Chapter 24

485 13 2
                                    

Braden's POV


"Daphne, sa Thursday, ha?" sabi ko sa kanya noong mapadaan siya sa tambayan ng grupo namin.


Sinamaan lang niya ako ng tingin kaya tinawanan ko lang siya. Napilit namin siya kanina na samahan ako sa palengke para pumili ng prizes para sa promotion namin sa History club.


Kaya ko naman gawin 'yon mag-isa pero sayang naman 'yong oportunidad na makasama ko siya. Tsaka para magkaroon kami ng issue, kailangan ma-issue kami para medyo dumistansya 'yong ibang lalaki sa kanya.


Inirapan ako ni Daphne at naglakad na palayo kasama si Crystal kaya tinawanan ko na lang. Pikon talaga.


"Bakod 'yan, Braden?" tanong ni Calvin at ngumisi.


Napatingin sa amin si Axel at ngumiti na lang. "Una na 'ko. Good luck sa best friend ko," sabi niya at ngumisi bago naglakad palayo sa amin.


Hindi naman siguro niya sasabihin kay Daphne 'yong mga nangyayari pero mag-best friend sila. Bahala na nga!


Dumating na 'yong iba pa naming mga kaibigan pati 'yong mga MU o girlfriend nila. Hindi ko talaga naiintindihan 'yong mga MU na ganyan pero kung umasta sila parang may label. Kaya hindi ako pumapasok sa mga ganoon, parang nakatali ka pa rin naman kapag MU.


"May nakalap akong chismis," sabi ng girlfriend ni Martin sa amin pero sa akin siya nakatingin.


"Ano 'yon?" tanong noong girlfriend ni Cody sa kanya.


Hindi ko na inaalala mga pangalan nila dahil mapapalitan naman sila sa susunod na linggo o sa susunod na buwan.


"Type daw ni Daphne si Matt, last year pa mga time ng Palarong Pambansa pa. Tinutulungan na pati ni Julian." Ngumisi siya. "Bagong biktima na naman."


Kumunot 'yong noo noong girlfriend ni Cody. "Matt? As in Matt Torre 'yong football player?"


"Oo nga! Kaya nga sabay sila magla-lunch."


"Jusko! Lahat na lang, hayok si ate girl?" sabi naman ng girlfriend ni Keith at tumawa nang malakas. "Sa susunod niyan baka si Julian na susunod na biktima niyan."


"Boring naman ni Julian," sabi ng girlfriend ni Cody. "Masyadong good boy."


"Ano 'yon? Isasabay niya sa pagiging fuck buddy nila ni Axel?"


Parang nagpintig 'yong tenga ko sa narinig ko. "Hindi naman niya kasalanan kung pinapatulan siya, hindi ba?" hindi ko napigilan 'yong sarili ko na sabihin. Marami pa akong gustong sabihin pero pinigilan ko na. Hindi naman kasalanan ni Daphne kung gustuhin siya hindi katulad nila na kailangan pa maghabol sa mga kaibigan ko at mang-agaw.


Siniko ako ni Calvin at binigyan ako ng pang-asar na ngiti. "Iba na 'yan, Braden, pinagtatanggol mo na."

[Career Series #4]: The Water Pollutant (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora