Chapter 15

556 23 0
                                    

"Kumusta?"


Tumingala ako at nasa tapat ko pala si Ethan at Crystal, masyado akong na-focus dito sa ni-recommend na libro ni Blair. Hindi talaga ako mahilig magbasa ng books at stories pero magandang libangan pala talaga 'to.


Sinara ko muna 'yong libro ko noong umupo sa tabi ko si Ethan at Crystal mukhang hindi nila ako patatahimikin hangga't hindi ko talaga pinapakita na okay ako.


Okay naman na talaga ako... Nailabas ko na lahat ng pain at panghihinayang noong natitirang days ng Christmas break pero nag-aalala pa rin sila sa akin.


"Okay talaga ako, guys, promise," sabi ko sa kanila, naiistorbo pa yata 'yong 'babe time' nila dahil sa akin. "Naayos ko na 'yong feelings ko noong Christmas break... Nag-review nga lang ako para sa exam next week."


"Bakit mag-isa ka rito sa auditorium?" tanong ni Crystal. "Nag-aalala na kami nila Blair kasi usually naman nakiki-socialize ka sa mga kaklase natin kapag break time."


Pinakita ko sa kanila 'yong libro na hawak ko. "Na-hook ako rito, eh. Maraming book recommendations si Blair."


"Sigurado ka ba?" tanong naman ni Ethan at tinapik 'yong likod ko. "Lalabas kami ni Crystal pagkatapos ng exam, gusto mo sumama? Manonood kami sa sinehan."


Kinunotan ko sila ng noo dahil parang indirectly nilang sinasabi na mag-third wheel ako sa kanila. "Date niyo 'yon tapos isasabit niyo ako? Pinilit ko maging okay para lang inggitin niyo?" pagbibiro ko sa kanila.


Kapag nakita ko kung gaano ka-cute si Crystal at Ethan habang magkasama sila lalo kong mami-miss si Ashton... Kailangan ko talaga ng distraction para hindi ko siya naiisip lagi.


Ilang beses na ako na-tempt na mag-send sa kanya ng message, gusto ko lang siya kumustahin pero pinigilan ko 'yong sarili ko. Hindi 'yon tama para sa akin at sa process ng pagmo-move on ko.


"Umalis na nga kayong dalawa, may binabasa pa ako rito tsaka may babe time pa kayo. Kaya shoo na, okay lang talaga ako."


"Sigurado ka talaga?" tanong ni Ethan.


"Hindi ka iiyak pag-alis namin?" tanong naman ni Crystal.


I scoffed. "Bagay nga kayo, ang kulit niyong dalawa. Breakup lang 'to, kayang-kaya ko 'to." Mahal na mahal ko silang dalawa pero sobrang kulit nila sa pagwo-worry sa akin.


"Malakas ka nga, Daphne. Ako kasi baka hindi ko kayanin 'yang mga breakup breakup na ganyan," sabi ni Ethan at tumingin kay Crystal. "Kapag nakipaghiwalay sa akin si Crystal baka umiyak ako nang balde-balde at susunod ako kung saan siya pupunta."


Tumawa si Crystal nang malakas at hinampas si Ethan. "OA mo! Halika na nga, naiistorbo natin si Daphne sa pagbabasa niya."


Inirapan ko na lang silang dalawa nang pabiro parang nang-iinggit kasi talaga 'yong pagiging sweet nila.

[Career Series #4]: The Water Pollutant (COMPLETED)Where stories live. Discover now