Chapter 28

465 18 0
                                    

"Saan mo balak mag-senior high?" tanong ko kay Braden.


Ang daming nag-o-offer kay Braden na universities dahil sa swimming at dahil nakakuha siya ng silver medal sa Regional Science Fair para doon sa pinrogram niya na robot. Nakaka-proud din talaga 'yong achievements niya.


"Ikaw?" tanong niya habang nagsasagot ng analytic geometry assignment namin.


"Ayaw ko muna lumipat, nakakatamad magbiyahe papunta sa mga malalayong school," sabi ko sa kanya. Pinag-isipan ko namang mabuti 'yong desisyon ko, pwede naman kasi ako mag-try sa UST at FEU pero parehas nasa Manila 'yon at ayaw ko pa ma-stress sa traffic.


Katipunan to Marikina nga sinusumpa ko 'yong traffic, Katipunan to U-belt pa kaya? Maganda 'yong college experience pero hindi naman ako mahuhuli kung mismong sa college ko pa mae-experience 'yong mga ganoon.


STEM naman balak ko kuhanin na strand tapos maganda rin naman 'yong STEM dito sa school namin. Mas marami pa ring opportunities na mag-grow kami kaysa ipilit ko 'yong sarili ko mag-adjust sa ibang school.


Bagong crowd na naman, bagong pakikisamahan, bagong environment. Maraming masamang students sa FIST pero sanay na kami sa mga tao.


"Dahil hindi ka lilipat, hindi na rin ako lilipat," sabi ni Braden at tumawa. "Joke lang, ayaw ko rin naman talaga lumipat kasi hindi naman ako sure sa tuition sa ibang school. Ayaw ko na rin madagdagan gastos nila mama sa pamasahe. Mas mabuti nang sa college ko na lang sila magagastusan."


December na kasi at pinag-uusapan na talaga sa batch namin 'yong tungkol sa mga balak namin sa Senior High, 'yong iba kasi gusto na lumipat sa mga universities at colleges para daw ma-experience na agad nila 'yong college life.


Kumukuha na rin sila ng mga Form 137 at kung anu-anong papers para sa mga requirements nila sa pag-apply sa ibang school, 'yong iba nagre-review center na rin.


Medyo nape-pressure ako kumilos at mag-ayos din ng papers kahit ayaw ko naman lumipat.


I sighed. "Sana magkaklase tayo sa Grade 11."


"Sana nga, para lagi pa rin tayong magkasama sa mga projects." Natawa siya. "Matagal-tagal pa naman 'yon. Ipasa muna natin 'tong Analytic Geometry."


"Ugh! Kailangan mo talaga ipapaalala 'yang hell subject na 'yan." Tinuturuan niya ako kanina kaso napagod na utak ko kaya siya na lang gumagawa ng homework namin.


"May precalculus sa Grade 11," pang-aasar pa niya lalo. My gosh! Talagang kailangan niya ipaalala na marami kaming Mathematics next year.


"Ayaw ko na mag-Math, weakness ko talaga." Nag-pout ako. Hindi naman ako bumabagsak sa Math nasa 88-93 pa rin naman range ng grade ko pero 'yon laging pinakamababa kong subject.


"Mag-asawa ka na lang ng lalaki na magaling sa Math at magkakaroon ng degree sa computer science," sabi niya at nagtaas-baba ng kilay niya. "Para kapag nagkaroon ka ng anak magaling sa Math. Gwapo tapos moreno na magaling pa mag-swimming."

[Career Series #4]: The Water Pollutant (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon