Chapter 1

1.6K 26 1
                                    

One month na kami sa grade 7 and so far so good naman. Busy ako sa dance club dahil nasa pep squad, street dance, and dancesport groups ako ng club. It's taking up most of my time but I'm really enjoying it.


'Yong history club naman na-ghost na yata kami dahil hindi na nagparamdam after ng first meeting maliban sa iilang stuff na inuutos nila sa akin.


"May training ka ulit mamaya?" tanong sa akin ni Ethan habang naglalakad kami palabas ng classroom.


"Yep, grade 7 representative for Street dance ako. I have to work extra hard para naman hindi sila ma-disappoint sa pag-appoint sa akin."


"So sabay-sabay pa rin tayong uuwi? May training din kasi si Axel sa basketball habang ako naman may training sa track and field."


"Depende kasi si Axel laging late natatapos 'yong training," sabi ko at nag-chuckle. "Iwan na lang natin."


"Hindi pwede, magtatampo 'yon," sabi ni Ethan habang tumatawa.


I rolled my eyes jokingly at him. Masyado siyang mabait kay Axel kaya talaga sobrang baby ni Axel sa aming dalawa ni Ethan.


Nakasalubong namin 'yong president ng history club kaya ngumiti ako sa kanya. He knows me naman dahil nauutusan ako lagi ng club dahil walang kwenta 'yong grade 7 representative namin. Gumawa lang siya ng group chat ng grade 7 members tapos hindi na nagparamdam.


"May meeting tayo bukas, sabihan mo na lang 'yong mga ka-batch mo," bilin niya sa akin. "Second meeting na 'yon, magdi-discuss lang naman tayo ng plans para sa United Nations at sa Foundation day. Matagal pa naman 'yon pero pag-usapan na natin."


I nodded and smiled. "Message ko na lang po sa group chat namin."


To be honest, I don't need to do this pero naaawa na rin ako sa mga officers namin dahil halos lahat sila parang nangangapa. Bago kasi 'yong club adviser at ang daming demands kaya 'yong chill na situation nila dati hindi na ngayon.


Maaga natapos 'yong training namin pero pagod na pagod ako dahil sobra-sobra 'yong pinagawa sa amin kanina. Warm-up pa lang intense na.


Umupo ako sa isang bench na nasa tapat ng track and field team para hintayin si Ethan. Sa basketball court dapat ako pupunta para puntahan si Axel kaso nakakatamad.


"Siya 'yong lumalapit kay Axel, diba?" rinig kong sabi ng isang babae sa tabi ko.


"Sabi ko nga sa'yo, tatahi-tahimik lang siya pero may tinatago, diba?" sabi naman noong isa.


I looked at them baka kasi ako na naman topic. Kapag kasi connected kay Axel ako lagi topic pero hindi naman sila nakatingin sa akin, nakatingin sila sa ibang direction kaya tinignan ko rin 'yong tinitignan nila.


Chismosa kasi talaga ako, kaya nga kami best friends ni Axel pero kung anong alam ko hindi ko naman kinakalat pa. I just like knowing things.

[Career Series #4]: The Water Pollutant (COMPLETED)Where stories live. Discover now