syempre ikaw ang nang-aya kaya ikaw ang manglilibre. Ayos lang 'yan, kahit bilhin mo 'tong fishball cart ni Kuya hindi ka maghihirap no!"

"Buraot mo ngayon Lian!" singit ko. Umirap naman sa'kin ang isa.

"Nagsalita ang hindi buraot!" Aniya na malamang ay ako ang tinutukoy.

"Magkaiba ang buraot sa kuripot!" I corrected her.

"O gosh, nakakahiya kayo kay Kuya oh. Let's eat na nga, treat ko." Si, Rose na nag-iisang manipis ang mukha sa'min.

"Yown oh!" napa-fist up pa si, Lian sa tuwa.

"Ehem," peke akong umubo at ni-side glance si, Rose. "Hindi ko sinabing librehan mo 'ko, pero sabi mo manlilibre ka kaya hindi ako tatanggi. Masamang tumanggi sa grasya!" Sabi ko sabay kuhak ng stick at cup ng fishball para makakain na. Okay lang 'yan, mayaman naman si Rose. Barya lang 'to sa kanya.

"Ehem, hindi raw buraot." Pagpaparinig pa ni, Lian sa'kin.

Tsh, kaya lang naman ako kuripot dahil ayokong gumastos nang gumastos sa perang hindi akin!

"Argh, finally this is the best!" I stayed all night listening on Spotify para makapili ng kantang kakantahin sa Music Fest. Masyado akong mapili sa lyrics, pitch, at tono kaya umabot ako ng alas dyes ng gabi kakahanap ng kakantahin. Mabuti na lang talaga at naalala ko ang kantang 'to! Ang ganda ng lyrics at hindi nakakasira ng ugat sa leeg. Bagay sa tulad kong walang talent sa pagkanta.

The song is the best 'cause it suit me the best, lalo na ang lyrics. Sana lang talaga ay hindi ako mapiyok sa harap ng marami, nakakahiya 'yon!

The whole week happened like the usual, gano'n din ang Sabado ko. Maaga pa lang ay maingay na ang bahay namin kaya alam kong nakatambay na naman ang mga barkada ni, Kuya sa bahay. Noong bumaba ako para mag-agahan kanina ay tama nga ako, kompleto pa silang lahat.

Ano na naman kaya gagawin ng mga 'to ngayon? Narinig ko habang kumakain kanina na magpa-practice raw sila para sa Music Fest. Halos lahat kasi ng kaibigan ni Kuya Mike ay ka-batchmates niya, lahat kasi ng mga kaibigan niyang ka-edad niya ay graduate na sa Señior High.

"Akala mo naman ang ganda niya, mukha namang puwet ang mukha." Pang-ta-trash talk ko habang nag-ta-type. Nakita ko kasi 'yung dummy account ng buma-bash kay Rose na nag-comment sa profile picture ng isang sikat na artista. Aniya ay pangit daw ang artista.

Nang mapagod kaka-cellphone ay tumayo ako at dinala ang speaker. Nagpasya akong simulan na lang ang pag-practice ng kakantahin. Maraming tao sa sala namin kaya naman sa back door ng bahay ako dumaan para makapuntang mini garden. Tahimik kasi rito at mas gusto ko ang amoy ng hangin, mas makakapag-concentrate ako kapag ganito.

It Started With An Accident Kiss (Love Academy Series 03)Where stories live. Discover now