Chapter 44

504 24 5
                                    

TW// Death, Suicide


Ilang taon kaming magkakaibigan at kahit kailan hindi ko naisip na ganito kami kaaga mababawasan.


Para akong pinapatay sa bawat hakbang na ginagawa ko papunta sa kabaong na nasa harapan namin.


Napabitaw sa kamay ko si Crystal noong makarating kami sa tapat ng kabaong ni Ethan at muntik na siyang mapaupo kung hindi siya nasalo ni Axel.


Hinawakan ko ulit 'yong kamay ni Crystal na nanginginig at nanlalamig na.


"Crystal, please, calm down," pagmamakaawa ni Axel sa kanya at niyakap siya.


Umiiling lang si Crystal habang nakasandal 'yong noo niya sa dibdib ni Axel. "Gisingin niyo 'ko... Hindi 'to totoo... Please," nanghihina niyang sabi sa amin.


"Crystal—"


"Please, gisingin niyo 'ko... Hindi ako iiwan ni Ethan ng ganito."


Nakatingin lang ako kay Crystal habang lumalabo na 'yong paningin ko dahil sa mga luha sa mata ko. Gusto ko siyang yakapin pero hindi ako makagalaw... Hindi ko alam gagawin ko o sasabihin ko dahil parang walang tamang sasabihin sa pagkakataon na 'to.


Hindi ako makatingin sa kabaong ni Ethan dahil hindi ko kaya tignan siya na wala nang buhay, wala na 'yong ngiti sa mga labi, at wala na akong maririnig na kind words mula sa kanya.


"Crystal, anak, halika na muna sa taas," tawag ng mommy ni Ethan kay Crystal.


Umiling lang si Crystal kay tita habang umiiyak pa rin.


Pinunasan ni tita 'yong mga luha ni Crystal. "Please, anak, doon na muna tayo." Tumulo na rin 'yong luha sa mga mata niya. "Please, Crystal, okay?"


Noong sumama si Crystal kay tita, umupo ako sa may malapit sa kabaong, katabi ko si Axel na nakatulala lang habang nakatingin sa kabaong ni Ethan.


"Nakita mo na?" tanong niya at nagpunas ng mata niya.


Umiling ako. "Hindi ko kayang tignan si Ethan na ganoon."


"I thought I was ready kasi two days siyang in-autopsy pero," he sobbed, "hindi pala talaga tayo magiging ready sa mga ganito."


Tumango na lang ako dahil two days na ang lumipas simula noong sinabi sa amin na wala na siya at nag-stay kaming magkakaibigan sa unit namin ni Crystal para samahan si Crystal.


In-autopsy kasi muna 'yong katawan ni Ethan pati ng daddy nila dahil binaril sila parehas sa opisina ni tito ng mga pulis. Sinabi na kailangan daw tignan 'yong opisina ni tito dahil pinaghinalaan silang may illegal na firearms. Nanlaban daw 'yong dalawa kaya sila napatay.


Inaasikaso na ni tita pati ng ibang lawyers na kakilala ni tito 'yong case nila.Sinubukan ni Blair, Zia, at Axel humingi ng tulong sa mga pamilya nila pero ayaw ma-involve ng mga pamilya nila. Kapag alam nila na may masasagasaan na mga tao na pumoprotekta sa business at political career nila bigla silang nananahimik.

[Career Series #4]: The Water Pollutant (COMPLETED)Where stories live. Discover now