Chapter 46

553 24 2
                                    

"Daphne, let's date exclusively," sabi sa akin ni Sebastian.


Tinaasan ko siya ng kilay dahil wala naman 'yon sa usapan. "Diba ang usapan either no strings attached or wala talaga? Tsaka nasa dating stage naman tayo." Tawag ko sa fling, dating stage para iwas issue sa social media.


"I know that." Hinawakan niya 'yong kamay ko. "Pero nahuhulog na kasi talaga ako sa'yo, Daphne. Tsaka 'yong dating stage mo naman 'yon lang ang tawag mo pero fling lang talaga tayo." Nangungusap 'yong mga mata niya at mukhang sincere naman pero hindi na kasi talaga ako open sa mga relationships.


Kaya pala tinatanggihan na niya ako kapag bino-booty call ko siya kasi may feelings na pala siya sa akin. Dapat sinabi niya agad para nakahanap agad ako ng ibang fling!


"But I don't feel the same way... Tsaka alam mo naman na ayaw ko sa relationships." I gave him a sympathetic smile. "You're a great guy but I'm not really the label and commitment type of girl."


Nagpaalam na ako sa kanya dahil ang awkward na at sumama na 'yong loob ko sa sarili ko. He's a great guy, kaklase ko siya sa Master's Degree ko sa Marine Science, at sobrang nagkakasundo kami sa lahat pero ayaw ko talaga ng labels at commitments.


Those things destroy people.


Alam ko 'yon dahil isa 'yon sa reasons kung bakit kinailangan ko lumapit sa therapist noong college ako. Hindi lang naman 'yon ang reason pero nadagdag 'yon sa reasons.


Dumiretso ako sa dance studio ko sa Katipunan. Hindi siya ganoon kalaki dahil hindi ko naman 'to pinagawa para sa business or para magturo ng sayaw. For content purposes lang at 'yong pinagpagawa ko rito ay galing sa kinita ko sa YouTube.


Dalawang floors 'yong pinagawa ko pero sa first floor 'yong dance studio habang sa second floor naman studio ko para sa vlogs.


Nag-practice muna ako ng bagong choreographed ko na steps ng The Baddest ng KDA habang hinihintay ko 'yong crew ko kapag gumagawa ako ng dance cover.


Tatlo 'yong kasama sa crew ko, si Aya 'yong nag-e-edit ng YouTube videos ko, mapa-dance cover or hindi, si Charlotte at Kiara naman 'yong nagte-take ng videos ko kapag dance cover. Mga college students sila na hinire ko para magkaroon sila ng extra income.


Nagpalit muna ako ng damit para sa dance cover ko, nagsuot ako ng black na simple shirt, black na ripped pants, combat boots, at leather jacket. Inayos ko na rin 'yong makeup ko at buhok ko. Tinali ko ng pa-bun na pigtail 'yong bronde ko na buhok para hindi masyadong magulo kapag sumayaw ako.


"Ang aga mo naman! Natapos agad date mo?" tanong ni Aya noong makarating sila.


"Akala ko pa naman may quickie pa at magpapahinga ka muna bago tayo mag-umpisa ng shoot," sabi naman ni Kiara at tumawa nang malakas.


Napailing ako at tinawanan siya. "Maghahanap na nga ako ng bago."


"Ay! Bakit naman?" tanong ni Charlotte. "Sayang naman!"

[Career Series #4]: The Water Pollutant (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt