Chapter 50

581 18 6
                                    

Kumunot 'yong noo ko sa sinabi niya at tinanggal 'yong pagkakayakap niya sa akin. "Anong ibig mong sabihin?" tanong ko para i-confirm 'yong naiisip ko.


Kung ibabase ko lang sa pagkakaintindi ko 'yong mga actions niya at 'yong mga sinasabi niya sa akin, iisipin ko na may feelings pa rin siya para sa akin. Hindi na kami bata para maglaro.


Nag-iwas siya ng tingin. "May feelings pa rin ako sa'yo. Mahal pa rin kita."


"Alam mo naman na hindi 'yon pwede, diba?" malumanay kong tanong dahil ngayon lang talaga kami mag-uusap about dito. Wala rin ako sa mood makipag-away sa kanya.


Tumango siya at nag-sigh. "Kaya nga ayos lang sa akin kahit fling kasi mas gusto ko na nasa tabi kita kahit hindi mo na 'ko mahal kaysa nasa malayo ka."


"You're wasting your time... Kasi kahit sabihin mo na okay lang, kahit sabihin mo na hindi ka na umaasa, deep down hindi 'yon okay para sa'yo at umaasa ka pa rin."


Mukhang napaisip siya sa sinabi ko pero umiling siya. "Magsisinungaling ako kung sasabihin ko na hindi, kasi syempre gusto ko pa rin makasama ka pero desisyon mo naman 'yon... Nandito lang ako kahit sabihin mo na nag-aaksaya lang ako ng oras ko."


Nag-shrug ako. "Bahala ka. Bumalik ka na sa Indonesia," I said nonchalantly.


Niyakap niya ulit ako mula sa likuran ko kaya bumilis 'yong heartbeat ko... Hindi ako pwedeng makaramdam pagdating sa kanya.


Nilayo ko 'yong mukha ko sa mukha niya. "Think about this, Braden, siguraduhin mo na pag-uwi mo, nabawasan na kahit konti 'yong feelings mo para sa akin."


Mas lalong humigpit 'yong pagkakayakap niya sa akin. "Hindi ko talaga kaya, Daph."


"Then, let's end this. Ayaw ko na nagpapaka-ganito ka habang fling kita, may konsensya naman ako and I hate keeping people on the hook."


"Ayos lang naman talaga sa akin, Daph." Malungkot 'yong boses niya kaya lalo kong naalala lahat.


Naalala ko 'yong nangyayari dati na gagamitin niya 'yong malungkot niyang mukha at malungkot niyang boses tapos papayag na agad ako. Hindi ako pwedeng bumalik doon ulit, this shit is really familiar. "Sa akin hindi ayos. Either we end this or you erase your feelings for me."


"Sige, pipilitin kong tanggalin 'yong feelings ko kung 'yan ang gusto mo, Daph. Sorry for pushing it." Hinalikan niya 'yong pisngi ko.


"Umalis ka na," sabi ko.


"Matagal pa naman 'yong umpisa ng swimming competition, dito lang ako." Ang lungkot ng boses niya kaya lalo akong nairita. Bumabalik yata sa manipulative ways niya.


Napapikit ako sa sobrang frustration dahil bumabalik sa akin lahat ng kasalanan niya, bumabalik sa akin lahat ng nangyari noon. "Ayaw kitang makita ngayon, Braden, kaya umalis ka na lang."

[Career Series #4]: The Water Pollutant (COMPLETED)Where stories live. Discover now