CHAPTER 15

200 14 2
                                    

CHAPTER 15 |Accident|

Nginitian ko si, Jayda na kasama ko lang sa isang pila. 90 ako 93 naman siya, dalawang tao ang nasa gitna naming dalawa. 'Yung juice na binigay niya kaninang umaga ay ininom ko, hindi naman pangit ang lasa kaya inubos ko. It's the least taste I expected pero masarap ang pagkakagawa ng juice.

Tig-sa-sampu kaming pipila sa gilid ng stage para mahanda ang tapes namin. Kasalukuyan na ngayong kumakanta si number 89 at ako na ang sunod sa kanya.

Nanginginig ang tuhod ko dahil sa kaba, mabibigat ang paghinga ko at paulit-ulit ang buntong hininga ko na para bang matatanggal nito ang bigat sa dibdib ko. Akala ko ay konti na lang ang manonood pero mukhang mali yata ako, ang dami pa ring audiences!

"Now let's welcome on stage contestant number 90! Ay si, Mara Elaisle pala ito." Huminga ako ng malalim bago umakyat ng stage, I know when I step in there, there's no turning back.

Nagpalakpakan ang mga tao nang umakyat ako sa entablado. Ang kaninang kaba ko ay parang tinangay ng hiyaw ng mga tao. Like I said, sanay akong tumayo sa stage. Medyo kilala rin ako ng marami dahil bukod sa pagsali ko sa Bb. Mapagmahal noon ay active rin ako sa school activities.

"Anong baon natin ngayon Elaisle?" tanong sa'kin ng host. May pa-interview kasi bago kumanta eh.

"Hindi ako talented sa pagkanta kaya bahala na kayo kung masira ear drums niyo sa pakikinig," tumango ako. Nagtawanan naman ang audience sa'kin.

"Arte, baka gulatin mo kami! Ang ganda kaya ng boses ni, Mike." Nauna nang kumanta si, Kuya Mike sa'kin, at tama siya, maganda rin ang boses ng kuya ko. Kilig na kilig pa ang audience dahil nanghara talaga siya kay Serena. Bumaba pa ng stage ang Kuya at binigyan ng bulaklak ang babae. 'Daming pakulo.

"Hayst, basta huwag kayong mag-expect." tamad kong ani.

"Para kanino itong kakantahin mo, Laisle?"

"Para sa sarili ko, wala akong jowa kaya self love." Tawang-tawa na talaga sila sa mga sagotan ko. Ang dami ko nang nasabi sa stage kaya pinakanta na nila ako.

Pumikit muna ako at huminga ng malalim, sana talaga ay maging maayos ang lahat at matawid ko ito. Kanina ay ginawa ko ang mga breathing excercises na tinuro ni, Jayda.

Nang magsimula ang tugtog ay inisip ko lang na kinakantahan ko ang sarili.

"~Broken all the pieces I've been shaping lately. Focused on the things that didn't make no sense. Guess that growing up was never meant to be easy.~" I sang those words with emotions. Yes, I grew up the world giving me a lot of heartaches.

"~Yeah, I got used to doing everything sideways. Didn't really care about how everyone felt. Hiding my emotions down in different ashtrays." Hindi sila makasigaw sa kanta ko dahil masyadong emotional.

"~Oh, but what is lost ain't gone
No, you can't just let go. 'Cause it's a part of you that will make you strong
Embrace your flaws.~"

If I we're to ask if I'll have the chance to turn back the time, I rather would not. Those experiences made me tough and made me who I am today. Ayaw ko na rin balikan ang masakit na nakaraan, ang masakit na pag-iwan. I treasured everything, even the most painful ones. I embraced it. Even if it hurts me.


Minulat ko ang mga mata at agad na sinalubong ng tingin ang mga kaibigan.

"~I'm not gonna fight back what I've become. Yeah, I've got bruises where I came from. But I wouldn't change if I could restart. I ain't gonna hide these beautiful scars.~"

Yes I won't.

"~Hide these beautiful scars~"

Napapikit ako ng mariin pagkatapos kong kumanta. I did it! Gusto kong maiyak pero pinigilan ko ang sarili, hindi ko rin alam bakit ko gustong umiyak. Nagpalakpakan ang mga tao pagkatapos kong kumanta. Nag-bow muna ako bago bumaba sa kabilang side ng stage, sinalubong ako roon ni, Kuya Mike.

It Started With An Accident Kiss (Love Academy Series 03)Where stories live. Discover now