Chapter 25

536 19 0
                                    

"Sabay ba tayo magla-lunch?" tanong sa akin ni Braden noong umalis na 'yong teacher namin.


"Sasabay ako sa friends ko kaya sumabay ka na lang din sa friends mo. Hindi rin naman tayo pwedeng makita masyado ng mga schoolmates natin." Hindi pa naman alam ng mga schoolmates namin na may something kami. Ayaw ko rin naman malaman nila.


"Bakit ba kasi ayaw mong malaman ng iba kung anong meron sa atin?" Nahalata ko sa tono niya na naiirita siya kahit hindi kita sa mukha niya.


"Daphne the slut has a new boy toy," sabi ko at nag-shrug. Ganoon naman lagi kong naririnig kapag may bago akong MU.


Noong naging kami ni Ash, natahimik sila kasi committed relationship 'yong sa amin na label at maayos na usapan. Noong maging single ulit ako, ganoon na ulit naririnig ko. Lahat ng guys na lalapitan ko, bagong boy toy.


Hell! Lahat nga nga kaibigan kong lalaki kahit si Ethan iniisip nila bago kong biktima.


Puro chismis lang naman ang meron hangga't wala pa kaming confirmation parehas. Ayaw ko rin masyadong gawing public sa school namin 'yong sa amin ni Braden dahil mag-uumpisa na naman makialam ang mga tao.


Ganoon naman kasi ang mga tao, porque may alam sila tungkol sa inyo, iisipin na nila na entitled sila magkaroon ng opinyon kahit wala naman dapat silang pakialam sa kung anong relationship ang mayroon kami ni Braden.


Lalo na kay Braden, maraming batchmates namin ang mangingialam sa amin. Isa na doon 'yong tropa niya at 'yong mga girlfriends ng mga katropa niya.


"Oh, sige," malungkot niyang sabi.


"Sasabihin ko na sa friends ko, hindi naman nila ikakalat 'yon." Ngumiti ako sa kanya para pagaanin 'yong mood niya. "Tsaka malalaman din naman nila, ayaw ko lang muna i-confirm sa kanila."


Nagse-stay siya sa side ko kahit hindi pa ako totally over kay Ashton kaya as much as possible ayaw ko na rin siya masyadong saktan. He's been really nice and I'm not that cruel.


Nasa school garden kaming siyam at nag-uusap-usap sila tungkol sa isang activity sa TD dahil pahirap na nang pahirap 'yong pinapagawa sa amin. Buti na lang tinutulungan ako ni Braden sa TD kaya hindi ako nahuhuli. Sobrang kabado na 'yong iba naming kaklase dahil ang dami nilang incomplete na activities. Speaking of Braden...


"May sasabihin ako sa inyo," sabi ko sa mga kaibigan ko kaya lahat sila napunta 'yong atensyon sa akin. Hindi ko talaga alam kung paano sasabihin sa kanila na MU na kami ni Braden.


Alam ko naman kasi na medyo indifferent talaga sila kay Braden kasi part siya ng Hermanos pero isang week ko na rin kasing tinatago sa mga kaibigan ko 'yon at ayaw ko naman talaga magtago ng kahit ano sa kanila.


"Ano 'yon?" tanong ni Jas na parang alam na niya 'yong sasabihin ko. Feeling ko, alam naman na niya, halos araw-araw naman niyang nakikita na hinahatid ako ni Braden sa rehearsals.


Napa-iwas ako ng tingin."MU ko na si Braden."


[Career Series #4]: The Water Pollutant (COMPLETED)Where stories live. Discover now