Chapter 56

576 18 4
                                    

Braden's POV


Naramdaman ko nag-vibrate 'yong cellphone ko na nasa bulsa ko kaya kinuha ko agad 'yon para tignan kung si Daphne ba 'yong tumatawag pero unknown number pala kaya binalik ko na lang sa bulsa ko at hindi ko pinansin.


Tinuloy ko na 'yong pakikinig ko sa prof namin na terror at pahirap sa buhay habang hindi pa rin tumitigil 'yong pag-vibrate ng cellphone ko.


Pagkatapos ng klase ko, kinuha ko 'yong cellphone ko sa bulsa ko dahil mukhang hindi yata titigil kung hindi ko sasagutin 'yong tawag. Tinignan ko muna 'yong number dahil baka pamilyar 'yon pero wala naman akong kakilala na ganito 'yong number.


Sinagot ko na rin, baka bagong number ng kakilala ko. Tinapat ko sa tenga ko 'yong cellphone ko pero hindi ako nagsalita, hintayin ko muna magsalita 'yong nasa kabilang linya.


"Hello, si Braden Amante po ba 'to? 'Yong anak po ni Gov. Palomique?"


Natigilan ako sa tanong noong nasa kabilang linya at ang unang naging aksyon ng kamay ko ay ibaba 'yong tawag.


Dapat hindi ko ginawa 'yon! Lalo ko lang sinagot 'yong mga hinala nila. Tinignan ko lang 'yong cellphone ko at hinintay kung tatawag ulit 'yong number pero mukhang sapat na sa kanya na binabaan ko siya. Shit!


Kasalanan talaga 'to lahat ng tatay ko. Kung hindi siya nangaliwa sa asawa niya, hindi naman ako ipapanganak. Nilagay niya lang kaming dalawa sa magulong sitwasyon.


Ang pagkakaiba lang namin, hindi ko ginusto 'to, hindi ko ginustong ipanganak na siya 'yong tatay ko, habang siya, pinili niya na mangaliwa. Pinili niyang lokohin 'yong asawa niya pati 'yong mama ko.


Bahala na siya, hindi ko na problema 'yan.


Lumipas ang ilang linggo at hindi ako matahimik dahil 'yong pamilya naman ng tatay ko 'yong tawag nang tawag sa akin. Hindi ko lang sinasagot dahil dadagdag lang sila sa bigat ng mga problema ko sa school.


"Tulala ka na naman, okay ka lang ba?"


Napalingon ako sa cellphone ko kung saan kausap ko si Daphne sa video chat. Ngumiti siya sa akin pero bakas 'yong pag-aalala sa ngiti niya.


Ngumiti na lang din ako at tumango. "Okay lang ako, ang dami lang talagang nangyayari."


"Gusto mo pag-usapan?"


"Hindi na," sagot ko habang umiiling. "Tapos? Anong nangyari sa Zoology class mo?" tanong ko para maiba na 'yong usapan.


Nag-aalangan niyang tinuloy 'yong kinukwento niya kanina. Mas gusto ko naman makinig sa mga kwento niya kaysa magkwento ako.


Tinanggal ko muna lahat ng iniisip ko... Ganoon naman lagi kong ginagawa kapag kausap ko siya dahil ayaw kong bigyan siya ng dagdag na problema. Nahihirapan din naman siya sa ginagawa niya tapos dagdag pa 'yong problema niya sa pamilya niya.

[Career Series #4]: The Water Pollutant (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon