Chapter 11

599 17 2
                                    

"Wooooh! Go, Daphne! Go, Jas!" sigaw ng mga clubmates ko sa dance club habang sumasayaw kami ni Jas.


Summer break na namin bukas at last meeting ng lahat ng clubs para sa school year na 'to. Nag-decide 'yong dance club na mag-dance off na lang kami para swerte daw kami sa Palarong Pambansa.


Nag-farewell party pa kami kanina para kay kuya Brent at kuya Jeff sa History Club. Ako na 'yong treasurer ng club... Nag-adjust ulit kami ng position namin sa History Club, puro lalaki pa rin 'yong nakaupo na bago sa club. Hindi na kami nagbago ng sistema.


"Iba talaga sumayaw si Daphne at Jas, kaya nakapasok sa Palarong Pambansa, eh," pag-compliment sa amin ni ate Rica, 'yong bago naming president sa dance club.


"Galingan niyo sa palarong pambansa, okay?" sabi naman sa amin ni kuya Lucas.


"Yes, kuya! We'll do our best!" sagot ko naman.


Kinakabahan talaga ako sa Palarong Pambansa dahil sobrang taas ng expectations sa amin ng school, may mga kasama pa kaming mga nakapwesto last year.


After ng club activities, nag-stay lang kami sa open field dahil bawal pa umuwi. May mga naglalaro ng volleyball at basketball. Naging culture na sa school namin na may mga naglalaro ng volleyball kapag wala nang school activities kaya halos lahat din kami alam 'yong basics noong sport.


May mga groups din na magkakasama, mga ine-enjoy 'yong company ng isa't isa bago maghiwa-hiwalay ngayong summer. Parang ngayong grade 8 din yata maraming nabuo na mga group of friends sa batch namin pero mostly group of friends na boys. Kami lang yata 'yong group na multiple genders 'yong kasama sa group.


"Hey, lunch kayo bukas sa house. School year end party natin movie marathon," sabi ni Blair habang naglalakad kami palabas ng school. "May bonding dapat kami ng cousin ko pero hindi natuloy 'yong flight nila."


"Uuwi si Zirconia?" tanong ni Axel. Sino na naman 'yon? Dami talagang kilala nito ni Axel.


"I don't know na... Sabi ni mommy uuwi sila pero parang hindi yata tutuloy." Ngumiti sa amin si Blair. "So, sama kayo bukas?"


"Sino si Zirconia?" curious na tanong ko. Familiar 'yong name niya pero hindi ko maalala kung saan ko narinig... Kung kilala siya ni Blair at Axel, probably kasama sa mga business people or family ng politicians galing.


"Heiress ng mga Fiorentino, Daph," sagot ni Axel in a 'duh' tone na parang dapat alam ko na.


I just nodded. Naalala ko na pero hindi ako interested. Hindi naman ako interested sa business people. 'Yong family ng mommy at daddy ko parehas nasa business world pero hindi talaga ako interested...


Parang ang gulo kasi nila.


"Potluck tayo, magdadala ako ng pizza," sabi ni Julian.


"Ako na bibili ng lahat since ako naman nag-invite."


[Career Series #4]: The Water Pollutant (COMPLETED)Where stories live. Discover now