Chapter 58

681 20 1
                                    

Braden's POV


"Ayos, gamit na gamit ng tatay mo 'yong mukha mo ngayong eleksyon," sabi ni Huey at iniharap sa akin 'yong cellphone niya na may nakabukas na news article na may mukha ko na naman.


Ang title pa noong article ay, "Meet the son of the former Governor of Isabela" na akala mo talaga nagpakatatay sa akin.


Tumakbo ulit siyang Senador at hindi na niya ako tinatago sa media, nabola pa niya 'yong publiko na kaya walang nakakaalam tungkol sa akin dahil pinoprotektahan niya ako. Wala raw kasi ako sa puder niya kaya hindi niya ako mapoprotektahan laban sa mga kaaway niya sa pulitika.


Hindi na lang ako umimik noong narinig ko 'yon sa kanya. Gusto kong sirain 'yong karera niya sa pulitika pero alam kong madadamay ko 'yong lolo at lola ko na magulang niya kaya hanggang ngayon nananatili akong tahimik.


"Ang ganda ng title wala namang nakalagay maliban sa impormasyon sa'yo tungkol sa swimming at pagiging computer science student sa UPLB," sabi ni Miggy at umiling habang binabasa pa rin 'yong article. "Kapag may nag-search ng pangalan mo sa Google ito lang din naman lalabas."


"Mukha kang mysterious dito, Braden," sabi ni Jenica na nakikibasa rin sa article.


Napailing na lang ako dahil tinatawanan na nilang apat 'yong article at kung anu-anong sinasabi tungkol sa akin na wala roon sa article.


Lumipas ang ilang araw at lalong naging matunog 'yong pangalan ko sa social media dahil sa tatay ko na ginagamit 'yong mukha ko para maging matunog 'yong pangalan niya.


"Kung mananalo 'yong tatay mo sa eleksyon dahil sa mukha mo, ewan ko lang," bulong sa akin ni Ria habang nakatingin sa paligid namin.


Napatingin din ako sa paligid namin at may mga estudyante na nakatingin sa akin. 'Yong iba masama 'yong tingin habang 'yong iba parang naaawa pa sa akin. Hindi ko na lang pinansin, araw-araw namang ganito. May mga news websites pa na kino-contact ako para interview-hin ako pero hindi ko sila sinasagot.


"Ano? Sama ka?" tanong ni Huey sa akin noong matapos 'yong huling klase namin ngayong Biyernes.


Umiling ako. "Kayo na lang, mananahimik ako sa apartment ko."


Hindi na nila ako kinulit na sumama sa kanila dahil alam naman nila kung bakit ayaw kong sumama.


Noong makaalis sila, naglakad na rin ako papunta sa apartment ako at napatingin ako sa gilid ko noong maramdaman ko na parang may nakasunod sa akin. May nakita akong dalawang tao sa likod ko, isang babae at isang lalaki.


May hawak na camera 'yong lalaki habang 'yong babae naman may hawak na audio recorder.


"Mr. Amante, pwede ka po ba namin ma-interview tungkol po kay Mr. Palomique?" tanong sa akin noong babae habang 'yong lalaki naman itinapat sa akin 'yong camera.


Umiling ako at binilisan ko na 'yong paglalakad ko pauwi sa apartment ko.


[Career Series #4]: The Water Pollutant (COMPLETED)Where stories live. Discover now