CHAPTER 32

207 13 0
                                    

CHAPTER 32 |Yes|

Day and night changes fast, isang buwan na ang nakalipas nang magsimula si Jayda sa panliligaw sa akin pero parang kahapon lang naganap ang lahat. 

I changed, and I definitely don't know if my changes will be good for me or not. All I know is I'm happy and I'm growing.

It was actually a tough month, hindi ko akalaing na mangyayari ang bagay na hindi ko inakala na magaganap. Sobrang saya namin noong camping tapos bigla na lang may mangyayaring aksidenti. Halos mag-agaw buhay si Rose dahil sa nangyari sa kanya at sa ginawa ng pamilya niya. Sobrang hirap ng mga araw na 'yon pero kailangan kong magpakatatag para sa kaibigan. Mabuti na lang at nasa tabi ko si Jayda nang mga panahon na 'yon.

Rose is already recovering, it was also a tough battle for herself, her family and her love. Nakikita ko naman na bumabalik na sa dati ang lahat kaya medyo mapapanatag na ako. 

Jayda and I got closer to each other, after the camp and after everything that I have been through the past month. He was my support system when Rose needed to run away from her family. He was there when I was with Rose who was laying on the hospital bed. I appreciate him the most for staying beside me kahit na hindi ko siya gaano napagtuunan ng pansin. 

And I guess, it's time to pay back.

"Why do you love music?" I asked him while he was sitting on our couch playing with his guitar. 

Siya lang ang tambay ngayon sa bahay namin, wala ang mga barkada niyang makukulit. Well, pumunta siya rito hindi para kay kuya Mike kun'di para sa akin. 

Itinigil niya ang pag-strum ng gitara, ipinilig niya ang ulo at tiningnan ako na para bang nasa akin ang sagot sa sarili kong tanong. 

"Hindi ko alam bakit mahal ko ang musika, hindi ko alam ang tamang sagot. Ang alam ko lang ay masaya ako rito." Napatango ako sa sinabi niya. Hindi man ako masyado maka-relate dahil hindi naman ako into music, naiintindihan ko pa rin siya. 

"Ikaw? Why do you love studying?" he asked me back. Nagkibit ako ng balikat pagkatapos ay kumuha ng chips na nasa center table. 

"Kasi kailangan?" hindi siguradong sagot ko. "I was told to study hard before that's why I forced myself to love it, and now I love it." 

"Siguro mahirap 'yon, 'yung pilitin mo ang sarili mong mahalin ang bagay na hindi mo naman gusto." I'm comfortable talking with Jayda like this kaya hindi na ako nagugulat. I told him stories about my father and alam ko namang alam na niya kung gaano ko kinamumuhian ang ama. 

"Actually noong una, nakakasuka. Pero kung disperada ka nang makuha ang gusto mo. . . aarte ka pa ba?" I was desperate to get their attention kaya wala akong panahon para mag-reklamo. Besides, malaki naman ang naitulong nila sa akin, eh. I am who I am today because they are part of it.

"You can love someone or a thing without forcing yourself, like me. Of how I used to like you." Natigilan ako, pakiramdam ko ay nag-hang saglit ang utak ko. Pati ang chips na kakainin ko na sana ay nabitin sa bibig ko.

"Banat ba 'yon?" ani ko nang makabawi. Tumawa siya at umiling, pagkatapos ay ibinalik niya ang atensyon sa bitbit na gitara.

"Pwede, pero seryoso ako. Kagaya kung gaano ako kaseryoso sa 'yo." Tuluyan na akong napangiwi, hindi ko na napigilan ang sarili na batohin siya ng throw pillow na agad naman niyang iniwasan.

"Ang corny mo Jayda! Lumayas ka nga rito!" nginiwian ko siya. 

"Banat 'yon ni Tim, ang sabi sabihin ko raw sa 'yo," natatawang aniya. 

It Started With An Accident Kiss (Love Academy Series 03)Where stories live. Discover now