Chapter 33

472 14 4
                                    

"Matagal ka pa ba diyan?" tanong ko kay Braden.


"Patapos na, isang 200 meters na lang."


Next week na 'yong Palarong Pambansa kaya intense mag-training si Braden kahit mag-isa lang siya. Tinutulungan ko lang siya mag-timer ngayon iniwan siya ng coach niya dahil may meeting daw.


"Kayang-kaya mo naman 'yan," pagche-cheer ko sa kanya.


"Kaya ko naman, gusto ko lang siguraduhin 'yong gold. Sa Isabela pa naman 'yong Palarong Pambansa, baka manood 'yong grandma at grandpa ko." Naglakad na siya papunta sa gilid ng pool. "Wait lang."


Pinindot ko na 'yong timer noong mag-dive siya at sobrang bilis niyang nakarating sa kabilang dulo. Mukhang matatalo niya 'yong record niya.


"Ang bagal ko pa rin," reklamo niya habang nakapatong 'yong chin niya sa side ng pool at hindi pa rin umaahon. Tinaas niya 'yong kamay niya. "Tulungan mo 'ko."


Nilagay ko muna 'yong phone ko sa isa sa mga upuan sa side dahil kilala ko si Braden at makalapit lang ako nang kaunti sa pool habang nagsi-swimming siya, binabasa niya talaga ako. Kaya lagi akong may dalang damit kapag nagte-training siya.


"Hindi naman kita babasain, eh," natatawang sabi ni Braden habang naglalakad ako palapit sa kanya.


"Kilala na kita 'no? Hindi mo na ako maloloko sa mga ganyan mo."


Tinaas niya 'yong kamay niya at nag-smirk sa akin. "Talaga lang, ha?"


"Talaga." Kinuha ko 'yong kamay niya at hinila na siya pataas.


Naramdaman ko 'yong malamig na tubig na dumikit sa balat ako dahil hinila ako ni Braden papunta sa pool imbis na mahila ko siya pataas.


"Ang lamig!" reklamo ko at hinampas si Braden. Magsi-swimming na dapat ako palayo sa kanya pero hinila niya ako at niyakap.


"Sorry," he laughed, "I love you." His lips met mine.


Napailing na lang ako sa ginawa niya. Ang lakas ng loob gawin 'to dahil alam niyang wala masyadong tao sa school at walang makakahuli sa amin na PDA kami dito sa swimming area ng school. Wala kasi talagang pumupunta rito.


He wrapped my legs around his waist and continued kissing me. His kisses trailed down to my neck, and I was already lost with his kisses when I realized that we're at school.


I pushed him lightly. "Baka may makahuli sa atin," I said while I was catching breath.


Hinalikan niya ako sa noo bago siya umahon habang buhat-buhat ako. Pinapahirapan lang niya 'yong sarili niya, kaya ko naman umahon mag-isa.


Binigay niya sa akin 'yong isa niyang towel, buti na lang din lagi akong may dalang extra na damit sa locker. Mga kalokohan nito ni Braden!


[Career Series #4]: The Water Pollutant (COMPLETED)Where stories live. Discover now