Chapter 18

495 16 0
                                    

TW// Online Sexual Harassment


"Ah," sabi ko at nag-smirk. Two can play at this game. "Kung makapang-asar ka sa akin na may crush ako sa'yo, ikaw naman pala 'yong nabubuo ang araw kapag kinakausap ako."


Nag-purse siya ng lips at tumingin nang masama kay Elijah.


Nag-shrug si Elijah. "Bagal mo, eh."


Satisfied akong naglakad palayo sa kanila. If ever na totoo na may gusto siya sa akin, sorry na lang sa kanya.


"Guys, may Mr. and Ms. Intrams daw na competition, sino isasali natin?" tanong ni Blair sa class namin. Nasa harap siya ng classroom kasama si Jas na VP at si Ethan na secretary.


Binaba ko 'yong ulo ko para hindi ako masyadong visible sa mga kaklase ko. Sinisisi ko talaga si Jas kung bakit ako muse sa class namin.


"Bakit hindi na lang 'yong muse at escort natin? Wala naman silang sinalihan buong year kasi hindi sila nagkakasundo," sigaw ng kaklase ko na nasa likod.


Tumingin sa akin si Blair at binigyan ako ng apologetic smile. "If they are willing to do it, why not?"


Biglang nag-demand na sa akin 'yong mga kaklase ko at nakakarindi 'yong ingay nila.


"I'll think about it," malakas na sabi ko para manahimik na sila.


Bwisit! Nakatakas na nga ako sa responsibility nang ilang buwan at palagi naman akong sinasalo ni Blair.


"Okay... Pag-iisipan daw ni Daphne," sabi ni Jas at lumingon kay Braden. "Ikaw, Braden?"


"Kung sasali si Daphne, sasali na rin ako." Hindi ako lumingon sa kanya pero halata naman sa tono ng boses niya na nang-aasar na naman siya.


Akala ko talaga titigil na siya noong inaasar ko na rin siya pero lalo pa siyang lumala!


"Ayon naman pala, sasali naman pala siya kung sasali si Daphne," sigaw ni Elijah. Nakigatong na 'yong mga kaklase ko at pinush na ako mag-muse sa Intrams.


Napa-facepalm na lang ako sa sobrang frustration ko. Responsibility ko naman 'to bilang muse ng class. Nakakainis!


"Sige na, ako na lang sasali. Ano bang sport?" sabi ko kay Jas.


"Oh, ayan sasali na raw si Daphne so sasali na rin si Braden," sabi ni Jas sa class namin. "Swimming daw 'yong sport."


Umingay 'yong mga kaklase namin dahil sa sinabi ni Jas na kami na 'yong muse at escort sa intrams at pati na rin tungkol sa sport na iko-costume namin.


"Okay, so ang attire niyong dalawa. Kay Braden, kung ano 'yong sinusuot mo sa mga swimming competitions mo."

[Career Series #4]: The Water Pollutant (COMPLETED)Where stories live. Discover now