CHAPTER 39

202 13 2
                                    

CHAPTER 39 |Rain|

“Tim, saan C.R nila?” tanong ko sa kaibigan. Nasa veranda ng bahay kami nakatambay lahat. Si Mike naman ay umakyat saglit sa kwarto. Ito 'yung unang araw na nakapunta ako sa kanila. Isa sa mga hindi ko makakalimutang nangyari.

“Pasok ka lang ta's liko ka papuntang kusina. May makikita kang banyo roon sa kanan.” Tumango ako kahit na hindi ko naman talaga maintindihan. Pumasok ulit ako sa bahay nila, sakto namang nakita kong pababa na ulit siya. Mas maayos na ang suot niya ngayon kaysa kanina.

“Ah, saan 'y-yung C.R niyo?” tanong ko nang tuluyan na siyang makababa. Kita ko ang pagkunot ng noo niya at pagpasada ng tingin sa akin. Kung makatingin siya akala mo taga ibang planeta ako, eh.

Nagkibit siya ng balikat, “Malay ko sa C.R kung nasaan na siya.” Inirapan niya pa ako bago nilampasan. Masungit nga talaga.

“PAPAYAG ka na lang ng ganun, Jayda? Hindi makatarungan na maghiwalay kayo sa ganung paraan!” Halos singhalan na ako ni Lish. Kita ko ang irita sa mata niya dahil sa 'kin. Napadaan ako sa table nila nang tawagin niya ako para kausapin.

“Desisyon niya ’yon, eh.” Bumaba ang tingin ko sa pagkaing nasa mesa nila. Puros iyon gulay. May lettuce, pepino, mayonnaise, at carrots.

“Pero relasyon niyong dalawa 'yon, hindi lang dapat siya ang nagde-decide,” dagdag ni Serene sa mahinahong boses.

“Rose, is right. Hindi ko maintindihan bakit nagkakaganito si, Mae! Naintindihan ko naman na may pinagdadaanan siya pero kailangan talagang magsalita ng masakit? Kailangan talagang manakit ng iba?” ani Lish. Ramdam ko ang hinanakit niya sa kaibigan. Ramdam ko rin ang pag-aalala nila para rito.

“Wala ako sa posisyon magsabi nito pero sa tingin ko kailangan ninyong malaman.” Natahimik silang dalawa. “Si, Elaisle. Nalaman niyang kapatid niya si Nerrisa.”

Matagal bago sila nakapagsalita. Maging ako man noong nalaman ko ay nagulat talaga ako. Kailangan kong sabihin sa kanila ang hinaharap ni Elaisle ngayon para maintindihan nila siya.

“You’re joking right? Nerrisa Echaves?” Tumango ako kay Serene.

“Hindi nga?” si Lish na hindi makapaniwala.

“Her father cheated. Si, Nerrisa ang bunga.”

“Oh, my gosh!” Nasapo pa ni Lish ang bibig.

“Kaya naiintindihan ko siya, kailangan niya ng oras para makapag-isip sa mga nangyayari.” Both of them sighed.

“Oh, no. . . kaya pala.”

“Now I understand. It makes sense,” ani Rose.

“Thank you kasi ipinaliwanag mo sa amin. Salamat kasi naiintindihan mo si, Mae. I hope you won't get tired, Jayda,” Rose said.

Tipid akong ngumiti at tumango sa kanya. I won't.

NANG sumunod na araw pakiramdam ko bumalik ang dati. 'Yung hanggang tanaw lang ako sa kanya. Gusto ko siyang lapitan lalo na't mag-isa lang siya pero nangako ako. Hahayaan ko muna siya.

Nagising lang ako sa pagkakatulala nang tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko muna kung sino ang tumatawag bago sinagot.

“Jayda?” si Nerrisa.

“Ako ito,” I answered.

“N-nakakahiya 'to pero pwede bang makisuyo?” aniya sa banayad na boses.

“Ano 'yon?”

“P-pwede bang kunin mo ang mga gamit ko sa bahay ngayon? Wala na akong planong bumalik doon. Aalis din ako ngayon sa bahay ni Daddy.” Kumunot ang noo ko.

It Started With An Accident Kiss (Love Academy Series 03)Where stories live. Discover now