Chapter 13

511 13 1
                                    

Sinunod naman ng clubmates namin si Braden at nanalo nga si Liv. WTH! Paano niya napapasunod 'yong mga clubmates namin nang ganoon? Nagtaas lang siya ng kamay sumunod agad 'yong mga kaibigan niya pati 'yong batchmates namin.


Tumingin lang sa akin si Braden at nag-smirk kaya inirapan ko siya. Lagi talaga niyang pinu-push na mas gusto siya ng members namin kaysa sa akin. Mas hardworking naman ako!


"Okay, Livianne, dito ka na sa harap... I-introduce mo na muna 'yong sarili mo sa mga members," sabi ni kuya Isaac.


Sinamahan ko si Liv sa harapan dahil mukhang kinakabahan pa siya.


"Good afternoon po," sabi ni Liv noong makapunta siya sa harapan.


"Lakasan mo boses mo, Liv," bulong ko sa kanya.


"Good afternoon po, ako po si Livianne Cariño, Liv po 'yong nickname ko... From 7-Barba po." Napatigil siya sa pagsasalita at tumingin sa akin kaya nag-nod ako sa kanya para ituloy niya 'yong sinasabi niya. "Kasama po ako sa mga scholar ng batch namin... 'Yon lang po, maraming salamat."


I tapped her shoulder dahil mukhang na-shock siya at hindi talaga siya prepared. "Okay lang 'yan, masasanay ka rin."


"Sana nga po."


Noong matapos 'yong meeting, dismissal time na rin kaya excited na excited lumabas 'yong mga junior high school na members namin.


"Sabay na tayo lumabas, Liv," pag-aaya ko kay Liv dahil kanina pa siya tinitignan ng mga kaibigan ni Braden. May image 'yong group nila Braden na pumapatol sa mga lower batch, kailangan ko i-protect si Liv sa kanila.


"Scholar ka?" tanong ni Keith kay Liv. Talagang sumunod pa sila sa amin.


"Narinig mo naman na scholar siya, diba?" pambabara ko kay Keith. Hindi kami close pero naiirita talaga ako sa kanya. Para siyang buntot lagi ni Braden sa club namin, parehas sila ni Martin.


"Matalino ka talaga siguro, sobrang higpit kaya ng FIST sa scholarships," sabi naman ni Martin. Totoo naman 'yon, hindi sobrang mahal 'yong tuition namin kaya kahit sino nakakapasok pero sobrang higpit nila sa scholarships at doon sila bumabawi pagdating sa academics.


"Susunduin ka ba, Liv?" I asked dahil kung sasakay pa siya baka ipahatid ko na lang siya kay Julian sa sakayan kaysa iwan ko siya kasama ni Keith at Martin. Harmless naman yata si Braden pagdating sa mga lower batch.


"Opo, baka nga po nandyan na po 'yong papa ko sa labas."


Sinamahan ko hanggang gate si Liv at buti nandoon na nga 'yong papa niya dahil hindi ko talaga siya iiwan kay Keith at Martin. Kabago-bagong student tapos bibiktimahin ng mga kagaya nila.


Mukha pa namang ang bait-bait na bata ni Liv tapos ang laki-laki ng bag, hindi kagaya namin na nakakatapos ng isang araw na maliit na bag at isang plastic envelope para sa mga papers 'yong dala namin.

[Career Series #4]: The Water Pollutant (COMPLETED)Where stories live. Discover now