Chapter 48

534 21 4
                                    

"Really? Papayag ka maging fling ko?" hindi makapaniwala kong tanong sa kanya.


"Bakit naman hindi?" malumanay niyang tanong at hinawakan 'yong pisngi ko. Familiar 'yong way ng pagtitig niya sa akin.


Sarcastic ko siyang nginitian bago nilayo 'yong mukha ko sa kamay niya. "Because you're controlling and you like having your own way."


His expression softened. "Marami nang nagbago, Daphne. Okay lang sa akin maging fling mo."


Tinaasan ko siya ng kilay. "Alam mo naman siguro meaning ng fling, diba? Ang daming mong ganoon noong high school."


Gumalaw 'yong adam's apple niya at tumango. "No strings, just sex."


"And you're okay with that?"


"Hindi mo naman pinagsasabay mga flings mo, diba?" mahina niyang tanong.


Umiling ako dahil hindi ko naman talaga ginagawa 'yon, kaya nga pwede ko sabihing dine-date ko 'yong mga flings ko kahit hindi naman talaga.


Huminga siya nang malalim na parang nabunutan ng tinik. "Okay... Lalong naging okay. Sa akin din, ikaw lang."


Tinaasan ko siya ng kilay. "Ano ba talagang goal mo rito, Braden? Bumabalik ka kasi familiar?"


Umiling siya at lumapit sa akin. "Wala lang, gusto ko lang."


I shrugged kahit may kakaibang reaction 'yong katawan ko sa kanya. Familiar lang siya kaya ganyan mag-react 'yong internal organs ko, hindi dahil may feelings pa 'ko.


It's been four years, and I've been with several other guys. I just need a good fuck and he's a good fucker.


"Akin na number mo," sabi ko. Siguro naman mawawala na siya sa sistema ko kapag ginawa ko siyang fling. Magsasawa rin ako. "Tatawagan na lang kita kapag available ako."


"Pwede ko rin makuha number mo?" tanong niya... Parang nag-iingat siya sa bawat sasabihin niya na hindi naman kailangan dahil wala naman na talaga kaming relasyon. "'Yong dati mo bang number 'yon pa rin number mo ngayon?"


Tumango ako. "'Wag mo 'kong tawagan kapag tanghali at umaga... Busy ako."


"Okay." Binigay niya sa akin 'yong number niya at nagpaalam na dahil may training pa raw siya. Wala naman akong pakialam kung saan siya pumupunta.


Umakyat ako sa second floor ng studio ko para mag-umpisa na mag-record ng 'reacting to assumptions about me' na vlog. Next week naman, maglalaro kami ng Mafia na magkakaibigan. Kailangan ko pa i-bribe si Matt at Ella para sumama sila.


"Ex mo ba talaga 'yon, ate Daph?" tanong ni Aya. Nakatingin din sa akin 'yong dalawa at parang naghihintay talaga ng chismis

[Career Series #4]: The Water Pollutant (COMPLETED)Where stories live. Discover now