Chapter 53

584 21 2
                                    

"Good morning, mommy!" sigaw ni Dawson kaya nagising ako. Nagtatatalon pa siya sa kama bago humiga sa tabi ko at hinalikan ako sa pisngi.


"Grabe ka naman mag-good morning, baby, hindi pa nga ako nakakamulat," sabi ko at niyakap siya nang mahigpit.


Umalis siya sa pagkakayakap ko at tinignan ako gamit 'yong chinito niyang mga mata. Iba rin talaga mag-iwan ng remembrance 'yong tatay niya, talagang kamukha pa niya. Wala man lang nakuha sa akin. Moreno rin siya pero hindi lang naman ako 'yong nag-contribute sa pagiging moreno niya.


"Mommy! Uuwi sa Manila!" sabi niya habang tumatalon-talon pa.


Niyakap ko ulit siya. "Mamaya na tayo bumangon, baby. Nakakatamad pa magbiyahe papunta sa Manila."


"Eh, mommy! Check up tomorrow! See tita dok!" Hinihila niya na 'yong damit ko pataas na para bang kayang-kaya niya ako.


"Walang dagat sa Metro Manila, hindi ka makakapag-swimming," sabi ko sa kanya. 'Yon lang kasi talaga 'yong ayaw niya sa Metro Manila, walang dagat kaya hindi siya nakakapag-swimming. May lahi yata siyang isda kaya dapat sa dagat siya nakatira.


Nag-pout siya pero ngumiti din agad na parang may naisip. "Swimming pool."


"Sige na, ito na," sabi ko at bumangon na dahil alam ko naman kung gaano niya kagustong umuwi sa Manila para makita niya 'yong mga tito at tita niya na tuwang-tuwang sa kanya. Nagpagawa pa si mommy ng swimming pool sa bahay namin para lang lalo siyang matuwa sa Manila.


Napilitan akong bumangon at ayusin 'yong mga gamit na dadalhin namin sa Metro Manila. Binihisan ko si Dawson bago ako nag-ayos ng sarili ko, apat na araw kaming magse-stay sa Metro Manila dahil tutulungan ko si Crystal sa pagpaplano niya ng wedding niya. Sa totoo lang, ayaw ko talagang umuwi sa Metro Manila kasi sobrang gulo roon pero wala naman akong magawa dahil nandoon 'yong mga kaibigan ko, 'yong pamilya ko, 'yong dati kong buhay.


"Mommy! Check up!" sabi ni Dawson noong makasakay kami sa kotse. Sa lahat naman ng bata, siya lang 'yong excited pa magpa-checkup.


"Yes, magpapa-check up tayo bukas pero diba pupunta din muna tayo sa house ni tita Blair mamaya para makita mga tito at tita."


"Daddy?" confused niyang tanong sa akin.


"No, baby, wala si daddy sa Manila." I sighed. Simula noong napanood niya 'yong Finding Nemo, nagtatanong na siya tungkol sa daddy niya at sa lahat-lahat ng parenting books na nabasa ko, walang tips kung paano mag-handle ng ganitong situation.


Nag-pout lang siya pero tumango. Madali siyang kausap kahit almost two years old pa lang siya pero mas kinakabahan ako kapag nag-umpisa na siyang pumasok sa school kasi mga tinuturo sa school laging may mommy at daddy ang isang pamilya kahit hindi naman lahat ng pamilya ganoon.


Nag-vibrate 'yong cellphone ko kaya binuksan ko muna 'yon at ang dami palang messages ng mga kaibigan ko sa group chat namin. Ang aga-aga pa, parang mga hindi busy.

[Career Series #4]: The Water Pollutant (COMPLETED)Where stories live. Discover now