Chapter 51

551 25 13
                                    

"May iba talaga sa'yo," sabi sa akin ni Crystal noong makarating ako sa unit ni Blair. Naka-recover na siya sa sakit niya at nakabalik na rin 'yong mga nawala niyang memories dahil sa meningitis kaya nakapagkita na ulit kami.


"Tumataba ako, diba?" sabi ko sa kanila at tumingin sa katawan ko. "Ilang araw na nga akong nag-e-exercise ng kung anu-ano."


Na-stress kasi talaga ako kay Braden kaya siguro ako nag-stress eating. Two weeks na simula noong huli ko siyang makita at nagte-text pa rin siya paminsan-minsan pero hindi na talaga ako nagre-reply.


Miss ko siya pero mas tahimik 'yong buhay ko ngayon, mas okay ako ngayon. Wala akong naaalala, wala akong iniisip na iba, puro sarili ko lang iniintindi ko.


"'Wag masyadong intense 'yong mga gawin mo na exercises," sabi sa akin ni Ella.


Kinunotan ko siya ng noo. "Bakit naman?"


"Just in case you're pregnant," sagot ni Ella kaya napatingin 'yong tatlo sa kanya.


Nanlaki 'yong mata ko sa sinabi niya. "Ha? Ako buntis? Hindi siguro, Ella, lagi kaming may gamit na condom ni Braden, okay?" I chuckled. "Tsaka wala nga akong symptoms."


Tumaas 'yong kilay ni Ella na parang hindi siya naniniwala sa akin. "'Yong pagkain mo ng singkamas na may bagoong noong isang araw, hindi symptoms 'yon?"


"Pagkain lang 'yon, Ella," sabi ko sa kanya kasi parang masyado namang siyang advanced. Masarap lang ang singkamas at bagoong kaya ako kumakain noon.


"Nagkaroon ka ba last month?" tanong ni Ella.


Inirapan ko siya at binuksan 'yong period calendar na app sa phone ko para ipakita sa kanya na nagkaroon ako pero noong makita ko 'yong period calendar ko, napakurap ako, wala akong nilagay na record last month...


Nabitawan ko 'yong phone ko at tumingin ako sa kanila habang malaki 'yong mata ko. "Shit!"


"Buntis ka?" tanong agad ni Jas.


Mabilis 'yong tibok ng puso ko at kung anu-ano na ang tumatakbo sa isip ko, isa na roon si Braden. "Hindi ako nagkaroon last month."


"Bibili lang ako ng pregnancy test kit mo," sabi ni Ella at naglakad palabas ng unit ni Blair. Sumunod naman sa kanya si Jas.


"Shit!" sigaw ko at pinatong 'yong ulo ko sa table.


Hinimas ni Blair 'yong likod ko. "Anong gagawin mo, if ever?"


Umiling ako. "Hindi ko alam."


"Paano mo sasabihin kay Braden?" tanong ni Crystal.


Huminga ako nang malalim bago ko inangat ulit 'yong ulo ko. "Parang ayaw ko nga sabihin."


[Career Series #4]: The Water Pollutant (COMPLETED)Where stories live. Discover now